Kabanata 6.

39.6K 1.1K 65
                                    

THIRD PERSON'S POV:

HINDI makatulog si Dawn nang sandaling 'yon. Malaki ang pagitan nilang dalawa ni Liu sa iisang kama. Nag tatabi naman sila ngunit iba ngayong gabi. Maraming bumabagabag kay Dawn at malakas ang tibok ng puso. Isipin pa lang nito na katabi niya sa pag tulog si Liu ay nag wawala na ang puso niya.

Ilang sandali pa ang lumipas. Naramdaman nito ang pag galaw ng kanyang katabi at alam niyang nakaharap ngayon ang asawa sa kanya. Walang ano anong hinila siya ni Liu at niyakap.

Pumikit ng mariin si Dawn habang nasa mga bisig ng asawa. Nasa ganoong posisyon pa rin ito at nanigas na ang buong katawan dahil sa labis na kaba. Ramdam na ramdam din niya ang malakas na pagkabog ng puso ni Liu mula sa kanyang likuran.

Wala ng usap usap pa. Hinalikan siya nito sa ulo at mas hinigpitan ang pagkakayap.

DAWN:

Masakit ang ulo ko nang magising kinabukasan. Paano ba naman ako makakatulog ng gano'n? Buong gabi lang naman nakayakap sa'kin si Liu mula sa likuran.

Kaagad siya ang hinanap ko ngunit wala na ito sa buong kwarto. Pag baba ko ay naroon si auntie at nag hahain na.

"Hija kumain kana muna bago pumasok." Alok nito.

"Si Liu po?" Siya agad ang unang pumasok sa isip ko.

"Maagang pumasok ang Young Master hija."

"A gano'n po ba. Auntie ano ba ang paboritong pag kain ni Liu? Wala kasi akong pasok ngayon balak ko sanang bumisita sa kompanya."

Tumingin sa 'kin si auntie matapos mailagay ng wasto ang mga pinggan.

"Nako ayaw na ayaw ng Young Master na dalhan ng makakain. Kung gusto mo puntahan mo na lang siya at ipah timpla ng kape." Nakangiting sagot ni auntie.

Napakunot noo ako. Pupunta lang ako para ipag timpla ng kape? Mas maganda siguro kung makakain na lang.

Naligo na ako at nag ayos. Nakita ko naman si manong Albert sa labas kaya magpapahatid ako sa kompanya ni Liu. Hindi ako nakinig sa suhesiyon ni auntie at hawak hawak ko ngayon ang isang tupperware na may ulam na adobo.

Alam kong magugustuhan niya ito. Wala pang taong nakapag sabi na panget ang lasa ng adobo ko. Ito kasi ang specialty ko na palaging nire-request ng papa at mama.

"Manong sa Van Shen Company tayo." Kaagad namang pumayag sa utos ko si manong at kasalukuyan na kaming nasa daan. Hindi ko alam kung ite-text ko si Liu o isu-surprise ko na lang?

Naisip kong itext siya dahil baka nasa meeting ito o kaya naman ay abala sa mga gawain.

To Liu:

"Hi i'm on my way sa company may surprise ako sa'yo."

Ilang minuto akong nag antay. Hindi ito sumagot sa text ko kaya't nalungkot ako. Hindi ko na dapat siya tinext dahil nakakahiya. Maya maya lang at nasa tapat na ako ng kompanya nang tumunog ang phone ko.

"Okay." Iyon lamang ang tanging sagot niya. Napangiti naman ako kahit na simpleng 'okay' lang ang reply nito sa 'kin.

"Excuse me ma'am ano po ang sadya nila?" Tanong ng isang magandang babae nang makapasok na ako sa loob.

"Hi i'm looking for Mr. Van Shen." Nakangiti kong tanong dito.

"May appointment po ba kayo kay Mr. Van Shen?"

"A wala e."

"Mam you have to settle an appointment first." Nalungkot ako sa sinabi nito. Ibig bang sabihin no'n ay hindi ako makakapasok sa opisina ni Liu? Paano naman ang adobong niluto ko?

After Dark: My Aloof Husband 1 ✔Where stories live. Discover now