Chapter 36

2.6K 125 2
                                    


Ngayong araw ang first monthsarry namin ni Kleo. Naisipan naming mag celebrate dito mismo sa park kung saan kami unang nag date. Kung saan ko din siya sinagot. Para saakin ito ang pinakaimportanteng lugar na napuntahan ko kasama siya. Parehas kaming may hawak hawak na stick na may nakatusok na fish ball at kikiam. Nag lalakad na kami ngayon papunta sa duyan.

"I have a gift for you." Napalingon ako sakanya dahil sa sinabi niya.

"Talaga?"

"Yeah."

May isang box siyang inalabas mula sa kanyang bulsa. Nanlaki ang mata ko ng makita ang laman non ng binuksan niya.

"Oh my gosh!"

My eyes widened in shocked. Oh shit! Singsing!

"This ring will prove that I really love you."

Holy shit! My heart is beating so fast.

Hindi pa din ako makapaniwala ng maipasok na niya ang singsing sa daliri ko. Hinawakan niya ang kamay ko saka tumitig saakin.

"I love you." He said and kissed my ring finger.

"Thank you and I love you too." Niyakap ko siya ng mahigpit. Takot na pakawalan siya dahil baka maagaw pa ng iba.

Sobrang saya ko ng makauwi sa bahay. Sila Mama ay halatang nag tataka pero mabuti nalang hindi sila nag tanong sa nangyari.

Nasa living room kami ngayon. Nasa singsing lang ako nakatingin. Nagulat ako ng huliin ni Kuya ang kamay ko.

"Mama, Papa si Shasha may singsing!"

"Kuya!"

Mabilis kong inagaw ang kamay ko sakanya saka itinago. Napangiwi ako ng lumapit saakin sila Mama at Papa samantalang sila Kuya Ralph at Kuya Larry ay nakangisi saakin.

"Kanino galing yan?" Kunot noong tanong ni Papa. Kinuha ni Mama ang kamay ko saka tinignan ang singsing sa daliri ko.

"K-Kay Kleo po."

"Bakit ka niya binigyan nyan? Mag papakasal na ba kayo?" Mabilis akong umiling.

"Hindi po. Monthsarry po namin ngayon tapos po Ito yung regalo niya."

"Bakit daw?" Nakangising tanong ni Kuya Ralph. Chismoso talaga.

"Ito po kasi yung mag papatunay na mahal niya talaga ako." Napayuko ako ng maramdaman ang namumula ng mukha ko. Narinig ko naman ang tawa ng dalawa kong Kuya.

"Uyy Shasha, you're blushing!"

Kinabukasan ay masaya pa din ako. Yung mga hangal ay todo kung mang asar na baka daw may nangyari na saamin ni Kleo. Agad kong binatukan si Andy dahil sa kabastusan niya.

Excited akong lumabas ng matapos na ang klase buong hapon. Nahinto lang ako ng makita ang winawagayway ni King na nakasandal sa pader.

"King, akin na yan!" Aabutin ko na sana ang panyo kong hawak hawak ni King. Ang panyo pa namang niyan ay importante saakin dahil galing kay Kleo.

Muli kong inabot ang panyo pero talagang matangkad siya kaya hindi ko makuha. Imbis na ibigay niya ay mukhang tuwang tuwa pa siya na nahihirapan ako.

"Ano ba, King! Akin na sabi eh!" Bago pa ako makatalon ay hinawakan na ako ni King sa aking bewang saka niya ako inilapit sakanya. Bago pa ako makaprotesta ay naramdaman ko na ang pag dampi ng labi niya sa labi ko. Oh my gosh!

"Keisha." Nang marinig ko ang boses ni Kleo ay malakas kong itinulak si King palayo saakin.

"Kleo—" Para akong nabuhusan ng malamig na tubig ng makita ang malamig na emosyon ni Kleo.

"Kleo—sandali!"

Sobrang laki ng hakbang niya kaya lakad takbo ang ginawa ko para mahabol siya.

"Kleo, sandali. Mag ipapaliwanag ako—"

Nagulat ako ng malakas niyang tinabig ang kamay kong humawak sa braso niya. Hindi ko pinansin ang sakit na naramdaman.

"Kleo sandali! Hindi ko alam na gagawin ni King yon! Yung panyo kasing ibigay mo kinuha niya—" He cut me off.

"Did I ask for your explanation?"

"Pero—"

"Shut up!"

Nahinto ako sa pag lalakad dahil sa sinabi niya.

Wala na akong nagawa kundi ang panoorin siya hanggang sa tuluyang na siyang nawala sa paningin ko.

Isang panyo ang tumambad sa harapan ko. Nang tumingala ako ay nakita ko si Kuya.

He smiled. "Kailangan mo daw ako?"

Hindi na ako sumagot kundi ay niyakap na ng tuluyan sakanya. Ang balikat ni Kuya ay nabasa dahil sa luha ko.

"Shhh! Maayos niyo din ito ni Kleo. Gusto mo ba, puntahan natin siya?"

Tulala lang ako buong byahe. Hinatid lang ako ni Kuya sa elevator. "Dito nalang ako mag hihintay." Tumango ako at pumasok na sa loob. Pinindot ko ang floor ng unit ni Kleo.

Nang bumukas ang elevator ay mabilis akong nag lakad patungo sa unit ni Kleo.

Malakas ang ginawa kong pa katok. Pati ang doorbell niya ay inulit ulit kong pinindot.

"K-Kleo, please. Open the door please."

Tuluyang bumagsak ang balikat ko ng walang Kleo na nag bukas ng pinto para papasukin ako.

"Keisha, let's go."

Maski sa bahay ay hindi ako makausap dahil nakatulala lang akong nakatingin sa cellphone ko. Nag babakasakaling mag reply na si Kleo.

"Binugbog daw ng mga kaklase mo yung King."

Hindi ko pinansin ang sinabi ni Kuya Ralph.

Hindi naman na nila ako muling kinausap at pinag pahinga nalang.

Kinabukasan ay disidido akong puntahan si Kleo sa Mansion nila. Ayaw nila Mama pero nag pupumilit ako kaya nag desisyon sila Kuya Ralph at Kuya Larry na sasamahan ako.

"Mag iingat kayo." Si Mama.

Isang oras ang naging byahe namin bago nakarating sa Mansion nila Kleo. Pinag buksan ako ni Kuya Larry ng pinto. Tipid ko siyang nginitian bago lumapit sa may gate nila Kleo.

Nag doorbell ako ng ilang beses hanggang sa pinag buksan ako ng guard.

"Sino po sila?"

"Ako po si Keisha, girlfriend po ni Kleo. Nandito po ba siya?"

Matagal akong tinitigan ng guard bago siya mabilis na umiling iling.

"Wala. Wala si Sir dito. Ang mabuti pa umalis kana."

"Teka, sandali po—" Nanlaki ang mata ko ng pag sarhan niya ako ang pinto.

"Kuya, andyan si Kleo dito? Andyan siya diba?" Nagawa ko pang ikalampag ang gate nila. Nahinto lang ako ng hinila na ako nila Kuya.

"Bunso, tara na."

"Pero Kuya, andyan si Kleo eh."

Umiling sila at tuluyan na akong hinila. Pasakay ng kotse. "Kuya!" Mangiyak ngiyak ako habang nakatingin sakanila. Napabuntong hininga si Kuya.

"Bunso, tama na. Hintayin nalang natin siya sa bahay. Siguradong nag papalamig lang yon."

"Pero paano kung hindi siya dumating?"

"Babalik tayo dito."

Hinila ako ni Kuya at niyakap ng mahigpit.

Chasing Mr.Collins [PUBLISHED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora