Chapter 12

3.1K 157 18
                                    

Dahil seryoso kaming lahat na pumasa, naging busy ako sa pag aaral kasama ang si Kleo. Pag may free time, sa library ang deretso namin. Sa araw araw na mag kasama kami, mas mahuhulog ako sakanya. Ang tanging panalangin ko ay sapuhin naman sana niya ako—kidding!

Mabilis na matapos ang mga araw. Nagising na lang ako, araw na pala ang exam. 7 o'clock start ng examination. Maaga akong nagising para makapag ayos. Sa kalagitnaan ng pag aalmusal namin, makarinig kami ng sino sino na busina ng sasakyan sa labas. Napatayo si Papa at Kuya saka lumabas para tignan kung ano ang meron. Nag katinginan pa kami ni Mama bago sumunod kila Papa.

"Anong nangyayari—"

Laglag ang panga ko ng makita ang mga kaklase ko na naka sandal sa pinto ng front seat ng kotse nila. Nakahilera sa kalsada ang mga kotse nila. Sa sobrang dami, pinag titinginan na sila ngayon ng mga kahit bahay pati na din ang mga dumadaan. Wait, nasabi kona ba na mayayaman sila?

Nang makita nila ako, kumaway sila.

"Sha!"

"Sasha, tara na!"

Lahat sila ngayon ay nag lalakad na papalapit saakin. Kunot ang noo nila Mama at Papa ng lingunin ako.

"Anong ginagawa ng mga kaklase mo dito?"

I shrugged. "Hindi ko alam, Ma."

"Good morning po."

Nakatingin lang ako sa mga kaklase kong isa isang bumabati kila Mama at Papa.

"Ngayon ang examination niyo. Bakit nandito pa kayo?" Tanong ni Papa. Itinaas pa ni Andy ang kamay niya para sumagot.

"Sinusundo po namin si Keisha, Tito." Hindi naman na sumagot sila Papa kundi hinayaan na nila akong sumama sa mga hangal.

Nang makarating kami ay pinag titinginan na kami ng mga estudyante sa hallway. Nag tataka siguro sila kung bakit sabay sabay kami. Idagdag pang ang iingay namin habang nag lalakad.

"Bakit niyo pala ako sinundo? At talagang mag kakasama kayong lahat. Kasama ba ito sa plano?" Nag tatakang tanong ko sakanila.

"Dinagdag namin sa plano." Ibang klase talaga.

Saktong 7 o'clock nag start ang exam. Nasa harapan ako, samantalagang nasa ko silang lahat. Nag tataka man sa pwesto namin, hindi nag tanong si Professor Lee.

"May iba kaba, Ms. Martinez? Kanina ko pa napapansin ang madalas mong pag ubo."

Shit! Ngumiti naman ako kay Prof bago tumango.

"Meron po."

"Panay din ang pag kamot mo. May sakit kaba?"

Kanina pa ba ako pinapanood ni Prof? Hindi ako sumagot kaya nag salita ulit siya.

"Panay din ang pag taas mo sa ballpen mo. At kayo! Bakit imbes na sa text paper kayo tumingin ay kay Keisha kayo nakatingin? May ginagawa ba kayong hindi ko alam?!" He asked angrily. Napatuwid ako sa pag kakaupo.

"Nai-stress ako sainyo!" Sigaw ni bago nag walk out. Pag kaalis na pag kaalis ni Prof ay nag hiyawan kami. Bago lumapit saakin ang mga kaklase ko para mangopya ng sagot.

Ang plano talaga namin para malaman ang sagot ay pag nag kamot ako sa ulo, A. Pang umubo ako, B. Pag tinaas ko ang red ballpen ko, C. Pag uminom ako ay D. Halos maubos ko na ang tubig ko kakainom. Busog na busog tuloy ako dahil sa tubig.

Nang bumalik si Prof Lee ay inayos kami. Successful ang plano ng matapos ang exam ngayon araw.

Kinabukasan ay ganon pa din ang plano. Mabuti nalang iba ibang professor ang nag pa exam. Pero kung si Prof Lee lang, kahapon pa siguro kami nabuking.

Chasing Mr.Collins [PUBLISHED]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum