Chapter 23

2.7K 139 16
                                    

Tahimik akong nag lalakad sa hallway ng marinig ko ang mga kaklase ko na isinisigaw ang pangalan ko mula sa second floor ng building.

Kunot noo akong nag angat ng tingin sakanila.

"SHASHA! SHASHA!"

"KEISHA! KEISHA!"

Dahil sa pinaggagagawa nila ay lahat ng mga estudyante ay napapatingin sakanila. Maski ang mga Professor na dumadaan ay napapaangat ng tingin sakanila dahil sa kaingayan nila.

"SHASHA! SHASHA!"

Anong trip ng mga ito? May napapatingin na din tuloy saakin na mga estudyante habang nag lalakad ako.

"Siya ang representative nila."

"Halatang supportive ang mga kaklase."

Napakunot ang noo ko sa narinig. Nilingon ko ang grupo na nag uusap usap. Nang makita akong nilingon sila ay agad silang nag iwas ng tingin saakin.

Ako ba ang pinag uusapan nila? At anong representative?

Nakita ko kung paano mabilis na nag si-alisan ang mga kaklase ko. May isang Professor na pinagkainan sila kaya mukhang nag tungo na sila sa classroom namin. Binilisan ko ang pag lalakad para makarating na sa classroom.

Kunot noo akong pumasok sa loob. "Anong kagaguhan yun ha?" I asked them angrily.

"Shasha—"

"Good morning." Si Prof.

Tinignan ko pa muna ng masama ang mga kaklase ko bago ako naupo.

"Siguro naman alam niyo na ang announcement ko. Marami ngang nakapagsabi saakin na mga Professor na meron na kayong napiling representative."

Napakunot lalo ang noo sa sinabi ni Professor Lee. Nilingon ko ang mga kaklase kong nakatingin saakin.

"Ms. Martinez.."

"Prof?"

"Ang naganap sa meeting kahapon ay about sa intramurals niyo. Gusto ng Dean na may maging representative tayo sa gaganaping Ms. Intramurals 2019. Ikaw ang binoto ng mga kaklase mo na ilaban sa pageant." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Prof. Napailing iling ako at tinignan ang mga kaklase kong babae.

"Prof, bakit ako? Ayan oh si Francine—"

"Ms. Martinez, ikaw ang pinili nila at yun din ang gusto ko."

Hindi ako makapaniwalang tinignan ang mga kaklase ko. "Sigurado kayo?" I asked.

Nag sitayuan naman silang lahat bago sumigaw. "SHASHA! SHASHA!"

"So, Ms. Martinez?"

Wala akong nagawa kundi ang tumango. Damn. Marami na nga akong problema, dinagdagan pa ng mga hangal. Ngayon, proproblemahin ko pa kung paano rumampa, yung talent portion, tapos yung question and answers. Shit!

Nang makaalis ng classroom si Professor Lee ay sinermunan ko ang mga kaklase ko.

"Bakit ako ha?! Alam kong maganda ako pero bat ako?"

"Dahil ikaw ang mag tatayo ng bandera ng mga bobo!"

"Whoaa!"

Nag sigawan sila at itinaas pa ang isang kamay.

"Mga gago!"

Nang makauwi ako sa bahay ay agad kong ipinaalam kay Mama at Papa ang pag salita ko sa pageant. Sumang ayon naman si Mama. Okay lang din kay Pala. Si Kuya naman inaasar akong bawal ang bobo sa pageant. Ang supportive niya talagang kapatid.

Chasing Mr.Collins [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon