LOGIC

6.5K 214 6
                                    

Lyka's POV

Pag gising ko wala na si Charlotte sa tabi ko. Maybe, umuwi na iyon. Hindi man lang nag paalam. Sa bagay, hindi rin naman kasi ako nagpapadistorbo.

Bumangon na ako at ginawa ang morning routine. Lumabas ako ng kwarto para mag breakfast.

Napa kunot ang noo ko sa nakita ko.

Nagtatawan kasi sina Charlotte at si Denden. Close na sila agad??

Naiinis ako, baka kasi ako ang pinagtatawanan nila.

Weee?? Yun nga ba?

Oo, naman no.

"ahahaha. Kalbo pala yung babae? Hindi ko naisip yun ah. Hahaha nakakatawa yun Denden. Ahaha" narinig kong sabi ni Charlotte.

Naku! Iyon na naman siguro iyong logic logic na iyan.

Like duh! Hindi naman nakakatawa.

"Ahem!" interrupt ko sa dalawa. Nagulat silang dalawa at tumigil sa pag tawa.

Umupo na ako sa at nagpatimpla ng gatas kay Denden. Hindi kasi ako nag kakape. Nakaka bobo daw yun sabi ng Daddy ko nong bata pa ako. Kaya takot akong mag kape.

"So, anong pinauusapan nyo?" seryoso kong tanong.

"Itong si Denden mo, nakakatawa iyong mga logic niya, haha," sagot ni Charlotte.

Oww, parang ang sarap naman pakinggan sa tinga yung Denden mo. Parang na lighten iyong mood ko. Pero,

"Duh, Slow ka lang kaya natatawa ka, at di mo masagot ang mga logic nya" komento ko.

Sana lang hindi kinwento ni Denden na hindi ko rin nasagot yung logic na yun.

"ahh, slow pala ah. Sige nga sagutin mo nga iyong logic nya," panghahamon nya sabay subo ng pancake.

Psh, ano akala nya sa'kin slow?? Haha. Alam ko naman na iyong sagot eh. About dun sa kalbo thingy.

Lumapit si Denden para ibigay ang gatas ko.

"Denden, sampolan mo nga to ng ibang logic!"

Napatingin sya sakin at parang nag pipigil ng tawa. Napakunot na naman tuloy ang noo ko. Naalala nya siguro yung... hay naku!

"Sure ka, Boss, okay lang sayo?"
Tanong nya. Ano akala nya sa'kin? Maswerte lang sya kahapon no.

Kaya tumango lang ako.

"okay," huminga muna syang malalim.

"May submarine, na ang kaya lang isakay ay 100 ka tao. Nang nakasakay na ang 99, so dapat isa nalang ang pwedeng isakay. Syempre dahil priority lagi ang buntis, pinasakay yung 9 months na buntis. Tapos pag sakay nya lumubog." she paused. Nakikinig lang kami ni Charlotte sa susunod na sasabihin nya.

My Bisaya Slave (COMPLETED) GXGWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu