Chapter 39

2.9K 139 8
                                    

Ralph POV

Madaling araw ng dumating ang mga bisita. Sila Axel at Andy kasama ang mga kaklase nila dati.

Amazed na amazed sila ng makita si Shasha. Nag tawanan kami ng sabihin nilang mukha na siyang si Snow white dahil sa sobrang puti.

Nag celebrate muna kami para sa birthday party ni Shasha bago ginanap ang proposal ni Kleo.

Nag titilian sila ng tuluyan ng ipasok ni Kleo ang singsing sa ring finger ni Shasha.

"Baby. I always love you. Please, wake up."

Sa baba ng Mansion nila Tita Winnie kami nag inuman. Ang iba ay nag paiwan na muna sa kwarto ni Shasha.

Nawala ang kalasingan namin ng marinig ang isinisigaw nila Mama mula sa itaas.

"Si Shasha gising na!"

Dali dali kaming tumakbo paakyat. Naabutan naming umiiyak sila Mama habang nakatingin kay Shasha na kausap na ngayon ng doctor niya.

Kleo POV

My baby is now awake. Unti unting pumatak ang mga luha ko ng makita siyang kausap ng doctor.

"Do you know your name?"

"Yes."

"Okay. What is your name?"

"I'm Keisha Marie Martinez."

"May naaalala kaba?"

"Wala naman po akong nakali—oh my gosh! Naaksidente kami! Magaling na ba ako? Si Kleo? Nasaan si Kleo?"

Lumakas ang tibok ng puso ko ng mag tama ang tingin namin.

"Baby.."

"Kleo.."

Mabilis akong lumapit sakanya at niyakap siya ng mahigpit.

"Thanks God. You're awake!"

I said and hugged her tight. Damn.

"Baby, I love you." I said. Fuck! I'm so damn in love with this woman. Crazy in love. And I will make her stay by my side.

Keisha Marie Martinez POV

"I love you too, Kleo."

Mahigpit kong niyakap pabalik si Kleo.

Sunod ay sila Mama, Papa, Kuya, Tita at mga pinsan ko. Nanlaki ang mata ko ng makita ang mga hangal.

Nagulat ako ng malamang dalawang taon pala akong na coma. Marami din silang kwinento saakin lalo na itong mga hangal na successful na pala. Ikwinento din ni Kleo ang dahilan kung bakit hindi ko siya makita o makausap nung mga araw bago nangyari ang aksidente.

Sumandal ako sa balikat ni Kleo habang pinapakinggan ang mga kwento nila.

Napakunot ang noo ko ng makitang may dalawang singsing sa ring finger ko. Ang naaalala ko ay isa lang ang nandito at iyon ang bagay ni Kleo ng nag monthsarry kami.

"Bakit dalawa?"

Lahat sila ay natahimik sa tanong ko.

"I proposed." He simply said.

My eyes widened in shocked. "Ano? Nang proposed ka tulog ako? Ayoko ng ganun, Kleo! Paano yung big Yes ko? Edi hindi mo narinig?"

He chuckled. "Don't worry. Uulitin natin."

"Yehey!"

Tinawanan nila kami pero hindi ko pinansin.

"I love you." He whisper in my ear.

I bit my lower lip. "I love you too."

"I want to kiss you." He whispered softly. Nanlaki ang mata ko saka itinago sa dibdib niya ang mukha ko.

"Mamaya na. Nanonood sila eh." Bulong ko.

I heard him chuckled. "Don't mind them."

"Nahihiya ako! Baka mamaya sabihin nila kagigising ko lang ang harot harot ko na."

Pinalo ko si Kleo sa braso ng malakas siyang tumawa kaya kunot noo tuloy nila kaming tinignan.

"Anong nangyayari sainyo?" Si Kuya.

"W-Wala!"

Kuya Ralph smirked. "Sa tingin ko, bumaba na muna tayo at iwan ang dalawa."

Napakagat ako sa pang ibabang labi ko habang pinapanood silang nag lalakad palabas ng kwarto ko. Hanggang sa kaming dalawa nalang ni Kleo ang natira.

"Wala na—" Nanlaki ang mata ko ng lingunin si Kleo.

Nasa baba na siya ng kama habang nakaluhod habang may hawak hawak na singsing.

"Oh my gosh!"

He smirked and asked. "Now baby, will you marry me? I'll assure you that I'll make you happy until the last air of my breath."

Napatakip ako sa bibig ko dahil sa gulat lalo na ng muling nag sipasukan sila Mama at nag chicheer na mag yes na ako.

I smiled happily and nodded. "Yes, Kleo! I'll marry you!"

Napatili ako ng bigla akong buhatin ni Kleo at pinaikot.

"Yes!"

Nang mag celebrate kami ay kasama na ako. Marami din pala akong na miss na pag kain. Kaya sobrang busog ko ng matapos kaming kumain dahil halos lahat ng uptake sa mesa ay tinikman ko.

Nang dalawa nalang talaga kami ni Kleo sa kwarto ay mahigpit ko siyang niyakap.

"Kleo, thank you. Thank you for staying with me for 2 years."

"Because, I love you."

"Patay na patay ka talaga saakin no?" Kinurot ko pa siya sa tagiliran niya. He just laughed out loud.

Isang linggo pa ang hinintay namin bago kami tuluyang nakauwi ng Pilipinas. Dinalaw din naman ako ni Tita Klare at Tito John. Tuwang tuwa nga sila ng malamang engaged na kami.

Nalaman kong naka-graduate din si Kleo at Kuya. So, ako lang talaga ang walang diploma. Ang totoo nyan ang pangarap ko lang naman ay si Kleo—ops, behave lang readers bago marinig ni Mama.

Nang tumama ang sinag ng araw sa bahay ko at tuwang tuwa ako. Gosh! Na miss ko ito. Nasa Pilipinas na nga talaga ako!

"I'M BACK!"

Nag paikot ikot ako ng makakadaan kami sa airport. Natigil lang ako ng hinila na ako ni Kleo pasakay sa Van.

"Baby, let's go." He said calmly.

Pamilyar pa din naman saakin ang daan. Nadagdagan ang excitement ko ng mas naging pamilyar na saakin ang daan. Ibig sabihin, malapit na kami sa bahay.

"Yung park, Kleo oh!" I said happily. Itinuro ko pa ang park na malaki na ang pinag bago. Mas mukhang maganda na siya ngayon kaysa nung dati.

"Yeah."

"Pasyal mo ako ulit dyan ah!"

He chuckled. "Sure."

Pati ang labas ng bahay hindi ko na namukhaan dahil iba na ang kulay nito.

"WELCOME BACK SHASHA!" My eyes widened in shocked.

Agad akong sinunggaban ng mahigpit na yakap ng umiiyak na si Ange. "I missed you, Shasha!"

Pati ang mga hangal ay nakiyap na din. Nandito din sila Tita Klare, Tito John, Ashley and Ryan. Nagulat pa ako ng makita din ang mga chismosa naming kapitbahay.

Sus! Alam ko namang makikikain lang sila. Hindi nga ako nag kamali dahil ng umuwi sila ay talagang lahat sila ay may kanya kanyang bitbit.

Wow! The best. Iba talaga ang nga Pilipino. Tapos pag hindi nila magustuhan yung kasama mag rereklamo pa eh nakikikain lang naman.

Duh!

"Baby, stop glaring."

"Tignan mo naman kasi oh! Nakikain lang talaga sila."

He chuckled. "Hmm.. Don't mind them."

He sneaked his hand around my wrist and hugged me from behind. "I love you."

Chasing Mr.Collins [PUBLISHED]Where stories live. Discover now