8: REACH

1.4K 58 14
                                    

ARTHUR

Mahigpit ang pagkakahawak ko sa pahabang metal na hawak ko. Hindi ako makapaniwala sa aking nagawa.

May bahid na ng dugo ang aking kamay at katawan. Ang aking mukha ay naliligo na rin sa naturang likido. Patuloy ako sa pagsinghal. Hinahabol ko ang aking hininga. Nakakaramdam ng kakaibang bugso ng enerhiya ang aking katawan na siyang hindi ko naramdaman sa buong buhay ko. Ngayon lang. Ngayong nalaman ko na nasa panganib ang aking kasama.

Si Melvic ay nakaupo lamang sa isang sulok, mukhang gulat sa kanyang nasaksihan. Yakap niya ang sarili habang salitan na tinitingnan ako at ang mga pinatay kong infected. Mukhang wala nang mas ilalaki pa ang mga mata ni Melvic.

Bumuntong-hininga ako at binitawan ang piraso ng bakal na natanggal ko mula sa pader kanina nang inatake ako ng infected na aking sinugod. “Tumayo ka na riyan,” sabi ko kay Melvic. “Tiyak na may iilan pang infected ang puwedeng umatake kung mananatili lamang tayo rito.”

Napansin ko na nakatingin lamang sa mukha ko si Melvic. Naroroon pa rin ang gulat sa kanyang mukha. Di-kalaunan ay tinuro niya ako. “Ang mga mata mo, Arthur. Kulay ginto. Nagniningning.”

“Huh?” Gusto kong matawa sa reaksyon niya pero mukhang seryoso siya. Hindi ko alam kung niloloko niya ako o lumuwag na ang turnilyo sa kanyang utak. “Paanong magiging kulay ginto ang mga mata ko? Wala namang nangyari sa akin.”

Pinagmasdan uli ako ni Melvic. Umiling siya at nanginginig na tumayo. “Baka naalog lang itong utak ko. Tara na’t hanapin na natin si Lia.” Nagsimula na akong maglakad at sumunod lamang siya sa akin. Ang aming paghinga at mga yabag ang siyang naririnig sa paglalakad namin. Tila isang labirinto ang ang lugar na 'to. Walang katapusan. Walang tuwid na daan.

Narating namin ang dulo ng isang daanan. Doo’y naaaninag namin ang isang bakal na pinto. Nabuhayan ako bigla ng loob. Sana’y 'yon ang silid kung nasasaan si Lia. Nais ko siyang mailigtas bago pa man kami umalis sa lugar na ito. Pero nasaan siya? Kahit isang senyales man lang ng kanyang kinaroonan ay wala kaming makita. Sana’y nasa likod na siya ng pintong 'yon.

Naunahan ako ng tuwa at tumakbo ako papalapit sa pintong 'yon. Hindi ko namamalayan ang isang anino na bigla na lang bumungad sa aking harapan. Bago pa man ako makapag-react ay tila namuti ang ang aking paningin. Matinding sakit ang naramdaman ko sa aking tiyan. Nang tingnan ko ang bahagi kung saan ko nararamdaman 'yon ay napagtanto ko na may patalim na nakabaon sa aking tiyan. Nagsimulang dumaloy ang dugo mula roon.

“Arthur!” narinig kong sigaw ni Melvic.

Ngunit nakatuon lamang ang atensiyon ko sa infected na babae na nasa aking harapan. Hawak-hawak niya ang patalim na ibinaon niya sa aking tiyan, sa kaliwang bahagi malapit sa aking pusod. Tumatawa ito at patuloy sa pagsuka ng hindi malamang bolyum ng dugo. “Na-nagu-gulat ka b-ba?” bulong nito sa akin.

Hinawakan ko ang kanyang kamay at pilit na inilais ang nakabaong patalim sa akin. “Alisin mo ito sa akin!” Ang matinding sakit ay napalitan ng matinding galit. Nandito na naman ang kakaibang enerhiya na lumilibot sa buo kong sistema.

Pilit na ibinabaon ng infected ang kutsilyo nang mas malalim sa aking tiyan. Pinipigilan ko siya sa mangyari. Nakita ko si Melvic na pumunta sa likod ng infected at pilit na hinihila 'to palayo sa akin. Nauubusan na ako ng dugo. Basang-basa na ang pantalon na suot. Nararamdaman na 'to ng aking hubad na mga paa. Nagsisimula na akong manghina.

“Bitawan mo ang kutsilyo!” buong lakas ni Melvic. Bigla ay sinipa sa binti ang infected, bunga upang mapaluhod ito.

Napahiyaw nang ubod nang lakas nang binubot ang patalim na nakasaksak sa akin. Suminghal dahil sa matinding sakit. Napansin ko na hinawakan ni Melvic ang ulo ng babaeng infected. Agad ko namang ibinaon ang patalim sa noo nito, bunga upang sumirit ang dugo papunta sa akin. Umatras ako na hingal nang hingal, hawak-hawak ang bahagi kung saan ako napuruhan. Itinapon ko kaagad ang hawak na patalim na para bang nandidiri rito.

Sangre: A Side Story (Pandemia #2.5)Where stories live. Discover now