Bye for now

3.1K 133 7
                                    

Sa akong hinigugmang Boss Lyka,

Una sa tanan, nagpasalamat kaayo ko sa Ginoo nga iya kang gihatag sa akong kinabuhi. Oh, diba? Nosebleed ka. Alam ko boss, sobrang nalulungkot ka na habang binabasa to, maging mga luha ko'y tumutulo na din sa kalungkutang iiwanan muna kita sa ngayon. Di ko rin mapigil na humikbi habang pinagmamasdan kang mahimbing na natutulog. Ang sarap sarap mong tignan, sana ganito nalang tayo habambuhay.

Pasensya na kung di ako makakapagpaalam sayo ng pormal. Di ko kasi talaga kayang magpaalam sayo ng personal. Dahil baka magbago yung isip ko. At baka itanan pa kita.

Nay aaminin ako sayo Boss. Ahehe, una palang kitang makita sa school, sobrang crush na kita. Di ko alam, pero parang kumislap talaga yung mata ko.

At hindi ko inakala na magiging malapit tayo sa isa't-isa. Inisip ko nga minsan, destiny talaga tayo eh. Haha. Dumating ka nung kailangang kailangan ko ng taong tutulong sa akin.

Salamat kasi dumating ka sa buhay ko. At pasensya na kung aalis na muna ako.

May susundin lang akong agreement. Pero wag kang mag-alala Boss. Hindi naman to enslavement agreemant ULIT. Sayo lang naman ako magpala alipin eh. Ayieee! Si boss kinilig. Haha. Pagkatapos neto, babalikan kita agad agad.

Anyway, mag-iingat ka palagi ha? Kumain sa tamang oras. Dapat pagbalik ko, healthy ka pa din. Okay? Tsaka mag-aral kang mabuti, dapat pagbalik ko, may mga awards kang maipapakita at maipagmamayabang sa akin. Matalino ka naman talaga Boss eh. Tapulan lang. Haha.

Nais kong malaman mong sayong sayo lang ako. Hindi ako lalandi sa iba habang hindi tayo magkasama. At alam kong ganun ka din, dahil alam kong inlove ka sakin. Hindi naman sa makapal yung mukha ko pero parang ganun na nga. Haha.

Mahal na mahal kita Boss. At sana maintindihan mo yung paglayo ko ngayon. Para din naman sa atin to. Sa future natin. Alam ko, ginagawa niya din to para sayo. Para mapabuti ka. At para masiguro yung future mo. At para ma test na din yung kung anong meron tayo. Yung love ko para sayo.

Wag ka po mag-alala sakin Boss ah? Wag mo na din akong subukang hanapin kasi di naman ako magpapahanap sayo. Pinapangako ko sayo na after neto, pupuntahan kita sa bahay nyo, at hihilingin ko sa parents mo yung blessing nila dahil magpapakasal na tayo. Pakakasalan na kita. Magpapakasal na tayo Boss. Medyo matagal tagal pa to. Pero siguradong sigurado na akong ikaw na yung tamang taong makakasama ko habambuhay. Antayin mo ako mahal ko ha?

Ngapala Boss, sa may damitan ko. May teddy bear akong tinago dun. Matagal ko na binili yun. Nahihiya lang ako ibigay. Hehe. Ingatan mo po yan ah? Yan na muna yung yakapin mo sa gabi. Habang wala pa ako. I love you Boss Lyka.

Yours truly,
Denise Laine Ramirez

P.S. ngayon palang, sobrang miss na miss na kita. At yung ingay mo. Ahehe. Pagbalik ko damihan natin ha? Ilove you so much Boss.

___________________
___________________

Authors Note:
Hello, haha. Matagal ba? Sorry naman. May pinagdaanan lang. Ginagawa ko na yung chapter 29, sabay ko na sana. Pero wag nalang. Una ko na to. Haha. Abangan nyo chapter 29, publish ko agad pagkatapos. Wala ng proofread proofread. Haha.

Bye.

My Bisaya Slave (COMPLETED) GXGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon