Kabanata 30

45K 893 148
                                    

Kabanata 30

Hammer

Tsk. Why I am here anyway?

Diaper, gatas, at iba pang pinabibili ni Soul ang sadya ko sa grocery na ito. At kung minamalas ka ay nakasalubong ko pa ang tatlong ugok. Si Cedric, Daniel, at Ady. Barkada namin nila Ed mula palang high school.

"Oh, Bro, wat zup!"

"Geh, I'm busy."

Itutulak ko sana ang stroller ng humarang si Daniel at Ady kaya marahas na napahinga ako ng malalim.

"Naks naman! Diaper, gatas, at iba pang gamit ng pang baby. Butihing daddy ka na talaga."

Tinignan ko si Ady dahil tawang-tawa siya. Sarap ipatapon ng tatlong ito.

"Shut up."

Tinapik ni Cedric ang balikat ko, "Binibiro ka lang, Bro. Mabuti at nagkaanak ka na rin.. Congrats."

"Thanks."

Tinulak ko na ang stroller at tumingin pa sa maaaring bilhin. Siyam na buwan na ang nakalipas at mabuti't maayos naisilang ni Soul ang anak namin. Binantayan kong mabuti ang pinagbubuntis niya at kalusugan dahil pareho naming ayaw na maulit ang dati.

Lahat ng angkan ko ay alam na ang balita mula nang malaman namin ang gender ng baby namin. At kung nawalan kami ng isa noon ay double naman ang kapalit. Hindi namin akalain na twins ang ipagbubuntis niya. Kaya hindi matawaran ang saya ko at nakadalawa pala ako.

Isang babae at lalake ang anak namin. Kaya naman ay kumuha ako ng kasambahay sa agency na good ang background. Mabuti nang sigurado dahil ayokong isa sa mahal ko ang may mangyaring hindi maganda kapag nagkamali ako.

Hindi pa naman namin nakakalimutan ang unang anak namin na nawala. Sa isang memorial house namin nilipat ang abo ng first baby namin. Unang Esteban na inilagay doon. Binili ang lupa at pinagawa ang memorial house na iyon para sa mga Esteban. Hindi pa man pero iyon ang desisyon ni Lolo.

"Oo nga pala, Pre, hindi pa kayo kasal, 'di ba?"

Hindi ko alam kung bakit ba lumapit-lapit pa ang mga ito sa akin. Pepestehin lang ang araw ko. Kung hindi ko lang barkada ay baka nakatikim na sa akin ng sapak ang mga ito. Halata na nang aasar dahil hindi pa ako pinapakasalan ni Soul.

"Bakit, may problema?"

"Wala, Bro, pero bakit hindi parin natutuloy ang kasal nyo? Ano 'yon, nauna anak?"

"Tsk. E, sa ayaw pa magpakasal ni Soul hangga't hindi nailalabas ang twin. Gustong isama sa kasal. Kaya pinahold muna ang kasal namin."

Tawa naman ng tawa si Ady at Daniel. Binatukan ko ang mga ito kaya napalayo ito sa akin.

"Ang sabihin mo, ayaw ka lang pakasalan dahil takot matali sa'yo." si Ady na lakas talagang mang-asar.

"You want to die now?"

"Chill, Bro. Ady, tumigil ka na nga." awat sa amin ni Cedric.

"Okay. Pero Bro, mag isip-isip ka. Ngayon naipanganak na niya ang anak nyo at kapag hindi parin siya pumayag na magpakasal sa'yo ay iba na 'yon."

Napaisip ako sa sinabi ni Ady. Para namang hindi ko mapigilan na hindi mapakali. Ayaw nga ba akong pakasalan ni Soul?

Mula rin na malaman namin na buntis siya ay tuwing babanggitin ko ang kasal ay kesyo nasusuka siya, kesyo wag muna daw pag-usapan dahil sensitive daw ang baby namin sa loob ng tiyan niya kapag naririnig na binabanggit ko ang kasal.

Fuck. Hindi ako makakapayag na hindi niya ako pakasalan. Atat na atat na nga akong matali siya sa akin. Pero tila ngayon ko lang napagtanto na excuse lang ni Soul ang twins.

The Heartless Doctor's Love (COMPLETED) Under EditingWhere stories live. Discover now