Partial Curl-ups

6.4K 213 5
                                    

Lyka's POV


I

t's monday kaya andito kami ngayon sa Gym. I hate it talaga pag P.E. Ayaw ko kasing pinagpapawisan ako.

"OKAY WALK!" sigaw ng instructor namin. Pinag jogging niya kami paikot-ikot dito sa gym for five minutes.

Habang hinahabol ko ang hininga ko. Hinahanap ng mata ko si Denden. And hindi naman ako nabigo at nahagip naman agad siya ng mga mata ko.

"OKAY! REST!" sigaw ulit ng instructor namin after 2minutes na paglalakad.

Kanya-kanya na iyong mga kaklase kong pumunta sa mga bag nila at uminom ng tubig.

"Boss"

Humarap ako sa tumawag. Hulaan nyo kung sino!

Si Charlotte.

Joke. Syempre si Denden na naka ngising inabot iyong bottled water.
Agad ko itong tinaggap at ininom.

Habang umiinom, hindi ko maiwasang hindi mapapikit.
Sobrang sarap talaga ng tubig pag uhaw na uhaw ka. Iyong parang nagkakalasa.

Pagdilat ko, nakita kong titig na titig si Denden sa'kin, na para bang na mesmerize sa wet look ko (pawis).

I want to tease her more, pero nakita kong suminyas na si Sir na pinapapunta na kami doon.

Bago paman tumulo ang laway nya, ay tinapik ko na sya.

"Hey, tawag na tayo ni Sir"

Para naman syang natauhan sa pagkatulala sakin. Iba talaga ang ganda ko. *mentally smirk*
Naramdaman ko naman syang sumunod.

"Class listen, get a partner for our next activity." pagkasabi nun ni Sir, naka ramdam ako ng kamay sa braso ko.

"Partner tayo" si Tricia. Tatanggi pa sana ako, dahil gusto ko sana si Denden iyong partner ko. Pero paglingon ko kay Denden may partner na sya. KAINIS! DAPAT AKO YUN!

"How to do the partial curl-up! You just blah blah blah"

Hindi na ako nakinig sa sinasabi ng instructor namin dahil naka titig (masamang titig) ako sa dalawang taong nagtatawanan.

"Hoy Lyka, simulan na natin!" kayag sa'kin ni Tricia. Sumunod nalang ako at pumwesto na para gawin ang partial curl-up na yan.

"Sino mauna?" tanong nya.
"Ikaw nalang" walang ganang sagot ko. Umupo na sya at hinawakan ko na ang tuhod nya para maka balanse sya sa pag ko-curl-up nya.
Nagsimula na sya. Tinitignan ko lang sya, na hirap na hirap at hingal na hingal sa ginagawa.
Ayan kasi eh. Masyado kasing pinapalaki iyong katawan.
Parusa to para sa kanya (for sure).

Lihim akong napa ngiti kaya lumingon ako sa bandang kanan ko. Pero wrong move ata dahil bigla na namang kumunot ang noo ko.

Pero, teka! Bakit ba kasi ako nagagalit?

Eh kasi, ayaw mo syang mapalapit sa iba.

Pero, bakit?

Kasi pinapairal mo na naman kasi yang pagiging possessive mo!

My Bisaya Slave (COMPLETED) GXGOn viuen les histories. Descobreix ara