Kabanata 13

32K 774 22
                                    

Kabanata 13

Sonata

Agad na lumipas rin ang mga araw at naging mas maselang lalo ang pagbubuntis ko. Nakadagdag pa ang sakit ko kaya halos ayoko nang bumangon pa sa kama. Napatingin ako kay Hammer na pawisang pumasok ng condo. Nag gym sya sa fitness gym ng condo kaya naiwan ako ritong mag-isa. Nais pa sana nya akong isama pero hindi ako sumama dahil mas gusto ko nalang na matulog.

"Hi, babe."

Hinalikan nya ako sa labi pero agad ko syang tinulak sa dibdib dahil nababahuan ako sa kanya.

"Lumayo ka nga, ang baho mo."

Ngumisi sya at nainis naman ako ng maghubad sya ng damit at naupo sa tabi ko bago ako akbayan.

"Argh!"

Natawa sya habang pilit ko syang tinutulak.

"Hammer! Isa!"

"Call me babe first." aniya.

Sinapak ko ang tiyan nya na kinadaing nya. Inalis na nya ang pagkakaakbay kaya inis na lumayo ako.

"Ang sungit." aniya at natawa.

"Ulitin mo pa iyon. Masasapak talaga kita."

Ngumisi sya at umusog palapit, " Bakit hindi nalang kiss? Mas masarap pa iyon."

Susuntukin ko sana sya sa tiyan ng agad nya akong napigilan. Hinalikan nya ako kaya hindi agad ako nakapalag. Bumitaw sya agad at agad ring tumayo bago pa ako makapagreact sa ginawa nya.

"Okay, shower muna ako, babe." aniya.

Napahinga ako ng malalim at napatingin sa gym bag nya na dala. Inabot ko ito at binuksan. Never ko pa pinakialamanan ang gamit nya o bag. Pero minsan ay curious din ako kung ano bang nilalagay nilang mga lalake sa bag nila. Lalo na kapag ganitong nag-gym o ginagawa ang activity nila sa araw-araw.

Pagbukas ko ay mga simpleng bimpo at bottled mineral water ang bumungad sa akin. Pati pinagbihisan nya na marumi. Kaya kinuha ko ang mga ito at inalis sa loob ng bag. Napatigil ako ng may sumama at nahulog din sa loob ng bag, kaya napatingin ako doon bago ko kinuha at tinignan.

Ultrasound photo ng baby sa tiyan ko. Hindi ko akalain na may kuha pala sya. Akala ko nga ay kontento na sya sa nakita sa monitor na dinadala ni Doctora para tignan ako. Pero hindi ko akalain na meron syang tinatago na kuha ng ultrasound.

Napangiti na pinagpatuloy ko ang pag-alis ng ilang maruming damit nya. Pero meron muli akong nakapa na hindi ko ma-explain kung ano kaya kinuha ko. Pagkakuha ko ay tinignan ko ang isang spray small bottle na parang isang gamot. Wala syang pangalan kaya hindi ko alam kung para saan iyon.

Napaisip tuloy ako at tumayo. Tumungo ako sa kusina at naghanap ng maliit na lalagyan. Sa isang plastick dessert cup ay naglagay ako ng kaunti para kuning sample. Kakaiba ang amoy nya na parang nakakahilo ang amoy kaya agad na tinakpan ko. Tinago ko muna ito at bumalik muli ako sa sala at binalik ang bote sa bag. Bukod doon ay wala na akong ibang nakuha pa.

Nilagay ko sa basket ang damit nyang marumi habang napapaisip ako kung ano kayang gamot ang dala-dala nya kahit sa gym.

Napatigil lang ako sa iniisip ko ng mapaidtad ako sa biglang pagyapos ni Hammer na bagong ligo at nakatowel lang.

"Anong iniisip mo at malayo ang tingin mo?" tanong nya.

Ganyan sya kapag matulala lang ako minsan. Para bang gusto nyang malaman lahat ng iniisip ko.

"Wala."

Hinalikan nya ang leeg ko kaya napaiwas ako at aalis sana ako sa harap nya pero pinigil nya ako.

The Heartless Doctor's Love (COMPLETED) Under EditingDonde viven las historias. Descúbrelo ahora