Kabanata 11

36.5K 846 268
                                    

Kabanata 11

Sonata

Matapos mailuto ni Hammer at Kei ang meryenda ay nilapag ko na ito sa table. Naupo ako at napatingin kay Kei na nakaupo na rin. Habang si Hammer ay nagpalit ng damit.

Hindi ko alam bakit bigla akong nainis kay Kei kanina pero hindi ko nalang pinahalata dahil baka maling akala lamang ang iniisip ko.

"Kei, kumain ka na." sabi ko.

Napaangat sya ng tingin at ngumiti.

"Sige, mamaya na, nakakahiya naman kung kakain agad ako. Hintayin na natin si Hammer."

Tumango ako at lihim na napabuntong-hininga. Napatingin ako sa pinto ng kusina at nakita ko na si Hammer na nakapagpalit na ng t-shirt na walang manggas na kulay itim kaya kita ang ma-muscle nyang braso.

"Bakit hindi ka pa kumakain, babe?" tanong nya at naupo sa tabi ko.

"Hinihintay ka pa namin para sabay-sabay na tayo."

Tumango sya.

"Okay. Let's eat."

Kaya umayos ako ng upo at kinuha ang fork ko para makain ang salad pasta.

"Hmm, Sonata, kamusta na nga pala ang Mama mo?"

Napatigil ako sa pagkain dahil sa tanong ni Kei. Umiling ako habang nakatingin sa pasta na pinapaikot ko sa tinidor.

"Wala na si Mama."

"Ano? Paanong wala?"

Nag-angat ako ng tingin kay Kei at malungkot akong tumingin sa kanya.

"Patay na sya."

Napamaang sya at binigyan ako ng simpatyang tingin.

"I'm sorry dahil wala ako nung time na mawala ang Mama mo."

Umiling ako, "Ayos lang, hindi mo naman kailangan na mag sorry, matagal na rin iyon."

"Pero yung Papa mo? Bakit hindi mo kasama?"

"Mahabang kwento, Kei. Tsaka ayoko nang pag-usapan si Papa."

Tumango sya kaya tumingin muli ako sa pasta ko habang natulala at naisip muli si Mama.

"Sonata, don't worry, I'm always here for you." sabi pa ni Kei.

"Thank you."

Tumingin ako sa kanya at tipid na ngumiti. Ngumiti sya at nagpatuloy na sa pagkain nya.

"Hindi mo ba gusto ng lasa?"

Napatingin ako kay Hammer nang magtanong sya.

"Ayos lang, medyo nawalan ako ng gana at parang hindi ko type ang amoy."

Napakuno't noo sya, "I see. Kung gano'n ay hetong burger nalang."

Napabuntong-hininga ako dahil bigla akong nawalan ng gana. Tumango ako sa kanya at kinuha ang burger ko.

"Hammer, meron kang.."

Napatingin kami kay Kei at may tinuturo sya kay Hammer habang nakatingin kay Hammer. Napatingin ako kay Hammer pero bago ko pa makita ang sauce sa labi ni Hammer ay dumukwang si Kei at pinunasan ang gilid ng labi ni Hammer.

Natigilan ako at napatingin kay Kei na umayos ng upo matapos mapunasan ang labi ni Hammer.

Napadiin ang hawak ko sa burger at napatingin nalang dito bago kumagat ng malaki.

"Don't do that again. You're not my girlfriend." sabi ni Hammer.

"I'm sorry, concern lang ako." sabi ni Kei, "Sonata, pasensya na, nasanay lang kasi ako sa dati kong boyfriend."

The Heartless Doctor's Love (COMPLETED) Under EditingHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin