Kabanata 21.

32.4K 961 37
                                    

THIRD PERSON'S POV:

TAHIMIK na nakaupo si Liu sa kanyang swivel chair nang maalala ang tungkol sa kanyang panaginip.

There's a woman screaming in a dark forest.

"Lumayo ka sa 'kin! You're a monster! Pinatay mo ang papa!" Galit na galit ito habang hawak ang matalim na espada na pagmamay-ari ng yumaong ama.

There's a tall man with blood stains from his mouth, hands and body. His eyes are crimson glistening in the moon light. He walked slowly towards with a curious look.

"Stay away!" Nanatiling galit ang tono ng boses ng babae. Hindi s'ya magdadalawang isip na iturok ang hawak na sandata sa puso mismo ng lalaki. Her hands are trembling while holding sharp object.

Nanlaki ang mga mata nito nang hawakan mismo ng lalaki ang espada at itinurok sa bandang dibdib nito. Tumulo ang napakaraming dugo. The white shirt his wearing turned red from his own blood.

"Riya, I did not kill your father."

"Liar! You're lying!" Sigaw nang nag-ngangalang Riya at mas ibinaon pa ang espada sa dibdib ng lalaki.

Muling kumislap ang mga mata nito dahil sa sakit na dulot ng espadang malapit na sa kanyang puso. His fangs grating from pain and everything went black.

Napabalikwas ng bangon si Liu sa kanyang masamang panaginip. Hindi n'ya kontrolado ang sarili at hindi agad nakilala ang babaeng kanyang katabi. He suddenly choke his wife upon waking up from a nightmare.

BUMALIK ito sa ulirat nang pumasok sa loob ang asawang si Dawn.

DAWN POV:

"Liu who is Riya Chan?" Biglang nag iba ang timpla ng mukha nito. Ibinaba ang barakong kape. Kung nagtataka kayo, iyon lamang ang p'wede sa kanyang katawan. Tumikhim s'ya ng malalim. Nangunot ang noo at tumingin sa 'kin.

"Where did you hear that name?" Tila kinakalma ang sarili.

"Kagabi. Narinig ko kagabi na isinisigaw mo ang pangalan na 'yon." Hindi lang naman isang beses ko itong narinig. Una kong narinig ang pangalang 'yon sa kapatid n'yang si Riku.

Hindi nag salita si Liu at tumingin sa bintana. Hinilot nito ang batok na tila nangalay dahil sa kanina pa s'ya nag babasa ng diyaryo.

"I'm tired Dawn. Can we not talk about Riya." Kaswal ang pagkakasabi n'ya. Hindi ko ugaling manghimasok sa pribadong buhay ni Liu. Kung ayaw n'yang pag usapan ang tungkol doon ay irerespeto ko.

"I'm sorry." Napayuko ako.

"Don't be sorry. It's not that I don't want to talk about it, she's not important that's why." Pagbibitiw n'ya ng salita habang sa malayo nakatingin.

"Okay." Humingi na rin ako ng paumanhin. Hindi na kasi bumalik ang magandang mood ni Liu kaya't nagpaalam na rin ako at nag tungo na lang sa kusina. Wala rin naman akong pasok ngayon. Wala rin si Auntie Celda dahil naka day-off ito. Ang mga bagong katulong naman ay nasa kani-kanilang mga silid dahil sa ayaw ni Liu ng pakalat-kalat.

Nagmukmok ako sa kusina. Nilantakan ang chocolate cake sa ref na binili ko pa. Hindi rin naman makakakain si Liu dahil nga sa bawal s'ya.

'I'm sorry.' Halos malunok ko ang buong kutsara nang marinig ang katagang 'yon sa isip ko. Lumingon lingon ako sa paligid pero walang tao.

'Gano'n na ba kalakas ang tama ko sa 'yo Liu at naririnig na kita ngayon sa isip ko?' Sabi ko sa 'king isip.

'I'm sorry Dawn. I know you can hear me.' Muling rumihistro ang kanyang boses sa isip ko.

After Dark: My Aloof Husband 1 ✔Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora