Halatang puyat na puyat siya. Kulang na kulang sa tulog. Nakakalimutan niya na ang pagtulog dahil nakatuon ang lahat ng atensyon niya sa inaatupag niya. Ito ang sinasabi ko. He is not saying a word to me on what is going on but I know so damn well that his father is already making Luke's business miserable.

Wala akong ibang ginawa kundi ang ipagtulakan ang lalaking sobra ang pagmamahal para sa akin. Wala akong ibang ginawa kundi itulak siya kahit pa sobra ang ginagawa niyang effort para lang maipaglaban ako sa papa niya.

Napapikit ako nang parang bata niyang isiniksik ang mukha niya sa dibdib ko. His arms tightened more around me. Halos wala nang espasyo sa pagitan namin. "I missed you.." his bedroom voice managed to make my heart flutter. Lalo na ang mga salitang lumabas sa bibig niya na punong puno ng emosyon. Tatlong kataga pero iba ang dating. Sobrang lalim ng gustong ipahiwatig sa akin.

I didn't answer back.

I just rested my hand on his hair and played with it softly. Hanggang sa maramdaman ko ang unti-unting pagbagal ng paghinga niya.

I took one glance on his peacefully looking face before I let sleep consume me.

.

.

.

The next morning, we woke up late.

Wala nang ibang ginawa si Luke kundi ang titigan ako habang niluluto ko ang agahan namin. His eyes speaks of something I cannot pinpoint. The way he watches my every move with those dark hawk eyes. I am proud of my knees for trying not to give up though they are shaking.

Sinusulit ko na ang panahon na kasama ko siya. Kasi mamayang gabi, aalis na ako.

"Za..." tumigil ako sa ginagawa ko matapos marinig ang malambing na boses ni Luke.

Natatakot akong tignan siya. I am scared that he would guess my plan for today about me leaving him. Natatakot ako dahil madali akong mabasa ni Luke. And the way he looks at me and calls my name as of this moment, it feels like he knows something. I can tell.

"Kapag hindi ka tumingin, magtatampo ako" untag niya.

Mahina akong suminghap. He is acting like we didn't argue for the past days. He is acting like we are still okay. Na para bang hindi ako humingi ng pabor na bitawan niya ako. Bakit?

"Reyna ko.." saad niya.

Sumuko ako sa matamis niyang boses.

And there, I looked at him. Natagpuan ko na naman ang sarili kong tinatanggap ang bawat tingin niya.

Sumilay ang isang ngiti sa labi niya bigla. Parang awtomatikong umaliwalas pa ang mukha niya. "There. When you stare at me like that, I feel more powerful and stronger" May ngiti sa labi niya pero seryoso ang mga mata niya. Every word he said meant so much more.

Pinaparating niya na mas lumalakas ang loob niyang ipaglaban ang meron kami ngayong kasama niya ako. That I am his strength.

Pilit kong pinakalma ang paghaharumyento ng puso ko na siya lamang ang bukod tanging laman. "Kulang ka lang ng tulog. Hindi ka pa nakakabawi sa tatlong gabing ipinagdamutan mo ang sarili mo ng pahinga" untag ko sa kanya bago ko inatupag ang niluluto ko. Di ko kayang salubungin ang mga tingin niya. Knowing that I'm already leaving tonight.

The Bad Boy's Queen (R-18 Vikings Series)Where stories live. Discover now