13: MONSTER

1.1K 49 16
                                    

LIA

 

Nagising na lamang ako na nasa ibang lugar na, walang ideya kung paano napunta roon. Nakaupo ako sa isang silya, ang aking mga kamay ay nakapatong at nakatali sa handrest gamit ang isang uri ng lubid. Katabi ko ay si Arthur na walang malay pa rin hanggang ngayon. Pareho kami ng kalagayan, nakatali rin ang mga kamay sa upuan.

Sa harap namin ay isang parihabang mesa na puno ng mga kagamitang gawa sa seramiko. Mga tasa't tsarera. Kutsara't tinidor na gawa sa pilak. Isang tea party? Naalala ko ang isang senaryo sa Alice in Wonderland.

"Welcome to my tea party!" sabi ng doktor na nakaupo sa isang dulong bahagi ng mesa. "Nandito ngayon tayo para i-celebrate ang muling pagbabalik ni Arthur sa isla ng Sangre!"

At siya ang Mad Hatter, wika ko sa aking isipan.

Narinig ko ang isang malakas na palakpakan sa paligid namin. Doon ko napansin ang iilang infected na nakatayo at nagbibigay-bunyi sa sinasabi nilang bumalik sa islang ito. Si Arthur na siyang gising na ngayon at mukhang hindi mawari kung ano na ang nangyayari sa paligid.

"Nasaan tayo?" bulong niya sa akin.

Tumingin ako sa paligid. Mga imahe ni Hesus at ng Birheng Maria. Mga upuan na siyang dasalan. Ang altar. At kami'y malapit na nakapuwesto rito. "Nasa isang simbahan o kapilya tayo," sagot ko sa kanya.

"Huwag kayong mag-alala, mga butihin kong kasama. Tiyak na matutuwa ako sa mga inihain mo. Pagkatapos ng tea party na ito, magsisimula na ang isang malaking handaan!" anunsyo ng doktor.

Nagsimulang magwala sa kanyang kinauupuan si Arthur. "Nasaan si Melvic?! Nasaan ang kaibigan namin?! Ilabas mo siya!" sigaw nito. Nagpumilit siyang makawala mula sa pagkakatali sa kanya ngunit nawalan lamang sa balanse ang kanyang silya at kasama siya nang bumagsak ito.

"Arthur!" hindi mapigilan kong sigaw dahil na rin sa pagkabahala.

Tumayo mula sa kanyang kinauupuan ang doktor at lumuhod sa tabi ni Arthur. Hinawakan niya ito sa pisngi at awtomatikong inilayo ni Arthur ang kanyang mukha. "Bitawan mo ako! Isa kang halimaw!" sigaw niya.

Ngumiti lamang ang doktor sa kanya. "Hindi ba tayong lahat ay halimaw? Lahat ay may hangarin at ang bawat ay nakakagawa ng masama sa kapwa. Sa tingin mo, ako ba ang halimaw rito? Ako na iniwan at pinagkamalang pinamamahayan ng demonyo ang matuturingan mong isang halimaw? Matatawag mo ba akong halimaw kung hindi nangyari ang nangyari sa akin?" Marahan niyang iniangat ang upuan at aktong inaayos ang kasuotan ni Arthur.

Doon ko na naisip ang sunod na gagawin. Natanaw ko ang isang kutsilyo malapit sa tasa sa aking harapan. Bagamat nakatali ang aking mga kamay ay pinilit ko na abutin 'yon. Masakit dahil sa mahigpit na pagkakaikot ng lubid sa aking pulsuhan ko pero ininda ko lamang iyon. Kailangan kong umaksyon ngayon, hindi lang na aasa ako kay Arthur.

Pakiramdam ko ay maghihiwalay na ang aking balat dahil sa pamimilit ko pero sa wakas ay naabot ko na ang kutsilyo at agad akong inilagi ang aking kamay sa ilalim ng handrest para maitago ang naturang patalim. Bumaling muli ang atensyon ko sa doktor. Kinakausap niya pa rin si Arthur. Masama naman ang titig ng kasama ko rito at halatang hindi pinakikinggan ang bawat sinasabi nito.

"...Ginagawa ko lamang ito para sa inyo. Gusto kong makasama kayo sa islang ito, masama ba iyon?" huling sabi ng doktor bago ito bumalik sa kanyang kinauupuan.

Tumuon ang tingin ko sa mga infected sa aming paligid. Walang nakatingin sa amin. Malalayo ang kanilang mga tingin. Magandang oportunidad na ito para pakawalan ang aming sarili. Mabilis kong inihagis ang kutsilyo sa aking binti at inabot naman ito gamit ang isa pang kamay. Nagkatitigan kami ni Arthur at sinenyasan ko siya sa kutsilyo na akong hawak. Dahil magkatabi lamang ang aming silya, mabilis ko iyong naipasa sa kanya.

Sangre: A Side Story (Pandemia #2.5)Where stories live. Discover now