Chapter 5

192K 4.8K 373
                                    



🥀

HUMIGPIT ang hawak ko sa strap ng bag ko.

"I'll talk to you tomorrow, Mr. Carson" Rinig kong sambit ni Ma'am na siyang walang kaalam-alam sa kalabog na nararamdaman ng sistema ko ngayon.

Why the heck am I feeling this way?

Pinanood ko kung paano tumango lang ang captain ng Vikings. Muntik ko pang maipakita ang gulat ko nang lumingon siya sa gawi ko. His eyes penetrated to mine. Medyo napahakbang ako paatras nang tumayo siya. His eyes never leaving mine.

Imbes na mapalunok muli dahil sa hindi magandang pakiramdam na nararamdaman ko sa tingin niya, tinanguan ko siya ng konti bilang pagrespeto. Kaya lang mabilis kong binabawi ang kilos na ginawa ko nang bumitaw siya ng tingin at nilagpasan na lang ako na para bang wala lang.

Nang marinig ko ang pagsara ng pintuan ng office ni Dean, napailing ako sa isip ko. He walked past me like I'm nobody. Well, what should I expect when he's the captain, a well known guy here in the campus, while I'm just a mere wight from St. Thomas who transferred here at their school. And I didn't forget the fact that I'm hiding in a caumoflage, pretending to be someone in higher status even if I'm just someone from a simple province.

Sikat na sikat. Sobrang gwapo. Pero isnabero. Idagdag pa na mukhang arogante.

Napailing na lang ako at muling hinarap si Mrs. Flores. "That guy didn't even execute a formal exit again" Even though Dean whispered those words, I heard it crystal clear. I agree anyway. Tumango lang tapos umalis na. Ni walang 'Thank you Ma'am. If you'll excuse me, I'll leave now'. Ganun! Pero wala. Basta na lang umalis ng walang pormal na paalam.

When Dean transferred her attention to me, ngumiti siya ng tipid. "I heard you are good in dancing" Umpisa niya.

Pakiramdam ko tumigas lahat ng buto sa katawan ko.

"Ma'am I may not be that good but I can still dance" Hindi naman kasi ako ganun kagaling. Kahit pa na sinasabi nila Savi at yung ibang mga kaklase ko sa St. Thomas na magaling daw akong sumayaw. I do not believe it because I think a lot of people can do better than me. They can dance better than I can.

Umangat ang sulok ng labi niya. "Are you sure? Because quite several of your former teachers in St. Thomas told me how skilled you are in dancing" Sabi ni Dean.

Hindi ako makasagot. Kahit naman ipaglaban ko ang punto ko, mas paniniwalaan niya ang mga sinabi ng mga guro ko sa St. Thomas.

"If you want to consider joining, there will be a dance competition on the last week of this month. You might want to join, to at least represent the new students. Based on the statements I received from your former school, you have good potential in dancing. Thus, I also want to see your talent Miss Ramirez"

Lumuwag ang pagkakahawak ko sa strap ng bag ko. Last week of the month? Ibig sabihin it will be the week after next week. At sa pagkakaalam ko, sa susunod na buwan ang school fair ng St. Thomas. Hell, I miss that school. Ibang-iba ang aura dito. Puro yamanin ang nandito. Mga sosyal. Doon sa probinsya, puro tawanan at kabalastugan.

"I'm not forcing you, Miss Ramirez. I'm just suggesting that you join the dance contest if you want. It will be a good start of exposure and you can practice your talent more. Kung ayaw mo na sumali sa timpalak, you might want to consider joining the dance club. Coach Rem is really good in teaching his students in Dance Club" Dugtong niya.

Good start of exposure?

The day I stepped inside Weston University, I aimed to be a common stranger. I don't wanna grab anyone's attention.

The Bad Boy's Queen (R-18 Vikings Series)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt