Kabanata 1.

56K 1.6K 180
                                    


Dawn:

AS I WALK through the aisle I see him in the middle waiting for me. Malalamig ang mga matang nakatuon lamang sa akin. Mga matang tila nangungusap. Every step I take and every breathe I take, he knows everything. Alam n'ya ang bawat kilos ko ngayong papalapit na ako sa kanya.

His brushed up hair makes him look handsome. Matatapang na mga matang sa akin ay nakatitig. Habang nakaupo ito sa wheel chair ay itinaas n'ya ang kamay sa tapat ng kanyang labi. He gripped his right hand. Ramdam ko ang tens'yon sa pagitan naming dalawa.

Muli akong nag lakad kasabay ng ritmo. Nagsipag tayuan ang mga bisita at manghang mangha nang makita na akong papalapit. I suddenly stop walking and thinking something. Anong magiging buhay ko sa mga kamay ng isang Van Shen? Ngunit naalala ko ang kasunduan. Malaki ang aming pagkakautang at kailangang ikasal dito ang isa sa amin ng ate.

Muli akong nag lakad hanggang sa makalapit dito. Hinawakan naman n'ya muli ang kamay ko. Malalamig ang palad nito na parang hindi normal. Muling naging blangko ang kanyang ekspres'yon at nanatili pa rin sa akin ang tingin.

"You will soon be able to have my last name." Napalunok ako sa binitiwan nitong salita tsaka nag simula ang seremonya.

SA ISANG IGLAP ay isa na akong ganap na Mrs. Van Shen. Masakit para sa'kin ang lahat. Masakit makita ang minamahal mong lalaki na masaya sa piling ng sarili mong kapatid.

Napukaw ang atensiyon ko nang hawakan ni Liu ang kamay ko. Masama ang mga titig nito kay Lee at alam kong may alam ito tungkol sa nakaraan namin.

"Ayokong tumitingin ka sa iba." Malamig ang boses nito. Napalunok ako sa gulat. Nahuli niya akong nakatitig kay Lee.

"I-Im sorry Liu." Hindi ito umimik at malamig parin ang mga titig kay Lee.

"Congratulations Mr. And Mrs. Van Shen." Nanggaling ito kay ate Kiara na malaki ang pagkakangiti. Sumunod naman sa kanya si Lee at mas lalong sumama ang mga titig dito ni Liu.

Nasa gitna kami ng kasayahan na ginanap sa pinaka kilalang hotel dito sa Pilipinas. Hindi umimik si Liu at pinindot ang awtomatiko nitong wheel chair at tumalikod.

"Congrats Dawn Feng - Van Shen." Malaki ang pagkakangiti sa akin ng ate. Napahiya man siya sa ginawang pagtalikod ni Liu ay hindi niya ito inalintana at mukhang nang aasar pa sa pagpapakasal ko dito.

"Ano pa ang gusto mo?" Pabulong na tanong ko dito.

"Masaya lang ako Dawn. Masaya ako dahil hindi natuloy ang pagpapakasal ko sa isang disabled na kagaya ni Mr. Van Shen." Masakit mag salita ang ate Kiara. Malakas itong mang husga lalo na pag dating sa pisikal na anyo.

Hindi basta lumpo si Liu. Isa siyang napakagwapong nilalang na nakaupo sa isang de gulong na upuan. Nakarating sa amin ang balita tungkol sa disgrasyang nangyare dito kaya siya nalumpo. Maraming mga kababaihan pa rin ang nagkakagusto sa isang Liu Van Shen kahit na hindi na ito nakakalakad pa.

"Ganyan ka na ba ate? Nakakahiya ka. Hindi ko akalaing ganyan ang magiging ugali mo matapos tayong tulungan ni Liu." Totoo naman. Babagsak ang kompanya ng papa at umutang ito ng malaking halaga kay Liu at kapalit ang pagpapakasal ko upang maisalba ang kompanya.

"How dare you!" Sa sama ng pag uugali nito'y nagawa niyang i angat ang kamay para sampalin ako.

"Try it and see what I'm gonna do with you." Malamig na pagkakasabi ni Liu. Namutla naman ang ate Kiara maging si Lee. Alam nila kung anong klaseng tao si Liu. Alam nila kung paano ito magalit.

"Mr. Van Shen, huwag naman sanang ganyan ang pakikitungo mo sa anak kong si Kiara. Bilang magulang ay nakakabastos ito sa akin." Biglang nag salita ang papa na kanina pa pala nasa likuran ko.

After Dark: My Aloof Husband 1 ✔Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt