Chapter 41

2.8K 134 11
                                    

Lumipas ang dalawang buwan. Sobrang naging busy kami ni Kleo dahil sa preparation sa gaganaping wedding namin. Idagdag mo pang siya na ang CEO ng company nila ngayon kaya mas naging busy pa si Kleo. Ang nakakatuwa lang ay dahil hindi pa din siya mawawalan ng oras para saakin.

December 10 gaganapin ang kasal namin at next month na nga iyon.

Nandito ako ngayon sa condo kasama si Ange. Nag momovie marathon kaming dalawa. Wala pa si Kleo dahil mamayang 6 pm pa ang uwi niya.

Kanina pa ako nag hihikab habang nanonood kami. Pansin ko ang madalas na pag sulyap saakin ni Ange.

"Matulog kana kaya. Kanina kapa inaantok." Napakamot ako sa ulo saka tumango. Ilang araw ko ng napapansin ang pag dalas ng pagiging maantukin ko.

Naging matakaw din ako sa pag kain. Madalas din akong mag grave sa sampalok. Ayaw akong pakainin ni Kleo minsan dahil masyadong maasim iyon. Madalas kasi ay hapon na kung mang hingi ako.

"Nagugutom ako—"

"Alam mo kanina kapa kain ng kain. Aaminin mo nga, buntis ka no?"

My eyes widened in shocked. "B-Buntis ako?"

Napakunot ang noo ni Ange. "Nag pregnancy test kana ba?"

Nanlaki ang mata ko. "Hindi pa, Ange. Pero posible kaya na buntis ako? Madalas akong inaantok tapos gustong gusto ko ng sampalok."

Her eyes widened. "Mag PT ka, Shasha."

Sinamahan ako ni Ange na bumaba para pumunta sa butika. Dalawang PT ang binili namin ni Ange bago muling bumalik sa unit niya.

"Subukan mo itong dalawa okay? Basta pag dalawang line ibig sabihin positive. Okay ba?"

I smiled and nodded. "Maliwanag."

"Sige, pumasok kana sa cr."

Malakas akong napabuntong hininga bago trinay ang isang PT. Hindi ko muna tinignan iyon at trinay ang pa ang isa.

Nang lumabas ako ng cr ay agad na tumayo si Ange ng makita ako.

"Positive ba?"

"Hindi ko pa tinignan. Sabay tayo?"

"Sure."

Inabot ko na sakanya ang isang PT. Kinuha naman niya ito ng hindi tinitignan.

"Ready? 1... 2... 3... Go!"

Nakapikit ang isang mata ko habang sinisilip ang PT. Nang may makita akong isang red line ay inalis ko na ang daliri kong nakatakip.

Nanlaki ang mata ko sa nakita kasabay ng sigaw ni Ange.

"Kyaaaaah! Positive, Shasha! Magiging ninang na ako!"

"Bakit ka umiiyak?" Tanong niya ng makita ang mata ko.

"Tears of joy, Ange!"

Excited na akong ibalita kay Kleo na buntis ako. Nang makaalis si Ange, nag tungo na ako sa kusina para ipag luto si Kleo ng masarap na ulam.

Napangiti ako ng niyakap niya ako mula sa likod.

"Baby, I missed you."

"Namiss din kita."

Mabilis kong hinalikan sa labi si Kleo. Nang hindi ako makuntento ay muli ko siyang hinalikan hanggang sa maulit ng maulit.

"Good evening." I greeted and kissed his lips again.

"Hmm.."

"How's your work? Nagugutom kana ba? Mukhang pagod ka." Pinunasan ko ang kaunting pawis sa noo niya.

"Let's eat?" I asked. Tumango naman siya kay nag hain na ako.

Pinag shower ko muna si Kleo. Napatalon ako sa gulat ng marinig ko ang pabagsak na pag sara nito.

Napakunot ang noo ko saka lumabas ng dining.

"Anong nangyari?" Nag tatakang tanong ko sakanya ng makasalubong ko siya.

Nanlaki ang mata ko ng makita ang hawak hawak niya. "Y-You're pregnant?"

Ngumiti ako saka tumango. "Yes. Buntis ako, Kleo!"

His eyes widened. Napasuntok siya sa hangin sabay sigaw ng, "Damn. Yes!"

Natawa ako ng makita siyang umiiyak. Pinunasan ko ang luha niya. "Mamaya ko palang dapat sasabihin eh. Igogood news ko pero wala na, nakita mo na."

Agad naming pinaalam kila Mama at Kila Tita Klare na buntis ako. Tuwang tuwa sila sa nalaman at gusto na agad akong mapacheck up para malaman kung ilang months na ang baby dahil excited na daw agad sila sa pag labas nito.

Kinabukasan din iyon ay sinamahan ako ni Kleo na mag pacheck up. Kaya nalama naming four weeks na akong buntis.

"Congratulations Mr and Mrs. Collins. You're four weeks pregnant."

Nagulat ako ng makita sila Mama, Papa, Tita Klare, Tito John, Kuya Ralph, Tita Winnie, Kuya Larry, Robert, Ryan, Ashley and Ange na nasa loob ng condo.

"Let's celebrate!"

Tuwang tuwa sabi nila.

"Saan niyo ba ginawa?" Nakangising tanong ni Robert. Nanlaki ang mata ko at parang gusto ko nalang na sakalin siya.

"Robert!" I glared at him. He just laughed out loud.

"Sa boracay." Natatawang sabi naman ni Kuya Larry. Aba, isa pa ito. Mag kapatid nga talaga sila.

"Ilang rounds ba?"

Pulang pula na ang buong mukha ko ngayon dahil sa mga tinatanong nila. Sila Mama naman ay tumatawa lang.

"Lima, siguro."

"Pwede ba! Tumahimik nga kayo!" Naiinis na sigaw ko. Nag tawanan naman sila.

Nakasimangot akong nag angat ng tingin kay Kleo.

"Kleo oh! Tignan mo sila."

Kleo smirked at me. "Naka ilang rounds nga ba tayo?"

Tangina. Malakas kong pinalo sa braso niya si Kleo.

"Isa kapa eh!"

Chasing Mr.Collins [PUBLISHED]Where stories live. Discover now