Enslavenent Agreement

7.2K 240 15
                                    

Lyka's POV

At kagaya ng plano namin. Nagsulat ako ng Enslavement Agreement.

Naka sulat dito yung mga kailangan nyang gawin at mga hindi dapat.

Napatawa na lang ako sa sarili ko nang ilagay ko ang

#7 Bawal mag boyfriend
#8 Bawal magpaligaw

Possesive ba ako masyado?

Ayy hindi!

Bakit ba? Akin na siya ngayon. At walang makakapigil sa'kin.

Bakit?

Dahil ako si Pabebe girl.

Chos! Hindi ah.

Teka! Bakit ko ba kinaksusap sarili ko?

Well, normal lang naman kausapin ang sarili eh.
Wag nyong sabihing in your entire life hindi niyo pa nakakausap sarili nyo!?

Aminin niyo sakin! Ang hindi umamin pangit! Chos lang.

So ayon nga, na print ko na ang agreement at perma nalang ni Denden ang kailangan.

Nabayaran ko na din iyong dapat bayaran. Well for the whole semester pa iyong binayaran ko ah. Para hindi na talaga sya maka tanggi.

*evil grin*

Pagka rating ko sa school, agad kong hinanap si Tricia.

San na ba yung babaetang yun?

Malamang nasa canteen na naman iyon.

Ay oo nga no, bat di ko iyon naisip agad?

Pumunta ako sa canteen, at hindi nga ako nagkamali. Hayysst. Kumakain na naman.

"Hoy! Ang aga mo namang lumamon dyan!" sabi ko sabay upo sa katapat ng upuan niya.

"Ano ka ba? Hindi kaya ako nag breakfast sa'min," pagrarason nya.

Like duh! Ikaw pa ba, hindi mag bebreakfast?

"Ano sabi mo?" tanong nya.

Luh! Nakakabasa sya ng isip?

"Kung sa tingin mo, nakakabasa ako ng isip, HINDI! Nakakabasa ako ng expression ng mukha!"

Nagkibit-balikat nalang ako. Ayaw ko na syang barahin. At may importante akong itatanong.

"Nakita mo ba si Denden?"

"Aba'y ewan ko. Ikaw ba nakita mo sya?" balik tanong nya.

"Tanga! Magtatanong ba ako kung nakita ko?" sabi ko sabay batok sa kanya.

Eh kasi eh, hindi nag iisip.

"Aray ko naman, maka batok ka naman, alam mo namang kumakain eh!" maktol nya.

"Bakit mo ba sya hinahanap?" tanong nya.

"Wala naman, may good news at bad news lang ako sa kanya," sabi ko sabay ngiti.

"Hah? Ano naman iyon?" tanong nya.

"Bakit? Ikaw ba si Denden. Secret lang iyon. Wag kang chismosa," sabi ko.

"Hindi ako tsismosa no, curious lang" depensa nya.

"psh!" binigyan ko lang sya ng 'duh' expression.

"teka! Diba ate yan ni Denden?" si Tricia sabay turo sa isang babaeng.

My Bisaya Slave (COMPLETED) GXGWhere stories live. Discover now