Chapter 15

3.2K 168 9
                                    

Masaya si Professor Lee ng malamang nakapasa kaming lahat. Siya pa ang nag plano sa gagawin naming celebration. At dahil masaya nga siya, sagot niya ang mga pag kain. Pero dahil mayayaman ang mga kaklase ko, mag dadala din daw sila. Pero Ako? Wala, nakinig nalang. Masyado ng maraming mag dadala ng pag kain. Kaya kakain nalang ako.

11 o'clock ng puntahan ko si Kleo sa office niya. Dahil bukas pa ang regular class, gumagala lang ang mga estudyante ngayon. Kumatok muna ako bago pumasok sa loob. Sinalubong ko ng matamis na ngiti si Kleo.

"I'm passed." I said and smiled happily.

He nodded. "I know."

Napakunot naman ang noo ko. "Alam mo? Hindi kapa nga—" He cut me off.

"I'm the one who checked your paper."

My eyes widened. "Seriously?"

Hindi na siya sumagot. Kaya nag salita na ako.

"Kailan ang date?" Excited na tanong ko. He just shrugged bago binalik ang tingin sa mga papel na nasa harapan niya.

"Uyy, kailan?" Humila ako ng isang upuan at itinabi iyon sakanya saka ako naupo. Hmm. Smells good.

"Kleo?" Kinalabit ko siya pero tinabig niya ang kamay ko.

"Uyy, Love—"

"I'm busy."

"Weh?" He ignored me again. I pouted. Napangisi ng may maisip. Aha, tignan natin kung maignore mo pa ako.

"Kleo, Darling.." Mas nilapit ko pa ang sarili sakanya.

"Babe.."

Wala pa din?

I tsked. "Ignore me again and I'll never disturb—" He cut me off.

"What?" He asked and glared at me.

I just laughed out loud.

"What's funny?"

I shook my head. "Alis na ako, huh?" Patayo palang ako, hinila niya na agad ako pabalik sa upuan.

"Stay."

"Pero aali—"

"Shut up."

I bit my lower lip and nodded. Tulad ng gusto niya, hindi ako nag sasalita. Ni gumalaw sa kinauupuan ko ay hindi ko din ginawa.

"Are you hungry? Thirsty?" Biglaang tanong niya at napatingin sa orasan. It's already 1 o'clock. 30 minutes na akong nakaupo at hindi umiimik. Tango lang din ang sinagot ko sa tanong niya. Nanliit ang dalawang mata niya at matagal akong tinitigan. I raised my brow.

"What? I'm hungry na!"

Kinuha naman niya agad ang cellphone sa tabi niya at may tinawagan. Akala ko kung sino na yun pala ay yung uutusan niya ang tinawagan niya.

"Anong gusto mong ulam?" Ikaw, mahal ko. Rawr!

"Giniling. Padamihan ng kanin." Muli niyang kinausap ang katawagan.

"What else?"

"Ikaw—este isaw pero huwag na."

"Huh?" Kunot noong tanong niya. Mabilis akong umiling.

"Juice sabi ko."

Tumahimik na ako ng bumalik siya sa makikipag usap sa cellphone. Hindi naman nag tagal dumating na din ang pag kain naming dalawa.

"Thank you."

Sinundan ko ng tingin si Kleo na tumayo para kumuha ng plato at kutsara. Siya ang naghain samantalang nanonood lang ako.

Ganito kaya palagi pag asawa ko na siya? Kyaaaah—nevermind. Malapit naman na yun.

"Let's eat."

"Okay."

Nang mag simula kaming kumain, sunod sunod na din ang mga kwento ko sakanya. Tahimik naman siyang nakikinig habang kumakain.

"Sa wednesday ang celebration sa room. Akalain mo yun, for the first time naging masaya si Professor Lee saamin ng hindi na i-stress."

Sunod sunod ang naging pag subo ko kaya ng nadulingan ako ay halos hindi ako makahinga. Mabuti nalang inabutan agad ako ni Kleo ng tubig.

"Ahm—"

"Shut up. Just eat." He said angrily.

Sabay kaming lumabas sa student office ni Kleo. Pasimpli akong lumalapit sakanya hanggang sa maisabit ko na ang kamay ko sa brass niya. Akala ko tatanggalin niya ang kamay ko pero wala siyang ginawa.

Gusto kong mag humiyaw sa kilig kaso katabi ko siya. Yung mabangong amoy niya, amoy na amoy ko. Habang nag lalakad kami maraming nagugulat na napapatingin saamin. I smiled sweetly at them.

Hindi ko na pinansin pa ang mga bulungan nila. Si Kleo naman ay ganun din. Malayo palang ay tanaw ko na ang paparating na isang grupo ng mga babae.

"Kleo?" Oh, si Yelena the bitch.

"Excuse us." Sabi ko at hinila si Kleo pero natigil kami ng humarang sa daanan namin si Yelena.

"Wait." She said and glared at me. Aba.

"You're not answering my calls."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Yelena at hindi makapaniwalang napatingin kay Kleo. He glanced at me too."

"K-Kleo—"

"Shut up. I'm still talking him." Sa inis ko, malakas kong itinulak si Yelena kaya napaupo siya. Napasinghap naman ang mga nanonood.

"Ouch!"

"Shit!" Nagulat ako ng alisin ni Kleo ang pag kakahawak ko sa braso niya bago lumapit kay Yelena para tulungan.

"K-Kleo ang sakit ng balakang ko." Maarteng sabi niya ng makakapit sa leeg ni Kleo. Kleo nodded at her.

"Sa clinic kana muna." Ang arte naman nitong babaeng to! Hindi man nag kasugat mag papaclinic na!

Tumango siya at nag pakarga. Nilingon pa niya ako at binigyan ng malademonyong ngisi.

"Kleo, paano—" He cut me off.

"Umuwi kana." He said coldly.

Naiwan akong mag isa. Nginisian pa ako ng mga kaibigan ni Yelena bago umalis. May isa pang nag salitang ikinainis ko ng todo.

"She win." Sa inis ko, binato ko siya ng bag kong agad niyang naiwasan.

"Bitch." I whispered.

Dahil sa nangyari, umuwi akong bad mood. Akala ko pa naman may date kami pero mas pinili niya pa yung babaeng yun! Sabagay magaling umarteng kunwaring nasasaktan at yung isa naman, nag pagamit sa babaeng yun! Ano na kayang ginagawa nila ngayon? Tapos malalaman ko pang call mate sila? Shit lang.

Pababa ako ng hagdan ng salubungin ako ni Kuya. "Narinig ko ang nangyari, bakit mo ginawa yun? Yan, galit ngayon si Kleo sayo!" I rolled my eyes. Ignoring him. I don't care. Kung magalit siya, galit din ako!

"Kinakausap kita, Shasha."

"What?" Iritadong tanong ko.

"Hindi mo ba narinig ang sinabi ko?"

"I heard it. Wala din akong pakialam." Iniwan kong si Kuya sa living room na nagulat sa sinabi ko.

Maya maya, narinig ko na naman siya. "Keisha!"

"Don't talk to me!" I shouted. Napairap ako ng makita siyang papasok dito sa kusina.

"Nasa labas si Kleo, kakausapin—" Hindi ko na pinatapos si Kuya.

"Sabihin mo, umalis na siya." I said then, walk out.

Chasing Mr.Collins [PUBLISHED]Where stories live. Discover now