Kabanata 10

41.2K 898 166
                                    

Kabanata 10

Sonata

Napahawak ako sa dibdib ko habang nakahawak sa lababo at nakatingin sa salamin ng banyo. Hindi ko alam ang dapat gawin sa nalaman ko. Pero iniisip ko na baka nagkakamali lamang si Doctor Pariñas.

Tumingin ako sa pinto ng banyo bago ko gamitin ang cellphone ni Hammer upang tawagan si Abe. Sya lamang ang makakatulong sa akin. Dahil alam ni Abe kung paano sumuri ng may sakit sa puso.

(Hello? Who's this?)

"Abe.."

(Soul! Sa wakas ay nagparamdam ka. Nabalitaan ko--)

Agad na pinigil ko sya, "Abe, I need your help."

(What is it?)

Huminga ako ng malalim, "Magkita tayo."

Saglit na hindi ito nakaimik, (Paano si Hammer?)

Iyon nga ang malaking problema ko. Hindi ako nakakaalis kapag nakabuntot si Hammer.

"Iyon ang problema ko.."

Narinig ko ang tawa nya kaya napaasik ako.

(Tila hulog na hulog na sa patibong mo si Hammer..)

Napahigpit ang hawak ko sa phone dahil sa sinabi nya.

"Tulungan mo nalang ako na makaalis ng hindi nalalaman ni Hammer."

Saglit na natahimik sya.

(Alright. Magkita tayo sa hospital. Doon ay hindi manghihinala si Hammer.)

Tumango ako, "Sige... Salamat."

Narinig ko ang tuwa sa boses nya, "Ngayon ka lang naging banayad magsalita. Tila nagbabago ka na."

Hindi ko na sya sinagot at binaba ko na ang tawag.. Hindi ko alam kung ano na ang lagay ng puso ko. Pero pakiramdam ko ay meron talaga akong sakit. Hindi ko gusto ito kaya oras na makumpirma ko ay magpapaopera ako.

Lumabas ako ng banyo at lumapit sa kama kung saan ay natutulog si Hammer.. Tinignan ko sya at ngayon ko lamang sya nakitang payapa na natutulog. Minsan ay ako ang palaging tulog at hindi ko alam kung anong ginagawa nya habang tulog ako.

Tumalikod ako para sana pumunta sa veranda at magpahangin pero napahinto ako ng magsalita si Hammer.

"Babe...I love you.."

Napalingon ako rito at nakita ko na nagsasalita sya nang tulog. Tuluyan akong tumalikod at lumabas nang kwarto. Pumunta ako sa veranda at malamig na simoy na hangin ang bumulaga sa akin at kadiliman ng langit. Pero kita ang liwanag mula sa mga ilaw sa iba't-ibang gusali at bahay.

Hindi sumagi sa isip na ganito ang dadanasin ko ng buhay ko. Akala ko ay wala na akong sakit na mararamdaman dahil nga sanay na ako sa lahat ng idinulot ni Papa pero hindi pa pala doon nagtatapos ang lahat.

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ni Hammer oras na malaman nyang may sakit ako. Alam ko at ramdam ko na minamahal na nya ako. Pero hindi ko alam kung paano ko susuklian iyon. Hindi ko alam kung ano na itong nararamdaman ko sa kanya. Natatakot ako na baka oras na malaman ko ang sagot ay iwan naman nya ako.

Humawak ako sa harang ng veranda at huminga ng malalim. Sa loob ng dalawang pong taon na iharang ko ang pader sa aking sarili para walang ibang makakita nang nararamdaman ko pero ngayon ko lamang napansin na unti-unti ko nang binubuksan kay Hammer ang harang at pinapapasok sya.

"Bakit hindi ka pa natutulog?"

Nabigla ako at natigilan nang yumakap sa akin si Hammer mula sa likod. Nilingon ko sya at nakita kong pipikit-pikit ang mata nya tila ba inaantok pa.

The Heartless Doctor's Love (COMPLETED) Under EditingWhere stories live. Discover now