Walang pagdadalawang isip kong tinawagan si mama. Isang subject lang ang papasukan ko ngayong araw. Pero wala si Ma'am Despo dahil may dinaluhan siyang seminar sa ibang bansa. Sinabihan niya na kami na pansamantalang cancelled daw ang subject niya sa araw na ito. That means wala akong pasok ngayon.

"Za anak" kahit di ko nakikita si mama, boses niya palang ramdam ko na ang sobrang pag-aalala at lungkot.

Pinatatag ko ang sarili ko.

"Natanggap ko po ang text niyo. Kamusta na po si Lisel, 'Nay? Ano daw po ang problema?" Itinago ko ang kaba at pag-aalala sa boses ko. Hindi masayado pero sapat na para ipahiwatig kay mama na magpakatatag siya.

I heard her sigh loudly. Na para bang pagod na siya. Marahil wala rin siyang maayos na tulog dahil sa kakaiyak niya kagabi. At sumunod pa ang sakit ni Lisel. Baka hindi na siya nakatulog. Maski nga ako puyat dahil hindi ako makatulog kagabi. Mugto rin ang mga mata ko.

"Sinuri siya ng doktor. Ang sabi nararanasan ng pinsan mo ang Hypothermia. Dahil bumaba ng sobra ang temperatura niya. Sobra rin ang panginginig ng katawan ni Lisel kagabi 'nak. Seizure daw iyon sabi ng doktor. Buti na lang at nadala namin agad si Lisel dito sa ospital kasi natulungan siya agad" pagkukwento sa akin ni mama.

Masakit parin ang puso ko hanggang ngayon. Nasa isip ko pa rin ang pag-uusap namin ni Luke kagabi. Lalo na ang mga sinabi mama sa akin. Sariwang-sariwa lahat sa isip ko. Ngayon naman, nadagdagan ng pag-aalala ang puso ko sa nalaman na nangyari kay Lisel.

I inhaled sharply to satisfy the emotions raging in my chest. Pero walang naitulong iyon.

"Maayos na ang lagay ni Lisel ngayon. Kasama niya si Joco. Kapag tuluyan na siyang gumaling, puwede na daw siyang lumabas" hindi humupa ang kaba at lungkot na ramdam ko. Buti at okay na ang batang iyon. Nakahinga man ako ng maluwag sa sinabi ni Mama bagaman nag-aalala naman ako ngayon sa kanila ni Papa.

"Mabuti naman po" mahinang saad ko. I gripped my phone.

My father may still have his work, but someone is ripping his job by hindering his clients. Si mama naman, wala na ang karendirya niya na pinagkukunan rin nila ng pantustos sa pag-aaral ko at ng mga bata. Pati sa mga panggastos nila sa bahay.

"Kamusta po kayo ni Papa, Ma?" Diretsahang tanong ko.

Natahimik ang kabilang linya.

Kaya napapikit ako. Mga magulang ko sila. At mahal na mahal ko sila. In everything I have done since I was their little kid, they always come first in my decisions. Lahat ng ginagawa ko ngayon, ang mga pangarap ko at mga hiling ko ay para sa kanila lagi. Dahil gusto ko silang bigyan ng magandang buhay. Nag-aaral ako ng mabuti para sa kanila.

Kung tutuusin, sila ang bukod tanging dahilan kung bakit ako may pangarap. At kung iniisip ko ngayon ang kalagayan nila, masakit para sa akin. Kasi alam ko na ako ang dahilan kung bakit nawalan ng kliyente si papa at kung bakit kinuha ang negosyo ni mama. They don't even know anything why this is happening to them. At gusto kong malaman nila. Gusto kong sabihin sa kanila ang dahilan ng mga nangyayari ngayon.

Hirap na tumikhim si mama sa kabilang linya. "Nasa labas ang papa mo. May kinailangang asikasuhin. Pero huwag kang mag-alala 'nak. Okay lang kami. Inaalam lang namin kung bakit kinuha sa atin ang karinderya at kung bakit kumalas ang mga kliyente ng papa mo" mahinang sabi niya.

The Bad Boy's Queen (R-18 Vikings Series)Where stories live. Discover now