Kabanata 16.

34.2K 1K 63
                                    

DAWN:

I KEPT PACING back and forth. Nasa white house na ako ni Liu at nasa kwarto namin. Wala pa ito dahil maaga akong pinauwi ni Madam Jiang dahil sa proposals. Napaupo naman ako saglit nang humilab ang kirot sa 'king pang ibaba. Gumapang ang pag init sa aking pisngi nang maalala ang kagabing pinag saluhan naming dalawa.

Napasandal ako sa malambot na couch at ipinikit ang mga mata. Nawala sa 'king isipan ang about sa proposals nang muli kong maisip ang mga labi ni Liu. I can still feel his lips on my skin. Ang mainit n'yang mga labi na nagpabaliw sa 'kin at hanggang ngayon ay nagpapabaliw sa 'kin. I touched my lips. I can still feel his tongue. Napalunok ako nang muli kong maramdaman ang mainit na mga labi na s'yang nakapalat ngayon sa 'kin.

I'm not dreaming I know. Gano'n na ba talaga kalakas ang epekto sa 'kin ni Liu para maramdaman ko muli ang mga halik nito? Dahan dahan akong nag bukas ng mga mata. I was shocked when I saw him. Naka yuko ito at nanatili ang mga labi sa 'kin. Matapos n'ya akong hagkan ay dumilat na ito. Kitang kita ko ang repleksyon sa itim n'yang mga mata.

"Liu nakauwi ka na pala." Iniba ko ang usapan dahil baka hindi ko makayanan. Masyado s'yang malapit sa 'kin at aminado akong nakakaakit ito.

Niluwagan n'ya ang neck tie at naupo sa table na katapat ng couch. Isinandal n'ya ang cane na hawak sa babasaging pader at hinawakan ang aking mga kamay.

"How's your day? Does it still hurt?" Napaawang ang aking mga labi. Gumapang ang ka ba sa 'king dibdib. Muling nauungkat ang nangyare sa amin kagabi.

"I-Im fine." Why can't I manage to talk properly? Dahil ba sa epekto ng lalaking ito sa 'kin?

Hinawakan n'ya ang aking pisngi tsaka ito hinaplos.

"I know you're still hurt down there. I'm sorry." At hinalikan ang aking mga kamay.

"No. Normal lang naman sa mga mag asawa ang mag-sex e." Napatakip ako sa 'king bibig. Oh God Dawn! Anong pinag sasabi mo? He smirked at me. Ang Liu na hindi mo kakikitaan ng ano mang ekspresyon ay ibang iba na ngayon.

"I'ts okay. We can talk about se-" Pinutol ko ang kanyang sasabihin. Nakakahiya!

"Liu stop." Napayuko ako sabay takip ng mukha. Nahihiya parin ako sa nangyare saming dalawa. Nakita na n'ya ang hubad kong katawan. Tapos... tapos kanina! Kanina pag gising ko ay may tuyong laway sa gilid ng labi ko! Ano kayang reaksyon n'ya? Nakaawang pa naman ng bahagya ang mga labi ko kapag natutulog! Mabaho kaya ang hininga ko kanina? Ano kaya ang ginawa n'ya? Oh Lord! Ngayon ko lang 'yon naisip!

Hinawakan naman n'ya ang magkabilang pulso ko at tinanggal ito sa pagkakatakip sa 'king mukha.

"Whatever you're thinking it won't affect me. You're beautiful in my eyes Dawn. Nag iisa ka lang sa mga mata ko."

Umurong na ang dila ko nang bitiwan n'ya ang mga katagang hindi ko alam kung ano ang dapat sabihin.

"Dawn." Iba ang dating sa 'kin nang muli n'yang pag banggit ng pangalan ko. Tumaas ang balbon ko sa tuktok ng batok at may nararamdamang kakaibang kuryente na kumikiliti sa 'king buong sistema.

Nag angat ako ng tingin dito. Ang itim na itim n'yang mga mata na nasisinagan ng ilaw sa labas ay tila nakaka hipnotismo. Lumandas sa 'king mga labi ang mga titig na 'yon at muling umangat sa 'king mga mata. Magkatitigan lamang kami nang bumuhos ang malakas na ulan sa labas.

Napalingon ako sa bintana nang hawakan n'ya muli ang dalawang mukha ko. Sa pagkakataong mapalingon ako sa gawi n'ya ay walang pagdadalawang isip na siniil ako ng halik. Papalapit nang papalapit ang katawan n'ya mula sa kinauupuan ko. Awtomatiko namang bumaba ang sandalan ng sofa at naging higaan ito. Ngayon ay nasa ibabaw ko na si Liu at wala kaming tigil sa pagpapalitan ng mga halik.

After Dark: My Aloof Husband 1 ✔Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora