Chapter 13

189K 4.6K 662
                                    

don't forget to vote, comment and follow
😘

Hi nga pala kay @green_pearl
Shout out rin kay @AlyssaLelis
👋


Happy reading mga mahal ko
👸

🥀

Zarena

Gusto kong pagpagan ang dibdib ko ngunit pinigilan ko ang sarili ko. Ano ba ang meron sa tawa niya at bigla-bigla na lang may kumakalabog sa organ na nasa loob ng ribcage ko?!

His laugh seems to possess beguilement! A simple smile on his lips is enough to make a girl insane, well that's how I see it.

Sinapak ko ang sarili ko sa isip ko. 'Don't get carried by that, Za! Kelan ka pa nagkakaganyan dahil lang sa isang tawa ng lalake?! Gumising ka nga!' Sita ko sa mismong isip ko.

Sumubo ulit ako sa cake at nilunok ito tsaka ulit sinalubong ang tingin niya.

Umiling ako.

No. I can't just let him do what he wants. He can't tell me to stay when he wants me to stay. I don't know him entirely and so does he.

Thinking straight is what I need to do as of this moment because I keep on forgetting that he is the most popular person here in Weston University. Siya ang Captain. Kuwento rin sa akin ni Patricia, talagang mayaman daw si Luke.

It was my mistake to let our paths cross. Kung sana mas maaga kaming umuwi ni Savi doon sa dorm, edi sana hindi ko nakita si Luke. Kahit na hindi ko alam na magkikita kami, sana naman gumawa ng ibang paraan ang mundo para hindi nag-krus ang landas namin!

His charm is toxic. Mapapahamak lang ako kapag hahayaan kong magtutuloy-tuloy itong nangyayari ngayon. Ang dami niyang fans e. Ngayon pa nga lang na kumakain lang kami, ang dami ko na atang kaaway! Their eyes are all glaring at me.

"I can't stay. I have things to do" Pagdadahilan ko sa kanya. I know he knows what I'm pertaining to.

Sumubo ulit ako sa cake para maiwasan ko ang tingin niya. Tama naman ang desisyon kong ito. We can just eat today and act like nothing happened after.

Tsaka isa pa, kailangan ko pang i-check kung kamusta na ang bungisngisera na kaibigan ko sa dorm. Walang kasamang kumain iyon ng tanghalian kapag hindi ko siya pupuntahan.

"Tsaka hindi mo na ako kailangang sunduin kasi pagkatapos naman nating kumain ngayon, puwede kang umakto na parang walang nangyari at-"

"I'll come over when class ends. Don't even think of running away, I'll just find you" Putol niya sa sinasabi ko. I bit my lip.

"Luke" Mahinang sabi ko. My tone came out like a protest but he ignored it and took a bite at his brownies. Pati sa paraan ng pagkain niya, walang kupas ang kaguwapuhan.

"Eat Zarena" Malamig niyang saad.

Ngumiwi ako. Ang hirap niyang pakiusapan!

Inirapan ko siya. "Tatambay lang ako mamaya sa library pagkatapos ng break. Ikaw ang kumain. You need it for your practice later"

He nodded. An amused look playing on his eyes. Inirapan ko siya pero parang wala lang sa kanya.

Kanina lang biglang naging seryoso, ngayon ganyan kung makatitig! Sa susunod, iisipin ko na talagang abnormal siya.


The Bad Boy's Queen (R-18 Vikings Series)Where stories live. Discover now