Chapter 28

2.6K 152 19
                                    

Maraming nag tanong kung in a relationship na ba kami ni Kleo. Pero ni isa ay wala kaming sinagot. Nakayakap lang ako sa bewang ni Kleo habang nag lalakad kami palabas ng gym. Maraming nag congratulates sakanya habang papalabas kami.

Palapit palang kami ni Kleo sa café nila ng makita ko si Ashley na kasama si Ryan. Dali dali kong kinalabit si Kleo at tinuro ang dalawa.

"Hala! Bakit sila mag kasama?" Gulat na tanong ko habang pinapanood si Ashley na pinupunasan ang pawis ni Ryan sa noo kaya pinag titinginan sila. Kasama sa team ni Kleo si Ryan kaya halatang pagod din ang loko.

"Sila."

"Huh? Mag Jowa sila?"

"Yeah."

Hindi ako makapaniwala sa nalaman kaya nanatili ang tingin ko sa dalawa hanggang sa makita ako ni Ryan kaya itinuro niya kami kay Ashley.

"Shasha girl! You're here na!"

Nakipag beso muna ako sakanya. "Hindi ko alam na nandito ka." Natatawang sabi ko. Hindi ko napigilang hindi lingunin si Ryan. Mukhang nahalata iyon ni Ashley dahil bigla siyang tumawa.

"Btw. Si Ryan, boyfriend ko. Kilala mo naman na siya diba?"

Tumango ako. "Oo. Saka nasabi na nga saakin ni Kleo na kayo." I said and smirked. "Ikaw ah! Masikreto!" Pang aasar ko. Tinawanan naman ako ni Ashley. Kasama na namin sila ng mag meryenda kami. Nasabi din saakin ni Ashley na siya ang magiging make up artist ko bukas at kung gaano siya ka-excite.

Alas singko ng makauwi ako sa bahay. Naabutan ko si Mama at Tita na hinahanda sa sala ang mga gagamitin ko bukas para sa pageant.

"Good afternoon po."

Gusto ko sanang tumutulong pero pinaandar na nila ako sa kwarto. Kailangan ko daw mag beauty rest sabi ni Tita na agad ko namang sinunod.

7 am ng gisingin nila ako kinabukasan. 8 o'clock ng dumating sa bahay si Kleo kasama sila Ashley and Ryan.

Tuwang tuwa sila Mama at Tita ng makilala si Ashley. Todo pasalamat sila dahil pinagtyagaan daw ako ni Ashley.

"Nako, walang anuman po. Saka masaya po akong turuan itong si Shasha."

1 pm ng pumunta na kami sa University. Sinimulan akong ayusan ni Ashley, 2 pm.

Maraming candidates na napapatingin sa amin. Dahil na din sa bonggang make up artist ko. International model ito teh! Maski si Yelena ay kitang kita kong nililingon ang pwesto namin. Nag iiwas lang siya ng tingin pag nahuhuli ko siya.

"Gosh! You're beautiful."

"Thank you, Ashley."

Maya maya ay nag paalam na si Ashley na baba na muna. Sinilip ko ang labas at nakitang sobrang dami na ng mga tao.

Napatampal ako sa noo ng makitang ako ang may pinakamalakas tarpulin. Arghh! Mga hangal talaga! Sobrang ingay pa nilang lahat.

"READY NA BA KAYO?!"

Isang malakas na hiyawan ang natanggap ng emcee. Marami pang introduction. Pinakilala din muna ang mga judge bago nag start.

"Candidate number 01. Ms. Yelena Thompson."

My flat screen TV dito sa back stage kaya nakikita namin si Yelena na rumarapma at nag pakilala. Infairness, marami din ang fans niya.

Sumunod ang candidate number 02. At nang ako na ay halos manlamig ako. Shit!

"Candidate number 05. Ms. Keisha Marie Martinez."

Isang malakas na hiyawan ang dumagundong na nag pataas sa mga balahibo ko.

Chasing Mr.Collins [PUBLISHED]Where stories live. Discover now