Kabanata 23

35.2K 813 74
                                    

Kabanata 23


Sonata/Lala

"Let me go, assh*le!"

Nagpupumiglas ako at napababa sa high chair dahil ayaw bitawan ni Hammer ang braso ko.

"Dude, nasasaktan si Miss Lala, bitawan mo siya." pag singit ni Cholo.

"And who are you?"

Malakas na inalis ko ang kamay niya kaya napatingin siya sa akin. Hindi ko alam ang mararamdaman dahil nagulat ako sa bigla niyang pagsulpot.

Tumingin ako kay Aliyah at Cholo dahil nasira pa ata ang party dahil sa eksenang ito. Napatingin na kasi rito ang mga bisita ni Cholo na halata na pinagchichismisan kami.

"I'm sorry, Cholo." paumanhin ko kay Cholo na tumango at ngumiti kaya bumaling naman ako kay Aliyah habang kinukuha ang bag kong nilapag ko sa bar counter, "Mauna na ako, Aliyah."

"Sige, Miss, Ingat. Sasabay nalang ako kay Cholo."

Tumango ako at agad na tinulak ko si Hammer para makaraan ako.. Binilisan ko ang lakad ko dahil alam kong nakasunod siya. Nakita ko si Edward na ngumisi habang napapalibutan na ng mga babae habang nakaupo at nagtaas pa ng baso tila tuwang-tuwa sa eksenang pinapanood niya.

Tsk. Magkapatid nga sila. Parehong may sapak at nakakabwisit.

"Babe!" bantang tawag niya.

Hindi ko siya pinansin. Kapal ng mukhang tawagin pa akong 'babe'. Hindi niya ata alam na sa tagal ng wala kaming communication ay pinutol ko na rin ang sa amin.

Agad na binuksan ko ang pinto ng kotse at sasakyan na dapat ako nang haklitin niya ang braso ko at iharap niya ako sa kaniya.

"Hindi pa nagtatagal ang pagkakaopera sayo ay umiinom ka na agad, ha?"

Matapang na tinignan ko siya habang pilit binabaklas ang kamay niya.

"It's none of your business."

Natawa siya ng pagak at ngumisi. Sinampal ko siya at tinulak sa sobrang inis ko.

"Wala kang pakialam sa buhay ko dahil tapos na tayo!"

Napaatras siya dahil sa pagkakatulak ko. Nawala ang ngisi niya at tinignan niya ako ng matalim. Hindi ko na siya pinansin at sumakay na ako dahil nagbabadyang maiyak ako dahil naiinis ako kung bakit hindi man lang siya magkaroon ng hiya sa ginawa niya.

Malakas na sinara ko ang pinto at ni-lock ng makasakay ako para hindi niya mabuksan. Agad na binuhay ko ang sasakyan at agad ring pinaharurot paalis. Humigpit ang hawak ko sa manibela dahil bumibigat ang loob ko.

Inaamin kong na-miss ko siya pero hindi sapat iyon para ganung kadali na bumigay sa kaniya. Limang buwan ay wala man lang siyang pakialam sa akin, tapos ngayong ayos na ang lahat ay babalik siya na parang walang nangyari.

Napansin ko sa side mirror ang pagsunod ng isang kotse. At kilala ko iyon dahil si Sexy iyon. Sinusundan ako ni Hammer na mabilis ang pagpapaharurot sa kotse niya kaya may tendency na maabutan niya ako.

Binilisan ko habang kinakabahan sa ginagawa niya. Hanggang ngayon ay kumakabog pa ang dibdib ko sa gulat sa bigla niyang pagsulpot.

Napapreno ako at nabigla ng bigla niya akong maabutan. Hinarang niya ang sasakyan sa harap ng kotse ko kaya wala akong choice kundi ang mapapreno kundi ay mababangga ako.

Siraulo ba siya?! Kung hindi ko na-kontrol ay baka nabangga na ako.

Nang makita ko ang pagbaba niya sa kotse niya ay agad na inatras ko ang kotse ko at dumaan sa gilid. Nakita ko ang mabilis niyang pagsakay muli kaya binilisan ko pa ang pagmamaneho dahil tiyak na maabutan na naman niya ako.

The Heartless Doctor's Love (COMPLETED) Under EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon