Chapter 18

189K 4.9K 731
                                    

Hi pala kay Angel B. 👋

🥀

Seven

Tinatamad kong isinabit sa leeg ko ang puting shirt na hawak ko. Kinuha ko saglit ang phone ko at sinimulang hanapin ang number niya kaso tumigil ako. Tinitigan ko ang screen at napatingala.

Bakit ba ako nag-aaalala sa babaeng 'yon? Baka kung ano na naman ang maisipang gawin at lalabas ng walang paalam kahit sinabi kong hintayin niya lang ako sa unit ko.

Fuck.

I want to see her. Sana pala dinala ko siya dito para naman mas ayusin ko ang paglalaro. I like to see her watching me. Gusto ko 'yung pakiramdam na may sasalubungin ako pagkatapos ng laro.

Napailing na lang ako at ibinalik sa bag ko ang phone ko.

Nakarinig ako ng mga bulong-bulungan kaya naman napatingin ako sa taas. They are looking behind me. Out of curiosity, my eyes trailed to the direction they're looking at.

Napangisi ako nang makita ko ang bahagyang paghalik ni Kap sa noo ni Zarena. Kaya pala ang daming nabubulungan. Puwede namang tahimik lang sila a. Para silang mga utot ko, hindi mapigilan ang pagsabog.

Tss. Mabuti pa si Kap, may Zarena na manonood.

"Tignan niyo si Kapitan o. Ilang araw lang nakalilipas, ganyan na ang galawan" Untag ko kay Isaac na nakatingin rin sa gawi nila Kap habang nakangisi.

Sumingit is Brix. "Tangina, amoy panalo!" Halakhak nito.

Kahapon natalo kami. Napagalitan pa nga ni Coach si Captain pero tinignan ko naman ang reaksyon ni Kap at wala akong makitang pagsisisi roon. Tangina, eto pala ang kinalabasan. Mukhang nanliligaw na nga si Cap.

"Paano mo nasabi?" Tanong ni Isaac na ikinabuntong hininga ko. Do we have to spell it out for him?

Hinayaan ko na lang si Brix na magpaliwanag sa sinabi niya.

"Ang bobo mo rin noh?" Ungot nitong diyos ng araw kay Isaac na nagpatawa sa akin. "Wala ka bang logic? Andito si Zarena. Maganda ang mood ni Kapitan. Malamang mananalo tayo kasi magpapasikat si Captain kay Zarena!" Untag niya kay Isaac na para bang 1+1 is equal to 11.

Napailing na lang ako.


Isaac

Sinamaan ko ng tingin si Brix dahil sa kakaibang logic niya. Kung makabobo, akala mo ang galing. Ano bang klaseng logic meron siya?

Hindi ko na lang pinansin hanggang sa makita kong dumistansya na si Cap mula kay Zarena na ngayon ay naglalakad paupo sa may harap na bleachers.

Natigilan ako. Kaya pala bakante 'yon ngayon! Dati rati naman e iyong tatlong mga upuan na iyon ay palaging nakukuha agad. Ngumisi ako. Tindi ni Kapitan a. Talagang sa harap niya pinaupo si Zarena tapos kung makatitig pa ngayon sa kanya, parang wala na siyang balak tantanan ng tingin ang magandang dalaga.

Ilang sandali pa ay napabaling ang atensyon ko sa babaeng katabi ni Za. Kumunot ang noo ko. Ngayon ko lang napantanto na masyadong pamilyar pala ang mukha niya. I've already seen her somewhere... outside the campus.

Aliw akong ngumisi nang irapan niya ang babaeng nasa gilid niya, yun ata yung manliligaw ni Axel. Mukhang suplada pero ang ganda. Tangina.

I stared at her even more when her eyes found mine. I smirked. Napansin kong natigilan siya at tinanggap ang maririing titig ko pero kalaunan din ay nag-iwas ng tingin.

The Bad Boy's Queen (R-18 Vikings Series)Where stories live. Discover now