Bakit mo ba ‘to ginagawa Jared?” Tanong ko sa isip ko.

“Let’s go” baling niya sa akin at hinawakan niya yung kamay ko at hinatak papunta sa kung saan.

Nanatili lang akong nakatingin sa kanya. Ang dami-dami kong nararamdaman ngayon, ang dami ko ring tanong. Hindi talaga ako makapaniwala sa ginawa niya kanina. Hindi siya nagdalawang isip sa mga ginawa niya at sa mga sinabi niya. Aaminin ko sobra akong kinilig sa ginawa, he hugged and kissed me in front of many people.

“Gail, nakikinig ka ba?”

Doon lang ako nagbalik sa katinuan nung magsalita si Jared at makarinig ako ng pagsara ng pinto. Napakurap ako at napatingin sa kanya, nakakunot ang noo nito habang inaantay ang sasabihin ko.

“Ha?”

“You’re not listening,” aniya habang naniningkit ang mata niyang nakatingin sa akin.

Napayuko tuloy ako, hindi ko na inabalang pakinggan siya dahil sa mga iniisip ko. Jusmiyo! Hindi pa kaya ako nakakaget over sa ginawa niya! May hangover pa ako! Ni hindi pa nga kumakalma yung heartlalu ko sa nangyari eh!

Uhh, ano sorry…” mahina kong sabi at napayuko Ano nga ulit yung sinasabi mo?” I asked.

Anong ginagawa mo dito?” tanong niya

I looked at him and he’s just looking at me, waiting for my answer. That’s when I remember the reason why I’m here. Dahil pala sa Menudo. Nakalimutan ko rin ang tungkol dito ah!

“Gail…” he said.

Wahhhhhhhh! Bakit kasi hindi ako makapagsalita? Bakit ba ganito pa rin yung nararamdaman ko? Ayaw pa ring kumalma ng puso ko!

Bigla na lang akong nagpanic nung humakbang siya palapit sa akin kaya bigla-bigla akong umatras pero hindi ko alam na wala pala akong aatrasan kaya bigla kong hinawakan yung dulo ng suit na suot ni Jared para sana hindi ako tuluyang matumba dahil naramdaman ko na pabagsak na ako…

Ahhhhhhh!” sigaw ko at bigla akong napapikit.

Tuluyan na akong bumagsak sa isang malambot na bagay. Akala ko katapusan ko na!

“Ah sht!” rinig kong asik ni Jared na parang sobrang lapit lang sa mukha ko.

Unti-unti kong binuksan yung mata ko at nakita yung mukha ni Jared na sobrang lapit na lang sa mukha ko. Pakiramdam ko ay hindi ako makagalaw.

Dug.Dug.Dug.Dug.

Naririnig niya kaya yun? Shet! Pakiramdam ko yung heartbeat ko na lang ang naririnig ko. Hindi rin ako makahinga ng maayos dahil sa sobrang awkward ng position namin. Dahan-dahan na lang din akong napalunok dahil dito.

Napapikit na lang ako nung magkadikit yung noo at ilong naming dalawa. Nahigit ko ang paghinga ko bigla. Oh my gulay! I need air!

Ang hirap magpigil,” bulong niya sa may gilid ng labi ko. Shet! Shet! Shet! Hahalikan na niya ba ako for real?!

Hindi na ako makapagsalita, inaantay ko na lang ang gagawin niya. Hindi ko na talaga maramdaman ang sarili ko.

“An--anong…” hindi ko na natuloy yung sasabihin ko dahil pakiramdam ko ay wala namang boses na lumabas mula sa akin.

Beauty and the BeastWhere stories live. Discover now