Chapter 26

2.7K 155 13
                                    

-

Ikwinento ko ang nangyari sa mga hangal. Binatukan ko si Jerome ng sisihin niya ang sarili niya dahil kung hindi daw niya ako isinama nun ay hindi mang yayari saakin ito ngayon.

Ilang sandali pa ay pinatawag na ako para sa practice. Sumama na naman saakin ang mga hangal dala ang kanilang kapal ng mukha. Hindi napalitan ang trainor. May mga nag sabi saakin na may nag bago daw dyan sa trainor namin. Hindi na daw madalas magalit at makipag ng mag turo. Ngayon nalang ulit ako makikipag practice kaya kita ang gulat sa trainor ng makita ako. Hindi siya nag salita at nag iwas nalang ng tingin.

"Okay girls, let's start."

Habang rumarapma ako ay pigil ko ang tawa ko ng makita ang mga reaksyon bilang lahat. Ang mga hangal ay nag sigawan ng makabawi sa gulat.

"WHOAAAAA! SHASHA! SHASHA!"

I smiled confidently. Kung ang unang rampa ko dito ay sablay. Ngayon ay iba na. Kita sa mga mata nila ang pag kamangha. Duh! Isa lang namang international model ang nag turo saakin. Marami akong mga papuring natanggap sa mga candidates ng pumasok ako sa backstage.

"Thank you, girls."

Natawa ako ng makita ang disgusto sa mukha ni Yelena. Halatang hindi nagustuhan ang atensyong nakuha ko. Tss. Humanda ka sa laban dahil tatalunin talaga kita.

Isang oras ang naging practice namin bago kami binigyan ng break.

Hindi na ako nag abala pang mag pabili sa mga hangal dahil pababa palang ako stage ay nakita ko na si Kleo na papasok.

May dala dala siyang pagkain. Napangiti ako at sasalubungin na sana siya kaso may isang hipon na sinalubong siya. Napasimangot ako ng makitang kinausap din siya ni Kleo.

Naupo muna ako sa bleacher at hinintay na matapos ang usapan ng dalawa. Napataas ang kilay ko ng makitang hahawakan sana ni Yelena ang hawak na pagkain ni Kleo ng mabilis itong iniwas ni Kleo sa kamay niya. Mukhang nag paalam na si Kleo dahil nag lakad na siya patungo saakin at iniwan na si Yelena. Buti nga sakanya! Bitch.

"Anong pinag usapan niyo?" Tanong ko ng tuluyan siyang nakalapit. Tinignan ko pa saglit si Yelena saka inirapan.

"Nangamusta siya." He said boredly. Hindi na ako nag tanong pa dahil mukhang hindi siya interesado.

Sinabayan niya akong mag meryenda. Sumandal ako sa balikat niya at tumingin kay Yelena. Nakasimangot siya habang nakatingin saamin pero ng makita niya akong nakatingin sakanya ay sinamaan niya ako ng tingin. I chuckled and smirked.

"Kamusta pala si Ashley? Hindi ba siya nagalit?"

Mamaya pa ang punta namin sa studio niya. Ang sabi naman ni Kleo ay hindi siya nagalit kaya nakahinga ako ng maluwag.

Ilang sandali pa ay tinawag na ulit kami ng trainor. Tumayo na kami ni Kleo. Nag paalam na siya at babalik nalang ulit mamayang lunch time.

Sa backstage ay maraming nag tanong kung kami na daw ba ni Kleo dahil ang sweet sweet daw namin.

I laughed. "Manliligaw ko pa lang siya." I said honestly. Kami na dapat kaso ayaw niya pang tanggapin ang yes ko.

Nakita ko ang pag irap ni Yelena kaya mas lumakas ang tawa ko.

Nasa kalagitnaan kami ng practice ng makita ko si Kleo na papasok ng gym. Kaya agad ko siyang nilapitan ng matapos ang practice namin.

Malawak ang ngiti ko habang pababa ng hagdanan. Nahinto ako sa pababa ng marinig ang tilian ng mga candidates sa kabilang hagdan.

"OMG! Nalaglag si Yelena!"

Napakunot ang noo ko ng marinig ang sinabi ng isang kandidata. Dali dali akong lumalapit lumapit sakanila.

"Anong nangyari?"

"Si Yelena, nalaglag."

Sinilip ko ang baba. Muntik na akong humagalpak sa tawa ng makita ang itsura niya. Mabuti nalang at napigilan kong mapahalakhak.

"Ang tanga naman niya." I whispered.

Nang makita ko si Kleo na papalapit na sa pwesto namin ay napangiwi ako.

"What happened?" He asked me pero iba ang sumagot.

Pinanood ko nalang ang mga kandidata na sabay sabay sa pag kwento tungkol sa nangyari kay Yelena kung bakit nalaglag.

"Nagkamali siya ng apak kaya nalaglag." Sabi pa ng isa.

Natigil lang sila ng marinig na dumaing si Yelena.

"Ouch! Ang sakit ng bewang ko." Pag aarte ni Yelena habang ang mga mata ay na kay Kleo ko. Aba.

"Kleo, tulungan mo siya."

Napangisi si Yelena ng marinig ang sinasabi ng mga kandidata na tulungan siya ni Kleo.

Matapang kong tinignan si Kleo na nakatingin na din pala saakin. Nag tatanong ang mga mata niya pero imbis na sagutin siya ay inirapan ko siya bago ako nag walk out.

Tahimik akong bumaba ng hagdan. Hindi pa ako nakakalayo ng narinig kong nag tawag ng dalawang lalaki si Kleo at inutusang dalhin si Yelena sa clinic.

Narinig ko din ang pag rereklamo ni Yelena na bakit hindi na lang si Kleo ang mag hatid sakanya. Hindi ko na narinig ang sagot ni Kleo dahil namalayan ko nalang na nasa tabi ko na siya.

"Are you mad?" He asked softly at me. I shook my head.

"I'm pissed! Nakakainis yang Yelena na yan! Alam mo, gumagawa lang yan ng dahilan para mapansin mo siya!" Naiinis na sabi ko sakanya. Natigil ako sa pag aalburuto ng maramdaman ang kamay ni Kleo na hinawakan ang kamay ko. At ngayon, nakaholding hands na kami.

Nanlaki ang mata kong nilingon siya. He smiled. "You're jealous. I like it."

"Huh?"

He pulled me in his arms and—oh my gosh! He kissed my cheeks!

Kasakay ng pamumula ng mukha ko ay ang tilian ng mga estudyanteng nakakita.

Sa hiya ko ay mabilis kong hinila si Kleo patungong cafeteria. Dahil ang chismis ay may pakpak maski ang mga tao sa cafeteria ay nalaman ang nangyari. May ibang estudyante kung makatingin ay nang aasar. Yung iba naman ay matutuwa at syempre may nakabusangot tulad nitong papasok ng cafeteria.

"Tignan mo. Kung totoong nalaglag yan makakalakad ba yan ng tuwid?"

Tumingin naman si Kleo sa entrance ng cafeteria kung nasaan si Yelena nag lalakad papasok kasama ang mga alipores niya. Tinakpan ko ang mata ni Kleo gamit ang dalawang kamay ko.

"Keisha?"

"Sa akin ka nga lang tumingin!" Naiinis na sabi ko sakanya. He chuckled and nodded.

"Dapat yang mga tingin na yan. Akin lang."

"Baby, I'm all yours."

Chasing Mr.Collins [PUBLISHED]Where stories live. Discover now