Epilogue:

32.6K 883 113
                                    

DAWN:

LUMIPAS ANG PANAHON.

Nakasandal ako sa sofa habang hawak-hawak ang kape.

"Dawn baka gusto mo namang sumama sa 'kin at lumabas tayo paminsan. Lumalaki na si Sean, habang buhay mo na lang bang ikukulong ang sarili mo kay Liu?" Si Mei ang nagsalita.

Napatingin ako rito at ipinatong ang tasa ng kape.

"Pinili kong makulong sa pagmamahal ko kay Liu."

"Dawn naiintindihan kita. Pero paano ang anak niyo ni Liu? Don't you think it's about time to move on?"

Napakunot noo ako. Hindi ko nagustuhan ang huling salitang sinabi nito. Move on? Alam ba n'ya kung gaano ko sinubukan noon na pakawalan si Liu pero bigo ako. Liu is everything to me.

"Mei naalala mo ba noong gabing sumulat ako ng liham para kay Liu?" Tanong ko. Matagal na panahon na ito.

"Noong gabing kabilugan ng buwan at payapa ang kalangitan." Nabanggit ko ang pangyayareng 'yon kay Mei dahil nang matapos kong isulat ang pamamaalam ko kay Liu ay umihip ng malakas ang hangin.

"Yes. Naalala ko. Pero Dawn, that's impossible."

"Walang imposible sa mundo Mei. Umihip ang malakas na hangin matapos kong tuldukan ang lahat ng sa amin ng asawa ko."

"Anong ibig mong sabihin Dawn? Oo alam kong iba si Liu pero hindi s'ya Diyos na mabubuhay muli."

"You're wrong Mei. Hindi naman talaga Diyos si Liu. At mali ka, dahil hindi naman talaga namatay si Liu."

"Eto nanaman ba tayo? Dawn wake up! Hindi mo napapansing nauubos na ang oras na dapat ay ginugugol mo para sa anak niyo na si Sean."

"No Mei you wake up! Sabihin n'yo ng nababaliw ako pero paninindigan ko ito. Mahal ko ang anak namin ni Liu. I will do everything bumalik lang si Liu."

"Kaya ba ipinalabas mo sa Van Shen Group na comatose si Liu? Tapos ano? Wala kang maipakitang Liu sa kanila! Please Dawn bumalik ka na sa dati. Pati mga magulang mo kinalimutan mo. Ni hindi nila alam ano ba talagang nangyayare."

Hindi ko napigilan ang init ng ulo ko at nakapagsalita ng hindi maganda kay Mei.

"Alam mo tsaka na lang tayo mag-usap Dawn. Palalagpasin ko ang mga sinabi mo. Alam kong depress ka lang. Please mag pahinga ka at sana pag balik ko bumalik na 'yung Dawn na minahal ng lahat. 'Yung Dawn na minahal ni Liu.

Naiwan akong mag-isa. Napaupo muli ako sa sofa at napahawak sa 'king buhok. Hanggang kailan ba ako pahihirapan ng ala-ala mo Liu? Hanggang kailan?

HAPON nang maligo ako at mag-ayos. Naisipan kong sumama kay Manong Albert para sunduin si Sean sa school. Gusto kong bumawi sa anak ko. Naging mailap na ito sa 'kin gawa nang pagiging abala ko sa ibang bagay.

"Hija nandito na tayo." Napukaw ang atensyon ko nang magsalita si manong. Nakita ko agad si Sean na nakasimangot habang nakapamulsa at nasa tabi ng gate. Wala s'yang ipinagkaiba kay Liu.

Kaagad akong bumaba at nakita naman ako ni Sean na hindi nagbabago ang emosyon.

"Sean anak what happened?" Doon ko nakita na may pasa ito sa gilid ng kanyang mga labi.

"Nakipag-away ka nanaman ba?" Hindi ito umimik. Hinawakan ko ang mukha n'ya ngunit umiwas lang ito.

"Sean patawarin mo ako. Babawi ako sa 'yo pangako anak." Hindi ko akalaing totoo ang sinabi ni Mei at napapabayaan ko na nga si Sean.

Tumingin sa 'kin si Sean at nagulat ako nang kumislap ang kanyang mga mata. May puot at galit ito gaya ng kay Liu kapag nagagalit. Ngunit saglit lang na naging dugo ang nga mata nito at bumalik din sa walang buhay na itim.

After Dark: My Aloof Husband 1 ✔Where stories live. Discover now