Chapter 53

179K 5K 831
                                    



🥀

Zarena

Correcting mistakes late is better than never correcting them at all.

Kaya kahit natatakot ako sa kung ano ang magiging reaksyon ni Luke kapag nakita niya ako, sisikapin kong gawin ang lahat para patawarin niya ako sa mga kasalanan at pagkukulang ko sa kanya. Walang kasiguraduhan kung papaano siya makikitungo sa akin kapag nakita niya ako. Dahil alam ko sa sarili ko na nasaktan ko siya ng sobra.

But I have to face it. Wrongdoings are part of a person's life considering that I am dealing with my relationship with Luke. Lahat nagkakasala. Hindi naman sa habang panahon ay puro na lang saya at katamisan ang ibibigay ng buhay. Kasi nagkakamali rin tayo. Because we are human. And humans commit mistakes. Nagsimula nga kila Eba at Adan ang pagkakasala ng tao e.

What I should do now is fix it. Mend what is broken. And then learn how to do things the best way possible.

Madami na kaming napagdaanan ni Luke. At marami pa ang sasalubong na mga problema kung tutuusin. Pero kailangan ko munang ayusin ang gusot na nagawa ko tsaka ko iisipin ang hinaharap. Because truth screams that there will be no Luke and Zarena at the end if I do not pour out my heart in resolving whatever is broken between the two of us.

Inihatid ako nila Brix dito sa tapat ng condo ni Luke. May mga guwardya pa akong naabutang nagbabantay pero pinaalis muna sila ni Axel.

"Thank you for this. I owe you both this one" Pagpapasalamat ko sa kanila.

Tipid na tumango si Axel. Si Brix naman ay ngumisi at kumindat lamang. "We gotta go. Kapag may kailangan ka, tawagan mo lang kami" seryosong sabi niya.

Tumango ako at hinintay na makaalis sila. And when they finally left, I turned my attention to the door in front of me.

Hurting the man I love was a painful memory. It is written in the scars of my heart. Nasaktan ko siya ng sobra at di ko na maibabalik pa ang mga oras na nagawa ko siyang itulak palayo at iwan ng walang paalam.

I inhaled deeply.

Hinanda ko ang sarili ko tsaka ko inangat ang kamay ko para pindutin ang code ng unit niya. Bumukas ang pintuan kaya dahan-dahan akong naglakad papasok.

The moment I stepped inside, my heart is torn into pieces by the view that met my eyes. Malakas ang amoy ng alak at sigarilyo dito sa loob ng unit niya. Nagkagulo ang mga gamit niya. Nagkalat ang mga basag na bote. Parang hindi ito maituturing na kuwarto kung tutuusin. Parang binagsakan ng bagyo. This looks like a mess... the way that the man sitting across me looks so messed up.

Nakatungo siya habang nilalaro sa kamay ang bote ng alak na hawak niya. Sari-saring emosyon ang lumukob sa puso ngayong muli kong nakita ang lalaking bukod tanging nagpapatibok ng puso ko.

"Luke"

Lakas loob na tawag ko sa kanya.

My breathing hitched the moment he looked up and met my eyes. His blood shot eyes controlled the depths of me. Magulo ang buhok niya. Dark circles around his eyes. Tila ba wala siyang maayos na tulog. Nakabukas rin ang ilang butones ng polo niya na halatang gusot na gusot.

Mahina akong napasinghap nang makita ko ang dugo sa mga kamay niya. It's dripping at the floor. Oh mygod Luke. What did you do?

I was about to move closer to him but I stopped when a small humorless laugh came out of his mouth. "You're here again. Go away"

The Bad Boy's Queen (R-18 Vikings Series)Where stories live. Discover now