I sighed. Today, I wore a black tank top and a skinny jeans. Nakalugay ang aking medyo kulot na buhok at nakasuot ng flip flops.

Lumapit siya sa akin habang may walis siyang dala. “May asawa pala si Mr. Villacorta.” Humalakhak siya. “Hindi pala siya puwede malandi.”

Hindi ko siya pinansin at umupo na lamang sa upuan malapit sa pintuan ng opisina ni Ma’am Emma. Hindi pa kasi siya dumating dahil may nilalakad pa. Dala ko ang tote bag ko na naglalaman ng envelope.

"Bakit ka nga pala hindi naka-uniform? Feeling guest ka na rin dito?” Umirap siya sa akin.

Tiningnan ko siya. “Ano naman sa iyo? Surely, you will be happy about what I am about to do today.” Peke akong ngumiti sa kanya at nang nakita si Ma’am ay sinalubong ko agad ito.

Nagulat pa siya nang makita niya akong hindi naka-uniform.

“Good Morning, Ma’am!” bati ko.

Kumunot ang noo niya at saka kinuha ang susi sa kanyang bag. “Good Morning, Hazel.”

“Can we talk po?” magalang na tanong ko. “Sa opisina niyo po sana.”

Tumango siya at binuksan ang pinto. Napayakap ako sa aking sarili nang makaramdam ako ng lamig pagpasok namin sa opisina niya. Binuksan niya ang ilaw at binalingan ako. Sinara niya ang pinto.

“Halika, maupo ka,” aya niya sabay turo sa upuan malapit sa desk.

Tumango ako at humugot ng malalim na hininga.

“Hazel, seryoso ka ba rito?” gulat na tanong ni Ma’am Emma habang hawak-hawak ang resignation letter ko

ओह! यह छवि हमारे सामग्री दिशानिर्देशों का पालन नहीं करती है। प्रकाशन जारी रखने के लिए, कृपया इसे हटा दें या कोई भिन्न छवि अपलोड करें।

“Hazel, seryoso ka ba rito?” gulat na tanong ni Ma’am Emma habang hawak-hawak ang resignation letter ko.

Tumango ako at napayuko. “I’m sorry, Ma’am Emma. Aalis na kas ako sa isla. Hindi po kayo ang rason o kung sino man po rito. May malalim na dahilan po ako.”

Siguro para sa iba, mababaw ang desisyon ko. Pero para sa akin, malalim na dahilan ang dahilan ko. Ayaw ko na ulit makita si Zachary. Kasalanan niya na kung papaalisin niya mga tao roon. Habang buhay ko siyang kamumuhian kapag gano’n nga ang mangyayari. Binalik ni Ma’am Emma ang letter ko sa sobre at bumuntonghininga. Kitang-kita ko sa reaksyon niya ang paghihinayang.

“Okay, mukhang hindi na yata kita mapipigilan. Isa ka sa mga magagaling na workers dito. Hindi kita makakalimutan, Hazel.” Naglahad siya ng kamay sa akin para mag-shake hands. Tinanggap ko ito at nginitian siya ng tipid.

“Maraming salamat po sa lahat, Ma’am Emma.”

Mabigat ang dibdib ko nang lumabas ako sa opisina

ओह! यह छवि हमारे सामग्री दिशानिर्देशों का पालन नहीं करती है। प्रकाशन जारी रखने के लिए, कृपया इसे हटा दें या कोई भिन्न छवि अपलोड करें।

Mabigat ang dibdib ko nang lumabas ako sa opisina. Ang hirap ding bitiwan ang trabaho na ito pero kung mananatili ako rito, hindi uusad ang buhay ko.

“Gaga!” sigaw ni Joel mula sa malayo at nagmamadaling lumapit sa akin. “Grabe, aalis ka na talaga?”

Lumuluha niya akong tiningnan at pinalo pa ang balikat ko. Si Leah ay nakasimangot na sa akin. Napakagat ako sa aking labi dahil na-guilty ako. Iiwan ko na ang isla at iiwan ko na rin sila.

“Bakit ka nag-resign?” Pinahiran niya ang luha niya sa mata at sinamaan ako ng tingin. “Ang daya-daya mo! Iiwan mo na kami?”

Niyakap ko silang dalawa at napangiti. Tinapik ko ang likuran nila at humiwalay. Nagtatampo pa rin ang mukha ni Leah samantalang umiiyak naman si Joel. Ang OA ng mga ito, hindi naman ako mamamatay.

“Uy, grabe kayo! Hindi naman ako mawawala. Puwede niyo pa rin naman ako bisitahin o hindi kaya tawagan.” Ngumiti ako at kinurot ang tagiliran nilang dalawa. “At saka, invited kayo sa birthday ng anak ko. Hindi kayo mawawala.”

“Sabi mo iyan girl, ah!” Ngumuso si Joel. “Ikaw na nga lang mapagchikahan ko ng chismis, eh!”

“Mami-miss namin si Zellor, Haze,” si Leah sabay hawak sa braso ko. “Kapag may oras kami, bibisita kami.”

Tumango ako at ngumiti muli sa kanila. Bago ako umuwi ay naglibot-libot muna ako sa buong resort. Hindi ko kasi nalibot lahat at tingin ko huling pagkakataon ko na umapak dito. Napangiti ako nang maalala ko ang mga memories namin nila Joel at Leah. Noong first time kong dinala ang anak ko sa resort ay pinagkaguluhan ang anak ko. Halos hindi na nga siya ibigay sa akin ng mga katrabaho ko dahil super cute raw ng anak ko.

Nang nakita ko ang pool area ay pupunta na sana ako roon ngunit natigilan ako sa nakita. Parang tinusok ng karayom ang puso ko nang nakita ko silang dalawa na naliligo sa pool, magkayakap.

Para akong nabunutan ng tinik sa nakita. Sumikip ang dibdib ko at napaatras. Nagsimulang nanubig ang mata ko at nanginig ang kamay ko. Kapag ibubuka ko ang bibig ko ay walang lumalabas na salita. Nagkabalikan na ba sila? Natauhan ba si Zachary?

Tumulo ang luha ko at mas lalong napaatras. Ito ang gusto mo, Hazel, hindi ba? Ito naman talaga ang gusto ko noong una pa lang. Kaya wala akong karapatan na umiyak. Dala ang bigat sa aking dibdib ay tuluyan ko na silang tinalikuran.

Her Secret (COMPLETED)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें