Lyka

13.7K 304 6
                                    

LYKA'S POV

Nasa harap ako ng salamin at chini-check ang sarili. Fit na fit sa akin iyong kulay puting blouse na may logo ng school sa bandang kaliwang dibdib, at above the knee skirt na bagay na bagay sa akin. Andito ako sa washroom ng bago kong school.

Hawak-hawak ang assessment form, lumabas na ako sa washroom. Actually, P.E yung first subject ko ngayon, pero di ako nagdala ng P.E uniform.

Dapat second year na ako ngayon, pero sadyang suwail akong anak at tamad mag aral.

Sa influence na din ng mga friends ko, Midterm pa lang, sa mall na kami naka- tambay at hindi kami nagpapapasok sa ibang subjects. Ayon bagsak! Sino bang hindi? Psh! Pinatigil ako ng parents ko at kinulong sa bahay.

Isang buong school year akong nasa bahay at hindi pinayagang lumabas kasama ang mga kaibigan ko. Tanging si Charlotte lang ang natyaga akong bisitahin sa bahay.

Balak ng parents kong ipag-home school ako, pero nakiusap ako sa kanila na sa normal school nila ako pag-aralin. Nangako ako sa kanila na mag-aaral na ako ng mabuti at with honor akong gagraduate.

Kaya heto ako ngayon, pinatapon ako dito sa Alabang, Best Friend niya kasi ang may-ari ng school na ito. Kaya siguradong mababantayan ang bawat kilos ko.

Binilhan din nila ako ng condo malapit lang din dito sa Alabang. Maybe, to test? Kung tutupad ba talaga ako sa pangako ko.

Pinadalhan na din nila ako ng yaya doon, alam na kasi nilang wala akong alam sa buhay kundi kumain, matulog at syempre mag shopping.

"Um, excuse me, saan po ang Gym dito?" kalabit ko don sa lalaking nakatalikod.

Well, Physical Education ang unang subject ko ngayon. And i don't like it.

"Samahan na kita miss, doon din iyong punta ko, eh," sagot naman ng lalaki.

Tinignan ko muna sya, kung mapagkakayiwalan ba ang mukha, baka kasi saan pa ako nito dalhin eh!

Nauna na syang maglakad kaya wala na akong choice kundi sumunod.

Umakyat kami hanggang sixth floor (rooftop) gamit lang ang hagdan. Hindi kami nag elevator. Wala bang elevator dito?

Kaya pag dating doon, hingal na hingal na ako.

"Miss, andito na," sabi ng lalaking hindi man lang mababakas ang pagod sa mukha! Seriously? Hindi sya napagod?

"Salamat kuya." Kahit hingal pa din ako nagawa ko pang mag pasalamat. Ngumiti lang iyong lalaki at aalis na sana, nang bigla ko syang tawagin.

"kuya!"

Napalingon sya.

"May tanong lang ako."

"hm? Ano yun?" Aniya habang papalapit sa'kin.

"Sira ba iyong elevator nila dito ngayon?" tanong ko, nakakapagod kaya mag lakad.

"hindi naman," sagot nya.

Nalaki ang mata ko.

Seriously? Umakyat kami mula groundfloor hanggang roof top?
At ngayon hingal na hingal, tapos pwede naman palang mag elevator?

"May phobia kasi ako sa elevator kaya naghahagdan lang ako," napakamot sa ulong sabi niya.

Ha? Nakakabasa ba sya ng isip? Pero, grabi talaga, napagod talaga ako, haggard na tuloy yung mukha ko. Pwede naman kasing sabihing, sumakay ka ng elevator hanggang 6th floor. Nandon ang Gym.

My Bisaya Slave (COMPLETED) GXGWhere stories live. Discover now