Kabanata 20.

33.4K 1K 73
                                    


DAWN:

HIS eyes turned into blood red again, fierce with a hint of crimson. Hindi ako namamalikmata. Totoo ang nakikita ko ngayon. His hair slowly changing in color. Unti-unti itong naging kulay abo. His skin pale as freshly poured milk and fangs protruding over his thin blue lips.

He stood up and kept his distance from me. Umiwas ito ng tingin at akmang aalis nanaman nang hilahin ko ang laylayan ng kanyang damit. He glanced back at me with a stunned look.

"Who are you really?" Kumawala muli ang malakas na pagkabog ng aking puso. Hinigpitan ko ang paghawak sa kanyang damit. Hindi ko inaksaya ang panahon. I have to know the truth behind his secrets. Hinawakan n'ya ang kamay ko pabalik. Nagulat ako nang mag mistulang sing lamig ito ng yelo.

His purple lips began to open. His sharp eyes looked puzzled. Tila gulong gulo ang kanyang isipan.

"I told you that if you ever found out what I really am you won't like it. Baka pagsisihan mo."

"I have to know!" Hindi ko napigilan ang pag taas ng aking boses. Lumapit ito sa 'kin. Our faces within inches of each other. Naramdaman ko ang init ng kanyang pag hinga na dumampi sa 'king balat. Dumampi sa 'kin ang kanyang malamig na palad.

Dinama ko iyon. Napapikit ako nang humaplos ito na parang hinahaplos din ang aking puso.

"I'm not like what you think. I'm different. Different from you." Malumanay n'yang sabi. Paos ang boses nito na para bang tinatakasan ng lakas.

I opened my eyes and look at him. Unti-unting bumalik sa dati ang lahat. His red eyes became black as well as his grey hair that regressed back to it's normal color.

"Liu, tanggap ko naman. Tanggap kong iba ka."

"What if I tell you that I'm not human? Would you accept me?" Seryoso ang mga mata nito.

"Yes. Whatever you are. I will accept you because I do love you." Then tears fell into his eyes.

"I love you Liu..."

"And I love the monster inside you."

"Thank you… I do love you Dawn. And I'm afraid to hurt you."

"Don't be my love. I trust in you." Sabi ko.

Hindi ko namalayang tumutulo na rin pala ang mga luha sa 'king mga mata. He cupped my face and gave me a warm soft kiss. I started to kiss him back while his hands exploring my body.

Nagising ako nang gabing marinig ko ang pagsigaw nito. Sigaw ng pangalang pamilyar sa 'king pandinig.

"Liu." Kaagad ko s'yang ginising at kaagad din itong dumilat at hinawakan ako sa 'king leeg.

"Liu nasasaktan ako!" Kumintab ang kanyang mga mata at ito ay naging kulay dugo. Nawala rin agad iyon nang mahimasmasan s'ya at lumuwag ang pagkakahawak sa 'king leeg.

"I'm sorry." Nanginginig ang kanyang mga kamay. Pawis na pawis ang buong katawan nito dala marahil ng masamang panaginig.

Tumalikod ito sa 'kin na nakayuko at nakahawak ang dalawang kamay sa buhok. Lumalatay ang sinag ng buwan sa buo n'yang katawan at kitang-kita ang mga pilat nito.

Niyakap ko s'ya mula sa likuran na s'yang ikinagulat n'ya.

Who's Riya Chan? Ani ko sa 'king isipan dahil iyon ang pangalang kanyang isinisigaw.

KINABUKASAN ay maaga akong nagising. Naabutan ko si Liu na nakapatong ang dalawang kamay sa lababo habang nakayuko ang ulo. I frantically ran towards him. Namumutla ito at alam ko na kung bakit.

After Dark: My Aloof Husband 1 ✔Where stories live. Discover now