Kabanata 19

30.2K 766 56
                                    

Kabanata 19



Edward

Pinapanood ko lamang ang kapatid ko na nagpapakalulong sa alak. Hindi ko alam ang problema nya pero base sa itsura nya ay tila mabigat.

"Bro, may chicks na kanina pa nakatingin sa'yo." sabi ko dahil kanina ko pa nakikita na nakatingin sa kanya iyon.

Hindi naman ako pinansin ng utol ko dahil para syang may binubulong.

"I love you, my child."

Nagsalubong ang kilay ko dahil sa paulit-ulit na pagbigkas nya ng salitang iyon.

"Huh? Anong sabi mo?"

Bigla nyang binagsag ang baso kaya napababa ako sa high chair at hinawakan ang kamay nya.

"Damn, Bro, are you okay?"

"Sana nga, ayos lang, tangina!"

Umalis sya sa upuan at sinundan ko sya ng tingin na balewala ang dugo sa kamay nya habang naglalakad na tila wala sa sarili.

Agad na sinundan ko ito at sigurado ako na wala sya sa sarili dahil bigla syang nang hablot ng lalake sa dance floor at sinapak ito.

"Fuck! Fuck this life!" sigaw nya.

"Tarantad* ka pala, eh!" ambang gaganti ang sinuntok ng kapatid ko ay sinenyasan ko ang mga nakatagong tauhan ko at agad nilang hinawakan ang lalake. Inalis nila ito.

Napailing ako at lumapit kay Hammer. Sinapak ko ito sa mukha kaya napaupo sya.

"Back to reality, Bro! Ano bang nangyayari sa'yo?"

Hindi sya sumagot kaya kinuwelyuhan ko sya at sinapak muli para magising. Napahiga sya at akala ko ay gaganti na sya pero nabigla ako ng umiyak sya.

"Tell me what I need to do?! Because right now I don't know.."

Lumapit ako sa kanya at naupo ako sa gilid nya.

"Anong ibig mong sabihin?"

Agad na bumangon sya at wala syang sinabi basta umalis nalang sya. Ganyan si Hammer na wala kang makukuha sa kanyang sagot hangga't hindi mo pa malalaman sa ibang tao.

Tinawagan ko si Dad para sabihin ang nakikita kong problema.

"I heard from dad that Sonata has a heart problem."

Kaya pala..

"Pero bakit hindi gamutin ni Hammer, Dad? Pwede naman siguro iyon kahit buntis si Sonata."

"It's very dangerous move, Son. Kung malala na at medyo hindi maganda ang pinagbubuntis ay maaaring isa sa kanila ang mawala. Pero kung ngayon ooperahan ay posible ang bata ang mawala."

"Kung hindi ngayon, maaaring si Sonata ang mawala, gano'n ba, Dad?"

"Yes."

Fuck. Kaya pala hindi ko masisisi kung bakit ganun ang utol ko. Nanlalata na naibaba ko na ang tawag at napahagod ako ng buhok dahil bigla akong nalungkot sa kapatid ko.

Napatayo ako para sundan si Hammer. Tiyak akong hindi maganda kung hahayaan syang mag-isa ngayon.

-

Hammer

Kinasa ko ang baril na dala ko at bumaba ako ng sasakyan ko. Nilakad ko ang bahay ng target ko. Nang makarating sa harap ng gate ay nag-doorbell ako.

Ilang sandali pa ay lumabas na ang isang babae.

"Ano pong kailangan nyo, Sir?"

"I'm doctor Hammer. Pakisabi kay Doctora Hikari na narito ako."

The Heartless Doctor's Love (COMPLETED) Under EditingWhere stories live. Discover now