Chapter 6

3.3K 187 0
                                    


Dahil nga excited ako pumasok, late akong nagising kinabukasan. Sinisi ko pa ang alarm clock kong hindi man lang nag alarm. Walang kwenta.

20 minutes ako sa banyo at 10 minutes sa pag aayos. Ni hindi na din ako nakapag breakfast dahil sa pag mamadali. Nag para agad ako ng taxi para makapasok na. Halos sigawan ko pa ang driver dahil mabagal ang pag papatakbo niya. Mukhang nananadya si Manong.

"Keep the change." Sinimangutan ko ang driver bago tumalikod at tinakbo ang hallway.

10 minutes na lang ang free time ko bago ang first period. Nakakahiya, late pa ako. Nang makaakyat ako, nakita ko agad sila Axel at Andy na nasa labas ng room nila Kleo. Nang makita nila ako, kinawayan nila ako at sinalubong.

"Good news, Sha! Kila Kleo tayo." My eyes widened. Sa tuwa ko, iniwan ko silang dalawa. Ramdam ko naman ang pag sunod nila saakin. Mabilis ang naging takbo ko hanggang sa makarating sa pintuan ng classroom nila Kleo.

"Good morning!" I greeted. Napalingon naman silang lahat saakin. Nang makita ko si Ange, agad ko siyang nilapitan.

"Hi. Classmate na tayo." I said. Ange chuckled.

"Kahapon ko pa alam. Kanina pinuntahan kita sainyo para sabay na tayong pumasok. Ang kaso sabi ni Raphael, tulog ka pa daw. Tulo laway pa." Humagalpak si Ange ng matapos mag salita. Ang gago talaga ni Kuya! Lagot saakin yun mamaya. Hindi man lang ako ginising at pinag kalat pang tulo laway ako. Damn that man.

Sampo lahat kaming napunta dito sa klase nila. Kabilang na doon sila Axel, Andy, Clode at Jerome.

Dahil one week kaming mag i-stay dito, kailangan kong makipag close sa mga kaklase nila Kleo. Mabuti na lang at mababait sila. Wala pa nga si Kleo eh. Saan kaya pumunta ang mahal ko? Tuwang tuwa ako sa pag sagot ng oo sa mga nag tatanong saakin kung gusto ko daw ba si Kleo. Syaka, hindi ba halata? Nanliligaw nga ako diba.

"Look who's coming." Si Ange. Nilingon ko naman ang pintuan dahil sa sinabi niya. Nanlaki ang mata ko ng makita si Kleo kasama si Yelena. Oh my gosh!

Napatayo ako sa gulat dahilan para mapatingin saakin ang lahat. Mabuti na lang, nahila ulit ako ni Ange paupo. Nakasimangot ako habang pinapanood si Kleo na nakikipag usap kay Yelena habang nag lalakad sila papasok dito. Akala ko papasok pa si Yelena pero hanggang pintuan lang siya. Nang makapag paalam kay Kleo ay umalis na din siya. Wow! Hinatid niya si Kleo? Walangya!

Nakasunod lang ang tingin ko kay Kleo. Nang mapatingin siya saakin, agad ko siyang kinindatan.

"Nakita mo yun, Ange? Tinignan niya ako!"  Niyugyog yugyog ko pa ang balikat ni Ange dahil sa kilig. Sa inis niya, tinabig niya ang kamay ko kaya nahinto ako.

"Nakita ko? Oo, nakita ko yung pag kindat mo sakanya."

Na late ng 15 minutes si Professor Romero. Akala ko mag le-lecture siya pero hindi. Dahil late na din naman daw siya, pag bibigyan na lang daw kami na mag pakilala sa klase. Si Jerome ang unang nag pakilala. Todo pa gwapo pa siya sa mga girls. Yung mga girls naman, masyadong maharot. Nang matapos siya ay sumunod si Clode. Sunod ay si, Axel. Then, Andy. Hanggang sa matapos silang lahat. At ako na lang ang hindi pa. Tumayo ako at nakangiting nag lakad patungo sa harapan.

Chasing Mr.Collins [PUBLISHED]Where stories live. Discover now