Chapter 10

3.2K 155 11
                                    

Mabuti nalang agad din kaming nakarating sa Hospital ni Kuya. Si Axel ang sumalubong saamin. Si Kuya, uuwi na muna para personal na ipaalam ako kila Mama at Papa. Ang sabi naman nila Axel, sila na ang mag hahatid saakin pauwi kaya pumayag na si Kuya.

"Huwag ka nalang mag pagabi."

Hinintay muna naming makaalis si Kuya bago kami umalis ni Axel sa parking lot. Sa second floor ang kwarto ng mga hangal. Humagalpak ako sa tawa ng makita ko ang mga itsura nilang lahat.

"Shit! Hahaha."

Maski sila Andy at Axel sumabay na din sa pag tawa. Nang makaramdam ako ng pag sakit ng tyan dahil sa pag tawa, huminto na ako bago ko sila hinarap. Nakasimangot silang nakatingin saakin.

"Talo kayo no? Anong mga itsura yan, ha? Ang papangit niyo na!"

Akala ko pa naman ay mas malakas sila sa black gang. Sa una lang pala sila eh. Infairness, mukhang magaling mamili ng member si King.

"So, inaamin mo ng gwapo talaga kami?" Clode asked and smirked.

I nodded. "Noon. Pero ngayon? Ang papangit niyo!"

May nakita akong prutas sa lamesang nasa tabi ni Jerome kaya lumapit ako. Dahil nga mga pasyente sila, pinag balatan ko sila ng prutas. Tumulong naman sila Andy at Axel. Ilang saglit pa at dumating na ang mga magulang nila kaya nag paalam na kami nila Axel. Nag text na din kasi si Mama na umuwi na ako.

"Alis na po kami."

"Mag iingat kayo."

Nag paalam din ako sa mga hangal na sinesermunan na ng mga magulang nila. Yan! Mga basagurelo kasi.

Kotse ni Axel ang sinakyan namin pauwi. Sa byahe ay ang nangyari kila Jerome ang pinag usapan namin. Nalaman kong natalo nga sila sa laban at mabuti na lang buhay pa silang nakauwi.

"Teka, paano niyo nalaman na nasa hospital sila?"

"Tumawag saakin si Jerome." Si Axel. Pinakita pa niya saakin ang text. Dati na ding inaaya ni Jerome itong dalawa, mabuti nalang at ayaw nila kundi sira din ang mga mukha nila ngayon.

"Salamat. Ingat kayo."  Pag kababa ko sa kotse, siyang labas ni Papa.

Saglit pang kinausap ni Papa ang dalawa tungkol sa nangyari, bago sila hinayaang makaalis.

Mabuti nalang at hindi naman sila nag tanong kung anong nangyari sa mga hangal na iyon. Ang tinanong lang nila kung maayos ba sila.

Alam na ng mga Professor ang nangyari kaya hindi na sila nag tanong pa kung bakit wala sila Jerome.

Bitbit ang imported na chocolates ko, lumapit ako kay Kleo na busy sa cellphone niya. Yung totoo, nag aaral ba talaga siya o na adik na sa ML?

"Hi, Kleo. Good morning." I greeted and smiled sweetly at him.

"Chocolates?" Inabot ko sakanya ang chocolates na hawak hawak ko. Napakunot naman ang noo ko ng titigan lang niya ang hawak hawak ko.

Dahil nangangalay na ang kamay ko unti unti ko itong ibinaba. "A-Ayaw mo ba?"

Hindi siya sumagot at binalik ang tingin sa cellphone niyang hawak. Muli siyang nag laro at hindi na ako sinulyapan pang muli. Bagsak ang balikat kong nag iwas ng tingin.

"Okay.." 

Tumalikod na ako at nag lakad na pabalik sa kinauupuan ko. Nginitian ko lang ang mga kaklase kong pinapanood na pala kami kanina pa.

"Are you okay?" Ange asked worriedly.

"No." I answered honestly. I rested my head on her right shoulder. "I'm broken."

Ange chuckled a bit. "Halata nga."

Nakasimangot lang ako pag dating ng next subject namin. Pag kinakausap nila ako, simple lang ang sagot ko dahil BROKEN NGA KASI AKO.

Pinigilan ko pa nga ang sariling kong sulyapan ang pwesto nila Kleo. Mag hapon akong matamlay. Akala ko pa naman ayos na kami ni Kleo pag katapos nung mangyari ang aksidenteng bastusin ako ng mga lasing. Mukhang nag pasikat lang ang gago. Tapos may pahalik halik pa siyang nalalaman eh nag walk out naman siya pag katapos! Bwisit siya. Ako to si Keisha, kayang kaya siyang tiisin—kakayanin pala.

Sumama ako kila Axel sa pag punta sa hospital para bisitahin kung buhay pa doon ang mga hangal. Sumama din naman si Ange saamin.

Naabutan naming nag bibiruan na sila. Mukhang magagaling na sila at pwede na ulit bugbugin. Lahat sila ay napatingin saamin at umayos sa pag kakaupo sa hospital bed.

"Anong nangyari kay, Shasha?" Narinig kong tanong ni Jerome. Kanina ko pa din napapansin ang madalas na pag sulyap ng mga hangal saakin. Nakaupo ako ngayon dito sa single sofa habang nakatingin sa kawalan.

"Broken yan. Hayaan niyo na."

Kahit na tulala ako, dinig na dinig ko kung paano nila ako pag usapang lahat. Kwinento pa nga ni Andy ang nangyari kanina kaya nag tawanan sila at nalaman na ang dahilan kung bakit ako ganito ngayon.

Nilingon ko na sila ng hindi na ako makatiis. Saktong lingon din nila saakin kaya sinamaan ko sila ng tingin.

"Dagdagan ko yang nasa mukha niyo, gusto niyo?" I asked them angrily. Mabilis naman silang nag si-ilingan. Maski sila Andy ay umatras palayo saakin. Tss.

Kinain ko ang mansanas na para sana sakanila. Bigla kasi akong ginutom dahil sa ginawang paninitig sa kawalan. Medyo nakakapagod pala.

"Kailan daw ang labas niyo?" Pang iiba ni Ange sa topic. Mabuti pa siya, magaling umisip ng magandang topic.

"Sa friday pa. Sa ngayon, mag pahinga na muna daw kami." Si Clode.

"Tapos pag kalabas niyo, pabugbog kayo ulit then, balik dito."

Agad naman nilang itinanggi na hindi na mauulit iyon. Duh! Maniniwala lang ako pag talagang iiwas na sila sa gulo.

Ala sais ng hapon ng mag paalam na kami sakanila. Tulad kagabi, hinatid ulit kami nila Axel at Andy saamin. Wala pa sila Kuya ng umuwi ako. Nag bihis muna ako bago lumabas ng bahay para makapag dilig ng halaman kasama na syempre ang halaman ni Manang Rosa.

Dahil niluto ni Mama ang favorite sisig ko, naging maayos na ang mood ko ngayon. Gustong gusto ko ang sisig ni Mama lalo na pag may mayonnaise. Tulad ngayon. Busog na busog ako ng lumabas ng dining. Pag katapos kong mag toothbrush, nag pahinga muna ako sa sala. Tumabi ako kila Mama at Papa sa sofa. Si Kuya ay nasa pang isahang sofa na namimili sa mga CD ng magandang panoorin.

Movie marathon with my family..

———

A/N: Vote and comments, sweethearts <3

Chasing Mr.Collins [PUBLISHED]Where stories live. Discover now