Teaser

5.7K 119 15
                                    

Sa taong 2030, nagsimulang bumagsak ang iba't ibang bansa sa buong mundo. Sa loob lamang ng iilang linggo ay agad na dumami ang mga tinatawag na carriers, mga taong nagpasukob sa Cirvak virus. Ginawa ng gobyerno ng kanya-kanyang mga bansa ang lahat para maisalba ang mga nananatiling uninfected.

Isa na dito ang evacuation missions. Ilang mga survivors, karaniwa'y mga kabataan, ang iniligtas at inilipat sa mga refuge centers tulad na lang ng Salvador. Sa kasamaang palad, hindi lahat ng mga misyon na ito ay nagtatagumpay.

Tulad na lamang ng nangyari kina Thayer...

Kabilang siya sa mga kabataan na inilikas mula sa Baguio upang dalhin sa Batangas kung nasaan ang isang malaking refuge center na tinatawag na Navy Unit. Ngunit sa hindi malamang dahilan ay bumagsak ang kanilang sinasakyan na eroplano sa isang misteryosong isla sa Bataan, ang Isla Sangre.

Anim na kabataan at isang piloto ang napadpad sa isang isla na puno ng misteryo at kababalaghan. Isang baryo na walang nakatira. Isang kweba na puno ng misteryosong simbolo. Isang aklat na mula sa isang pamilyar na tao. Isang lihim na siyang pinagsimulan ng lahat.

Ang mga bagong bayaning 'to ang magsisimula ng pagbabago na siyang gigimbal sa lahat at magbubunyag sa lihim na itinatago ng Cirvak. Makakaya kaya nilang magtagal sa Isla Sangre para maibahagi ito?

Sangre: A Side Story (Pandemia #2.5)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora