Chapter 24

2.7K 140 2
                                    

Paakyat palang ako sa building namin ng biglang may humawak sa braso ko.

"Kleo?"

"Are you hungry? Let's have lunch."

Nanlaki ang mata ko maalalang nasa gym nga din pala siya! Gusto kong mag tanong kung galit ba siya kaya hinintay ko munang makaakyat ang mga hangal. Nang maiwan kaming dalawa ay nag tanong na ako.

"Hindi kaba galit saakin?" Kumunot ang noo niya kaya sa taranta ko ay agad kong dinugtungan ang sinasabi. "Sorry. Nainis lang talaga dun sa trainor. Hindi naman kasi talaga ako marunong sa rampa rampang yan!"

"It's okay." My eyes widened.

"Talaga? Okay lang? Hindi ka galit?"

He chuckled. "Yeah."

"Tutal hindi ka galit. Tara, lunch na tayo." Ako na ang humila sakanya patungong cafeteria. Syanga pala, sanay na ako sa mga matang pinag mamasdan kami.

"Ano palang nangyari sa trainor?" Tanong ko sakanya habang kumakain.

"Walk out."

"Nag walk out siya? Hala! Hindi kaya masumbong—"

"Don't worry. Ako na ang bahala."

"Sabi mo yan, huh!"

Hindi na regular ang klase ngayon dahil sa pag hahanda na ginagawa para sa intramurals. Hinatid na din ako ni Kleo sa bahay ng matapos kaming mag lunch.

"Thank you!"

"Susunduin kita bukas may pupuntahan tayo." Hindi na ako nag tanong kung saan kundi sumang ayon nalang agad ako.

"Sige."

Pag pasok ko sa bahay ay agad sumali ang tingin ko kay Mama at Tita Winnie na nasa living room. Nakaupo sila sa sofa at parehas na seryoso sa tinignan. Hanggang sa humiyaw si Tita.

"Ito. Ito ang magandang gown para kay Keisha!" Huh? Napakunot ang noo ko ng marinig ang pangalan kong binanggit ni Tita. Saka ano daw? Gown? Oh my gosh! Gown?

"Mama? Tita?"

Sabay silang napalingon saakin. Napatili muli si Tita. "Oh my gosh! I'm glad you're here na! Halika dito at tignan mo ang napili namin ni Ate Kelly na gown, para sayo."

Ngumiti ako kay Tita at nag mano sakanila ni Mama. Bago lumapit at umupo sa tabi nila. Agad ipinakita saakin ni Tita ang gown na napili nila. Hindi ako nakaangal dahil sobrang ganda ng napili nila.

"Maganda ba?" Tita asked happily.

I nodded. "Opo. Kaso, mukhang mahal."

Tinawanan naman ni Tita ang sinabi ko at tinapik ako sa balikat. "Don't worry hija, ako ang bibili nito para sayo. Lalo na, matagal na naman tayong hindi mag kikita pag makauwi na kami. Kayo tanggapin mo sana bilang regalo ko." She said and smiled sweetly at me. Tumingin ako kay Mama. Humihingi ng tulong. Tumango si Mama.

"Tanggapin mo na, Shasha. Mamaya mag tampon itong Tita mo."

"Oo nga. Talagang mag tatampo ako!"

Tuwang tuwa si Tita ng tanggapin ko ang gift niyang gown. Agad niya naman itong inorder. Walang anak si Tita na babae. Dalawa lang ang anak niya, si Robert at Kuya Larry.

Tulad ng napag usapan ay sinundo nga ako ni Kleo kinabukasan. "Saan mo ako dadalhin?"

Hindi siya sumagot. Kaya naman hinayaan kona. Maya maya ay huminto na kami sa isang hotel. Napakunot ang noo ko ng pumasok kami sa isang studio? Para siyang dance studio. Ang dami pang salamin na nakapalibot. Kitang kita ko tuloy ang whole body ko.

"Bakit tayo nandito?" Tanong ko habang inililibot ang tingin sa buong studio.

"Hi!" Napatingin ako sa nag salita. Isang magandang babae ang pumasok sa loob at nag lakad palapit saamin. Sa sobrang ganda ng mukba at sobrang ganda ng katawan ay mukha siyang model. Bigla tuloy akong nakaramdan ng hiya.

"Hey, Cousin." Lumapit siya kay Kleo at nakipag beso. Nanlaki ang mata ko ng marinig ang sinabi niya. Mag pinsan sila? Oh my gosh!

"Hi. I'm Ashley, it's nice to finally meet you."

Nang mag lahad siya ng kamay ay inabot ko naman agad ang kamay niya.

I smiled. "Keisha."

"Yeah, I know. So, let's start?"

"Huh?" Nag tataka tanong ko. Natatawa naman niya nilingon si Kleo.

"Hindi mo pa sinabi?" Kleo shook his head.

"I'll go now." Tumango naman si Ashley. Tatalikod na sana siya ng mabilis ko siyang pinigilan.

"Teka, iiwan mo ako dito?"

Agad naman akong hinila ni Ashley at tuluyan ng pinalabas ng studio si Kleo.

"Makinig ka at ipapaalam ko kung bakit ka nandito."

Tumango naman ako. Inaya niya muna akong maupo kami sa stage bago siya nag simulang mag kwento. Nanlaki ang mata ko ng malamang isa pala siyang international model at nag request sakanya si Kleo na turuan akong rumampa.

"Mabuti nalang at bakasyon ko ngayon kaya marami akong free time para turuan ka."

"Hindi ba ako istorbo?" Tumawa siya sa tanong ko pag katapos ay umiling.

"Of course not. Mas gusto ko pa nga ito kaysa sa mag kulong sa mansion."

Ngayon masasabi ko na talagang, magaganda ang lahi nila Kleo. Mabuti nalang kaya ng beauty kong makipag sabayan sakanila.

"So, let's start!"

Tumango ako at tumayo na. Ops—I'm ready.

Tinuruan niya ako sa pag rampa. Halos isang oras ang ginugol namin bago ko nakuha kung paano rumampa. Tuwang tuwa si Ashley ng magawa kona. Ilang beses niya pa iyong pinaulit bago kami lumipat sa next level yung may heels na. Nakakabilib nga itong pinsan ni Kleo dahil na pag tyatyagaan niya ako.

"Wait, kaya mo paba?" Umiling ako kaya natawa ulit siya.

"Mag break muna tayo." Sumusukong sabi ko sakan. Tinawanan niya lang ako at sumang ayon dahil nakaramdan na din siya ng pagod.

Saktong dating ni Kleo na may nalang meryenda. "Mabuti naman at naisipan mo yan." Si Ashley ay agad kinuha ang meryenda kay Kleo. Burger at water ang dala dala ni Kleo. Naupo sa tabi namin ni Ashley si Kleo.

"You look tired." He said.

"I'm hungry too." Sabi ko at kumagat na sa burger.

"Syanga pala, may talent kana ba?" Tanong ni Ashley. My eyes widened.

"Kailangan pa ba yun?"

She chuckled. "Of course. So, anong talent mo?"

Nahinto ako sa pag kain at napaisip.

"Wala."

Nagulat ako ng biglang nabulunan si Ashley kaya agad kong inabutan ng tubig na kinuha naman agad niya. Nang makabawi ay bigla nalang siyang humagalpak sa tawa. Nilingon ko si Kleo at ganun din siya. Ako ba ang tinatawanan nitong mga to? Eh, wala naman talaga akong talent.

Chasing Mr.Collins [PUBLISHED]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin