KABANATA 4

48.4K 1K 119
                                    

KABANATA 4

Sonata

Mga ilang araw rin na pagpapagaling ay tuluyan akong naka-recover. Pero bakas pa rin ang pasa pero at least ngayon ay maayos na akong nakakagalaw. Hindi ako pumasok sa hospital dahil binigyan ako ni Hammer ng leave.

"Magbihis ka lalabas tayo." pautos niyang sabi habang nasa harapan ng pintuan ng condo ko.

"Wala ako sa mood na lumabas. Sige.." isasara ko na sana ang pinto ng pigilan niya. Nanlilisik ang mga mata ko na tinignan siya na basta-basta na lang pumasok.

Napahinga ako ng malalim dahil wala rin akong magagawa. Kailangan ko nga palang paamuhin ito.

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko habang nagtitimpi.

"Sa Rockwell." aniya.

Tumango ako at nagtungo sa kwarto ko. Sinearch ko ang Rockwell at sikat na bar daw ito na pagmamay-ari ng mga Esteban. Napaisip ako at napangisi. Tumingin ako sa pinto at ngumiti ako kung paano ko mas mahahawakan sa leeg si Hammer. Ngayon ko napagtanto ang nais ni Abe na gawin ko.

Nagpalit ako ng suot at pagkatapos ay lumabas na. Napatingin sa akin si Hammer at tinignan ang suot ko. Napamaang siya at napatayo. Simpleng black cube dress ang suot ko pero alam kong maaakit siya.

"Why?" tanong ko.

Napailing siya at napabuga ng hangin, "I don't think I can let you wear that dress. It's so sexy." aniya.

"It's just a simple dress. 'Wag mong sabihin na gusto mo pa akong magpalit?"

Lumapit siya at huminto sa harap ko. Tinignan ko siya habang nakatingala ako rito. napahawak siya sa labi habang nakahalukipkip ang isang braso. Pinagmasdan niya pa ako at tumango-tango.

"Alright. Let's go."

Napahinga ako ng malalim at nauna nang maglakad sa kanya. Pero napahinto ako at napalingon agad sa kanya habang napahawak ako sa buhok ko ng alisin niya ang tali sa buhok ko.

"It's better."

Ngumisi siya at nakapamulsa na naunang maglakad. Matalim na tinignan ko ang likod nito pero agad na inalis ko iyong tingin ko ng medyo lingunin niya ako.

"Ano pang tinatayo-tayo mo d'yan? Let's go." aniya.

Naglakad na siyang muli kaya sumunod na ako. Pagdating sa elevator ay napatingin ako sa kamay niya na humawak sa kamay ko. Hinawi ko ang kamay niya at pumasok ako. Napangisi siya na napailing na pumasok na rin. Lihim na napairap ako at nanatili lamang tahimik.

"You look great." aniya habang nakapamulsa.

Hindi ko siya inimikan. Nang bumukas na ang elevator ay nauna na siyang maglakad kaya sumunod ako.

Napansin kong napapatingin ang mga babae sa lobby kay Hammer.

"Omg! Ang gwapo niya."

"Doctor daw 'yan."

"May girlfriend na kaya siya?"

Napailing ako sa mga babaeng ito. Rinig na rinig ang mga pinagsasabi. Pero tila bingi naman nitong si Hammer.

Paglabas namin ay nakaabang na ang kotse ni Hammer habang nakaabang doon ang guard ng condominium.

"Good evening, Sir." bati ng guard.

Pinagbuksan ako ni Hammer ng pinto at lumingon siya sa akin. Kaya humakbang ako at sumakay. Nang makasakay ako ay agad niyang sinara ang pinto at umikot. Tumingin ako sa loob ng kotse niya na convertible sports car na yellow.

The Heartless Doctor's Love (COMPLETED) Under EditingWhere stories live. Discover now