Chapter 37

2.7K 136 7
                                    

"This ring will prove that I really love you."

"This ring will prove that I really love you."

"This ring will prove that I really love you."

Walang emosyon akong nakatitig sa singsing na nasa daliri ko. Talaga bang mahal niya ako?

Ilang araw na ang nakalipas pero hindi pa din siya nag paparamdam. Tuwing nag pupunta ako sa classroom at student office ay hindi ko siya naaabutan. Hindi naman ako makapag tanong sa mga kaklase niya dahil nahihiya ako. Pansin ko kasing may importante silang pinag kakaabalahan.

"Shasha, sama ka saamin?" Narinig kong tanong saakin ni Andy.

Nag angat ako ng tingin para tignan siya. Matamis akong nginitian ni Andy. "Sama ka?"

I shook my head. "Hindi na kayo nalang." I said coldly.

He sighed heavily. "Sige na. Sigurado akong magugustuhan mo dun."

"Oo nga, Sha. Kaya sumama kana."

"Saan ba yan?"

Nag katinginan si Andy at Axel sabay sabi ng "Secret."

"Ano sasama kana?" Tanong ni Axel. Wala akong nagawa kundi ang umoo. Masyado silang makulit at alam ko kahit na hindi ako sumama ay pipilitin pa din nila ako.

"Alam mo, Sha. Namimiss kana namin. Simula kasi nung pumasok ka nung Monday, nag iba kana."

"Wala na yung Shasha na masayahin."

"Yung maingay."

"At syempre yung Shasha na mahal naming mga hangal."

Malungkot akong napangiti sa mga sinasabi nilang dalawa habang nasa byahe kami.

"Sorry." I said sincerely.

Tumawa naman ang dalawa. "Don't be sorry, Sha. Naiintindihan ka naman namin."

Tinap ni Andy ang likod ko. "Kaya mo yan. Nandito lang kami."

I smiled. "Thank you."

"Kaya sigurado, magugustuhan mo talaga ang pupuntahan natin."

Ngumiti nalang ako at hindi na nag salita pa. Kung nag tataka kayo kung bakit kami nakalabas ng University ay dahil lunch time ngayon.

"Bilisan mo, Dude."

"Mabilis na tayo oh."

Hindi ko nalang pinansin ang dalawa na nag tatalo. Nasa may bintana lang ang tingin ko habang pinapakinggan sila.

"Itodo mo pa."

"Todo na to. Baka maaksidente tayo."

"Hindi yan."

Napailing ako at tumingin sa daan. Nag tatalo pa din ang dalawa kaya hindi nila nakita ang paparating na malaking truck.

My eyes widened. "AXEL, MAY TRUCK!"

Huli na ng subukang ni Axel na iliko ang kotse dahil sumalpok na kami sa truck.

"Shit! SHASHA YUKO!"

Ang huli ko nalang na nakita ay ang ang pag baba ni Andy para humingi ng tulong kahit na nahihirapan siya.

"S-Sha..."

Hindi ko na nakita si Axel. Dahil unti unting nag dilim ang paningin ko.

Everything went black.

Ralph POV

"Damn it!" Napasuntok ako sa pader dahil sa galit na nararamdaman. Bakit kailangan lg mangyari to?

Nanginginig ang kamay ko ng makita si Bunso na duguang itinakbo sa emergency room.

Chasing Mr.Collins [PUBLISHED]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ