Narito kami sa sala habang nakatingin kami sa phone niya. Balak niya kasing bumili ng damit through online at pinakita niya sa akin ang mga damit na halos bagay naman sa kanya. Maganda kasi talaga si Sarah. Matangkad, medyo mahaba ang leeg, matangos ang ilong, singkit ang mata at kung hindi lang talaga siya minsan asta kalye, papasa na siya bilang model dahil totoong maganda naman talaga siya.

"Oo," tipid kong sagot at sinilip ang phone ko.

Bakit ko nga pala sinisilip? Umaasa ba ako na magme-message ulit siya sa akin?

"Ayos!" Umusog si Sarah sa kanyang inuupuan. "Ito na lang ang bibilhin ko. Ikaw, ayaw mo talaga?" Nilingon niya ako.

In-off ko ang phone ko at napabuntonghininga. "Kung matutuloy man ako, may damit naman ako."

Kumunot ang noo ni Sarah at bumaba ang tingin niya sa phone ko. "Napansin ko na kanina ka pa sumisilip sa phone mo. May hinihintay ka bang tawag o text?"

Kinagat ko ang ibabang labi ko at tiningnan siya. "Alam na ni Zachary ang tungkol sa anak namin."

Nanlaki ang mata niya sa diretsahan kong sabi.

"Alam na niya..." Nanginig ang boses ko. "Nababahala ako sa posibleng mangyayari."

Yumuko ako at pinigilan ang sarili na maiyak. Naramdaman ko ang pag-usog niya papalapit sa akin at hinawakan ang kamay ko. Nang nag-angat ako ng tingin, nag-aalala na mukha ni Sarah ang nakita ko.

"Ano na ang balak mong gawin? Ilalayo mo ba ulit ang anak mo?" tanong niya at piniga ang kamay ko. "Kung alam na niya, hindi mo na kailangan magtago, Zel. Ano ba talaga ang kinakatakutan mo? Hindi naman siguro siya maghahabol kung hindi ka niya mahal."

"Sarah..." Nanlumo ako.

"Alam ko naman na natatakot ka lang para sa anak mo. Natatakot ka na mawala siya sa iyo dahil mayaman ang mga angkan ni Zachary." Binitiwan niya ang kamay ko at humilig sa likod ng sofa. "Anak din naman ni Zachary si Zellor, Zel. Hindi ko siya pinagtatanggol, pero kailangan mo ring ma-realize na hindi lahat ng iniisip mo ay magiging totoo. Hindi mo alam kung ano ang mangyayari, Zel. Sa pagkakaalam ko lang sa iyo, takot kang mawalay sa anak mo."

Kumirot ang puso ko sa sinabi ni Sarah.

"Siguro natakot ka kasi nagsimula kayo sa mali. Natatakot ka rin na baka hindi tatanggapin ang anak mo, pero kung mahal ka naman ni Zachary, ipaglalaban ka niya. Ang tanong...hinabol ka ba niya?"

Napaiwas ako ng tingin sa tanong niya at kinagat ng mariin ang labi. Marami siyang ginawa maibalik lang ako sa kanya. Kahit mali, kaya niyang gawin maibalik lang ako sa kanya. He was desperate. Wala siyang pakialam sa paligid niya basta makuha lang niya ang gusto niya.

"Sa itsura mong iyan, totoo nga. In that case, mahal ka niya. Annulled na sila ng asawa niya. Wala na siyang laban kay Zachary kahit na sabunutan ka pa niya, wala na siyang laban kay Zachary dahil hindi na sila kasal. How stupid of her! Gumawa ng eksena tapos annulled na pala. Mukha siyang tanga.

Hindi ako nagsalita.

"Kaya huwag sanang magpakipot, Zel. Bigyan mo rin ng pagkakataon ang sarili mo na sumaya. Huwag mong hahayaan ang ibang tao na sirain ang kasiyahan mo. Hindi nila alam ang buong storya ng kwento mo. Bigyan mo rin ng pagkakataon si Zachary...at si Zellor. Make his birthday party the best day ever..."

Matapos sabihin iyon ni Sarah, na-realize ko na sobrang selfish ko pala. Wala naman sigurong mali na isipin ang sarili. I was his mistress. I was his other woman. Sino ba naman ang gustong bumalik sa ganoon kung magulo pa ang lahat?

Tumulo ang luha ko at nilingon si Sarah na hinawakan na ang kamay ko. Inilagay niya ang isang kamay niya sa pisngi ko, pinupunasan ang luha ko gamit ang kamay niya. "Magdesisyon ka na, Zel. Kung ano man ang magiging desisyon mo, susuportahan kita. I am your friend after all."

Her Secret (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon