Movie

7.5K 232 8
                                    

Lyka's POV


One week na din simula noong pumasok ako dito...

Kasalukuyan akong nasa library dahil hinila nalang ako bigla ni Tricia. Sobrang bored na bored akong inaantay iyong oras ng susunod na klase ko.

Nasan na kaya si Denden? Bakit kaya hindi sya pumasok noong friday?

Miss ko na tuloy siya.

Hah? Ano ulit yung sabi ko?
Hell NO!. Bat ko naman sya mamimiss? Like duh! We're not even friends!

Sa pag-iisip kong iyon, napangiti ako sa sarili ko at napa iling.

Nababaliw na ata ako, kinakausap ko na sarili ko.

"Lyka, ano yang binabasa mo ba't ka ngumingit-ngiti dyan?" curious na tanong ni Tricia.

Agad kong tinignan ang cover ng librong hawak ko.

"Fifty shades of Grey" basa ko sa title nito.

Bigla namang nanlaki ang mata nya. Bakit? Ano bang meron sa book na to?

"Anong chapter kana?" tanong nya.

"Page 1 pa lang" well yeah honestly, as I have said, hindi ko trip ang pagbabasa.

Bagsak ang panga nya sa narinig.

"Isang oras na tayo dito, page 1 kapa? Seryoso?" nagpipigil na tawang sabi nya.

"Yes! anyway, kamusta iyong pinapatanong ko sayo kay Denden?" pag-iiba ko ng topic. At kunwari nilipat sa second page ang librong binabasa ko. Actually, hindi ko talaga sya binabasa, kunwari lang

"Ahh, oo nga pala, natanong ko na sya"

"oh? Anong sabi nya?"excited na sabi ko pero agad ko namang pinalitan ang expression ng mukha ko, baka kasi mabasa nya.

"well, sabi nya, pinoproblema nya daw iyong tuition fee nya. Wala daw syang magulang na nagtutustos sa kanya, at ngayon, kasalukuyan na syang naghahanap ng trabaho, pero, wala pa ring tumatanggap sa kanya." sabi nya, pero nakatutok pa rin ang mata sa librong hawak nya.

Oww! So! Kaya pala!
Yun lang pala problema nya.

Eh, paano kong bayaran ko na lang kaya. Para tapos na problema nya.

Pero, NO! For sure, mataas pride non.

Ano kaya pwede kong gawin?
Naramdaman kong may kumakaway na kamay sa mukha ko, kaya naputol ang pag-iisip ko.

"Hoy! Tulala ka na dyan!" narinig kong sabi nya.

"hah? Ahh, iniimagine ko lang yung eksena nila Christian Grey at Anastasia dito sa binabasa ko" opppsss! Wrong move! Laglag na naman kasi panga nya.

Bakit ba? Ano ba kasing meron sa librong to?

Hay naku! I-search ko na lang yung summary nito or papanoorin ko na lang movie nito. Balita ko ginawa na daw tong movie eh! Naiintriga na rin kasi ako eh.

_____________________
_____________________
_____________________

Sa Condo ko

Pagkarating ko sa condo, pabagsak akong nahiga sa kama ko. Napaka gloomy ko ngayong araw, kasi naman kasi, absent na naman si Denden.

Titigil na kaya sya? Tsk!

Gusto ko syang makita.
Oo na, inaamin ko na, miss ko na sya.

Haisst! Anong gagawin ko? tsk!

My Bisaya Slave (COMPLETED) GXGWhere stories live. Discover now