Meeting the nanay inlaw

3.5K 126 12
                                    

Denden's Pov

Walang paglagyan ng saya at tuwa yung puso ko ngayon.

Eh pano ba naman. Yung tinitingala kong tao. Yung boss ko. Heto na ngayon sa tabi ko. At kayakap ako.

Niyakap ko pa siya ng mahigpit.

Pagod daw siya at alam ko namang inaantok na siyang talaga.

Nakatitig lang ako sa maganda niyng mukha habang nakapikit siya.

Ka kyut ba aning bayhana ni uy.

Sarap kurutkurutin yung pisnge. Grabeeee. Walang ka pore pore. Hustisya please. Haha.

Kahit sobrang sungit. Sobrang taray at sobrang tupakin nitong si Boss. Natutunan ko na din siyang mahalin.

Ngayon ko lang din naman na realize na mahal ko na siya. Yes po. Mahal ko na ata si boss.

Dinampian ko siya ng halik sa labi

Ay wala na naman sa wisyong nasabi ko.

"Boss? Mahal na ata kita." At muli, dinampian ko ng with love yung labi niya.

"Gihigugma najud tika boss. Ayy, ambot uy"

Gusto ko siyang panggigilan. Nakakagigil kasi talaga siya.

Pinikit ko yung mga mata ko para makapag pahinga na din. Medyo na haggard din ako sa school kanina eh.

Sumiksik ako sa leeg niya.

Hmmm.

"Humot kaayoooooo." Kinikilig ako.

Hanggang sa nararamdaman ko ng dahan dahan na akong kinakain ng antok.

________________________________
________________________________

Nakaramdam akong parang may nakatingin sa akin kaya dinilat ko yung mg mata ko.

Muntik pa akong mahulog sa kama ng makita kong meron ngang nakatayong pinagmamasdan kami ni boss.

Sa itsura niya, mukhang kanina pa niya kami inaabangan ni boss na magising.

Dahan dahan akong bumangon. At napatingin sa relo ko. 7pm na pala.

"Good evening po Ma'am." Nag bow ako. At nanatiling naka yuko lang yung ulo ko.

Sobrang napaka intimidating ng mommy ni boss.

Yes po, nanay ni boss yung kaharap ko ngayon. Kamukha niya kasi yung nasa picture kanina na nakita ko kasama yung daddy niya at siya.

"Pwede ba tayong mag usap Denise Laine?"

Nanlaki yung mata ko sa gulat  at napaangat ako ng tingin sa kanya.

Paano niya nalaman yung pangalan ko? Naikwento na ba ako ni Boss sa mommy niya?

"Uh, opo... opo ma'am." Kinakabahang sagot ko.

"Good, sumunod ka sakin!" Utos niya.

Agad kong sinuklay yung buhok ko gamit yung kamay ko. At sumunod na sa mommy niya.

Pumasok kami sa isa sa mga kwarto dito sa taas.

Nauna na siyang umupo at sumunod naman ako.

"Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa"

Sobrang kinakabahan ako. At para bang tibok ng puso ko lang yung naririnig ko. Lahat ng dugo ko sa katawan pumunta na lahat sa paa ko. Putlang putla na yung mukha ko siguro.

My Bisaya Slave (COMPLETED) GXGWhere stories live. Discover now