Ferris wheel

5.8K 207 5
                                    

Denden's POV

"Dad!" masayang sabi nya sabay yakap sa Daddy nya.

"Baby!" sagot naman ng lalaki at niyakap din sya ng mahigpit.

"Dad, di na po ako baby!" si Boss sabay pout.

Ang cute. Mas pinatunayan pa nya tuloy na baby sya.

"asuuuuss! You and your mom are always be my baby" yung Dad nya sabay kurot sa dalawang pisngi ni Boss.

"araaaaay!"

Mas lalo tuloy syang naging cute. Gumanti na din si Boss sa kanya.

I can tell na close na close sila ng dad niya.

Natatawa nalang ako sa kulitan nilang dalawa.

Tsaka pa sila tumigil nang pinakilala ako ni Boss sa Dad niya.

"Oh, by the way Dad, si Denden nga pala kaklase ko, siya yung sinasabi ko sa inyo na pansamantalang kapalit ni Yaya Isabel."
Umupo na siya sa may upuan at umupo na din iyong Dad niya katabi ni Boss.

"Hi po!" masayang sabi ko. Sabay lahad ng kamay ko.

"Hello" tinanggap nya din yung kamay ko sabay ngiti.

Kinuhanan ko na din siya ng pinggan. Hindi pa sana ako sasabay. Pero bigla na lang akong tinawag ng Dad niya.

Masasabi ko talagang mabait iyong Dad ni Boss. Hindi kasi maarting tao, tulad ng ibang mayayamang tao na napapanood ko sa tv. Nag jojoke din sya.

Hindi katulad ni Boss na lagi nalang naka poker face ang mukha. Pero in fairness sa kanya, maganda pa rin. Kwentuhan lang sila ng kwentuhan.

Pagkatapos namin kumain hinugasan ko na ang pinagkainan namin. At naligo na ako pagkatapos. Para pumasok na sa school.

Nadatnan ko si Boss sa sala na naka uniform na at iyong Dad niyang naguusap.

"Dad, no need na. I can drive naman eh. Baka ma late ka pa sa office mo," si Boss.

"Ako ang boss, kaya ayos lang na ma late ako," insist ng Dad niya.

"No need na nga dad. Baka mapagod ka pa. I promise naman na I will take care eh." pilit ni Boss.

"okay! okay!" pagsuko ng dad niya, sabay taas ng kamay niya. Niyakap naman sya ng anak niya.

"Hay naku! Parehas lang kayo ng mom mo. Hindi talaga ako nananalo sa inyo." Iyong Dad niya. At hinalikan siya sa noo. Tumawa lang si Boss.

Awww. Naalala ko tuloy yung papa ko. Nakakamiss.

"Tara, sabay na tayo sa baba" kayag ng Dad niya. At bumaba na kami.

Sumakay na kami ng elevator. As usual, ako ang pumindot.

"So Dad, kailan ka ulit babalik dito? Sobrang namiss ko iyong luto mo," si Boss na naglalambing at inangkla pa iyong braso sa braso ng Dad niya.

My Bisaya Slave (COMPLETED) GXGOù les histoires vivent. Découvrez maintenant