Huwag Tumitig sa Labi

6.5K 211 13
                                    


Lyka's POV

Nang bumalik na sa normal ng pagtibok ang puso ko.
Tinignan ko siya ulit ang mahimbing pa rin na natutulog na si Denden.
Iyong mga mata niyang chinita.
Yung ilong niyang matangos at yung...

At yung ...

Manipis niyang mga labing...

Gusto kong halikan ulit.

Pero, binawi ko yung tingin ko ng biglang tumunog ang phone niya.

(~anhia ko diri sa balay,
kay gimingaw na ko nemo gamay~)

Naramdaman kong gumalaw siya, humikab at nag unat. At hinanap ang maingay niyang cellphone.

(~ayaw na pag dugay-dugay, pagdali nag anhi kay~)

"Hello, ate Rose" malungkot na sagot niya sa tawag.

Tahimik lang ako

"Sorry, hindi ako makaka punta," walang buhay na sabi niya at tumingin sa'kin. Na parang sinisisi ako.

Ayaw ba niya tumingin sa labas kung nasan kami?

"Ahh, ehh kasi, ahm, inatake na naman kasi si Lyka ng sakit niya eh." pagdadahilan niya. 
Arg! That epilepsy thingy.

Tsaka pa siya tumingin sa labas. At napabalikwas.

"Teka wait!" gulat na sabi niya.

"Psh." inagaw ko ang phone niya at kinausap si Ate Rose niya. Nagulat si Denden sa ginawa ko pero hindi na nagsalita pa.

"Bakit tayo nandito?" Narinig kong tanong niya.

"Hi ate Rose, happy birthday po" masiglang bati ko. At nakiki ate narin ako.

(Lyka?)  sagot ng kabilang linya.

"Yes po, actually, andito na kami sa labas. Nakalimutan na ata ni Denden yung papasok sa inyo. Pasundo nalang po kami. Salamat!" deritsong sabi ko.

"ahh. Sige!" alam ko nagulat din yung ate niya. Kaya in-end ko na ang call.

Tsaka ko tinignan ulit si Denden na naka titig  na pala sakin.

"What?" tanong ko.

"p-paano mo. Paano mo nalaman?" tanong niya.

"Sinabi ni Mayor" sagot ko at tumawa.

magsasalita pa sana siya ng biglang may kumatok.
And i think it's ate Rose na.

Lumabas na ako para batiin siya.

"Hi po, happy birthday ulit," bati ko ulit at nag beso.

"Thank you. Buti at naka punta kayo. Nasan si Denden?" tanong niya.

Narinig kong bumukas ang pinto.

"I'm here!" si Denden sabay tuwang tuwang yumakap sa ate niya.

"Happy birthday! Ate!"

"Salamat . Tara na sa Loob." anyaya ng ate niya.

"Teka wait. May dala pala kaming cake, at regalo ate Rose" singit ko.

"Meron?" sabay nilang sabi.

Huh? Hindi ba talaga na figure out ni Denden na sa ate niya yung mga pinagbibibili namin?

My Bisaya Slave (COMPLETED) GXGHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin