Kabanata 13.

35K 1.1K 83
                                    

The Party

MAGKATABI kami sa loob ng sasakyan habang si Manong Albert naman ang nagmamaneho. Papunta kami ngayon sa White Sphere Castle na pagmamay-ari ng isang tsino. Sikat na kaibigan ni Liu at malaki ang pangalan sa larangan ng negosyo, si Mr. Fei Yuang.

Tahimik kong pinagmamasdan ang repleksyon ni Liu mula sa salamin habang tahamik lang din itong nakatanaw sa malayo. Ano kayang iniisip n'ya? Hindi s'ya ang tipo ng tao na pala salita. Sadyang napaka tahimik at misteryoso nito.

Lumingon ito mula sa pinanggalingan ko at nagtama ang tingin naming dalawa habang nakatanaw lamang ako sa salamin ng bintana. Ngumiti naman s'ya at hinawakan ang kamay ko tsaka ito hinila palapit sa kanya.

"I feel as if you're too distant." Aniya. Hindi naman ako nakaimik sa malalim na pananalita n'ya. Para bang may iba pa itong pinapahiwatig bukod sa literal na malayo ako mula sa kanya.

Doon na nagsimula ang pakiramdam na hindi maipaliwanag. Hindi ako mapakali sa bawat titig n'ya sa 'kin. Iniiwasan ko ang mga iyon hanggang sa makarating kami sa aming destinasyon.

Bumaba si Manong Albert at kinuha ang wheel chair sa likuran ng sasakyan.

"No let me handle myself." Ani ni Liu at tumangging gamitin ang wheel chair. Nag alala naman ako para dito. Manong Albert handed the cane to Liu. Hindi s'ya gagamit ng wheel chair ngayong gabi.

"Liu." Tawag ko dito. How can he manage himself?

"It's okay." Aniya at tumayo na mula sa pagkakaupo. Hawak hawak nito ang cane na gagamitin n'ya para makapag lakad ng maayos. Hindi ako nag salita at tinitigan si Liu habang dahan dahan naman itong humakbang para umabante.

Napahawak ako sa 'king bibig. He can manage to walk not as fast but you will see the progress. Humawak ako sa kanyang bisig at sabay kaming naglakad papasok sa loob.

It's too crowded. Makikita mo ang mga bigating mga tao. I saw Riku walking towards us with his black tuxe that's suits him so well.

"Guys you came. Liu nice seeing progress from you." Nakangiting aniya. Tumango lamang si Liu bilang sagot dito.

"Let's have a toast?" At iniangat nito ang hawak na alak. Dumaan ang isang waitress at binigyan kami ng redwine ni Liu.

"Sorry I'm allergic to alcohol." Ani ko. Kinuha naman ni Liu ang hawak kong baso at ibinalik sa waitress.

"Do you want something?" Tanong nito.

"Juice na lang."

"We have orange juice ma'am." Ani ng waitress.

"Sure that's fine with me." At umalis na ito.

"Mr. Van Shen, finally you came. It's nice to see you here." Ani ng isang matandang lalaki. Lumapit ito para makamayan si Liu. Tumabi naman ako saglit nang mas lumapit pa ang matanda.

"Mr. Fei Yuang." Ani ni Liu habang nakikipagkamayan. Nagsimulang mag tinginan ang mga tao nang kanilang malaman ang pag dating ni Liu.

"Oh who is this beautiful young lady?" Tanong ni Mr. Yuang. Hindi ko alam ang isasagot lalo pa at sekreto lamang ang pagpapakasal ko kay Liu.

"She's my wife." Direktang sagot naman ni Liu.

"Woaaaah."

"Really? Mr. Van Shen is already married."

"Who's the lucky girl?"

"Let's take a look closer." Nagsimulang mag bulong bulungan ang mga tao. Ang mga kababaihan ay sa akin na nakatuon ang atensyon at sinuri ako mula ulo hanggang paa. Nakaramdam ako bigla ng tensyon nang ako mismo ang usap usapan ng halos lahat.

After Dark: My Aloof Husband 1 ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon