Kabanata 11.

36.2K 1K 85
                                    


DAWN:

NILALAMIG ako dala ng aircon sa loob. Kailan ba ako makakalabas? Nananakit na ang aking mga binti sa lamig. Naiiyak na ako. May makakakita pa kaya sa 'kin dito?

Ilang sandali pa ang inilagi ko. I felt the pain surging through my body until i was numb. Nakasandal ako habang nakaupo. Hindi ko na maigalaw ng tuwid ang aking mga binti. I'm losing hope to get out of here.

Until I heard someone coming. Pinilit kong tumayo kahit na hindi ko kaya. Kinalampag ko muli ang pinto hanggang sa mag kapasa pasa na ang mga palad at daliri ko. Hindi ko na ininda ang sakit.

"Tulong!" My voice becoming hoarse. Kanina pa ako sumisigaw hanggang sa manakit ng husto ang aking lalamunan.

"Can somebody help me please!" Sinikap ko pa rin lakasan ang boses ko hanggang sa may pumasok na ng tuluyan sa loob.

"Sino 'yan?" Boses ng janitress namin.

"Ate please pakibukas ang pinto."

Kaagad naman itong rumesponde at binuksan ako sa loob.

"Susmaryosep! Ms. Feng ano po ang nangyare sainyo?"

Inalalayan akong makatayo nito ngunit nanghihina talaga ang mga tuhod ko sa tagal kong nakaupo.

"Ms. Feng anong oras na bakit kayo nakulong dito?" Tanong nito sa 'kin nang biglang pumasok si Myline na natataranta.

"A-ako ng bahala sa kanya." Namumutla ito.

Napakunot noo ako. Kung hindi lang ako nanghihina ay talaga namang susupalpalin ko ang babaeng 'to. Hindi ako sanay na ma-bully at hindi ko naranasan 'yon kailan man. S'ya pa lang ang bukod tanging gumawa sa 'kin ng kawalanghiyaan.

"Don't touch me!" Pagpupumiglas ko.

"Dawn please lumabas na tayo." Bakas ang takot sa mukha nito.

Nagtataka naman ang janitress sa aming dalawa kaya hindi ako iniwan nito.

"Mam Myline ako na ang bahala kay Ms. Feng."

"Ako na nga sabi e. Ikaw janitress ka lang at asikasuhin mo ang trabaho mo maliwanag?" Tsk hindi pa rin nag babago ang masamang ugali n'ya.

Humakbang ko pa abante ngunit hinawakan nito ang braso ko para ilagay sa balikat n'ya.

"What are you doing! Stop!" Gusto kong itulak ang babaeng ito ngunit nangibabaw ang panghihina ko. My stomach hurts because of hunger. Kanina pa ako nakakulong sa cubicle.

Pilit n'ya akong inaalalayan hanggang sa makalabas kaming dalawa.

Natigilan kami nang makita si Liu at matapang ang mga mata nitong nakatitig kay Myline. Naroon din si Manong Albert pati si Mei.

"Give me back my wife." He said with his vigorous looks.

Biglang dumating si Madam Jiang na hinihingal at mukhang kumaripas pa ito ng takbo.

"Ms. Jiang, i don't want to see her inside your company. Make sure to fire this woman." Malamig ang boses nito. Napayuko naman si Madam Jiang.

"Mr. Van Shen we're really sorry about what happened."

"I don't need your sorry. Just do what I want." Seryosong ani ni Liu.

"Mr. Van Shen sorry!" Nag lumpasay si Myline sa sahig at gumapang papunta sa nakaupong si Liu.

"I'm very sorry. Please don't fire me." Humawak na ito sa laylayan ng pang ibaba ni Liu.

"Don't touch me with your dirty hands." Walang emosyong ani ni Liu. Umiyak nang umiyak si Myline at hindi ito sumuko. Patuloy ang pag hingi n'ya ng tawad kay Liu.

After Dark: My Aloof Husband 1 ✔حيث تعيش القصص. اكتشف الآن