Kabanata 3.

48K 1.3K 108
                                    


"Dawn i'm over here!" Nakita ko agad ang kaibigan kong si Mei. Kumakaway ito sa gawi ko nang makapasok na ako sa loob ng HuanChu Corporation. Isa ito sa may pinakamalaking kompanya sa buong Asia.

"Dawn mabuti naman at dito mo naisip mag-apply." Salubong sa 'kin ng kaibigan ko. Si Mei Xin ang matalik kong kaibigan simula kolehiyo. Alam din nito ang tungkol sa amin ni Lee Boufen.

Umiinom ako ng iced coffee nang ungkatin ni Mei ang relasyon ni Lee at ate Kiara.

"Grabe hindi ko akalain na gagawin sa 'yo ito ni Kiara. Kaibigan ko rin siya pero bakit nagkaganito?

Kasalukuyan kaming nasa cafeteria ng HuanChu.
Hindi agad ako nakakibo nang marinig ang mga pangalan nila habang kasalukuyan kaming nasa cafeteria ng HuanChu.

"Sino naman ang napangasawa mo?" Pag iiba niya at kaagad kong tinakpan ang bibig ni Mei. Hindi naman kasi alam ng lahat ang pagpapakasal ko dahil isa lang itong secret marraige.

"Mei wag kang maingay!" Nag apply ako sa pangalang Dawn Feng. Kaagad namang natahimik si Mei at na-realized din nito ang lahat.

Tumikhim ito bago nag salita.

"Okay pero 'di ba si Kiara dapat ang ikakasal sa angkan ng mga Feng?"

"Niloko nila ako ni Lee. Kaya ako ang nagpakasal para maisalba ang kompanya namin." Hindi naman ako malungkot at hindi ko alam kung bakit. Sa mga nag daang araw ay mabilis kong nakalimutan ang sakit na nararamdaman.

"May karma rin ang dalawang 'yan."

"Mei." Hinawakan ko ang kamay nito.

"Sorry Dawn nakaka highblood naman kasi ang ginawa sa 'yo ng dalawang 'yon." Ngumiti ako sa aking kaibigan. Siya lang ang bukod tanging nasasabihan ko ng problema at tinalo pa ako nito sa mga reaksyon niya.

"Ms. Feng?" Naputol ang aming pag uusap nang dumating ang HR.

"Can you start tomorrow?" Pormal na tanong nito. Lumiwanag ang mukha ko nang malamang naipasa ko ang job interview.

"I will be assigning you as Mrs. HuanChu's assistant." Really? She's the CEO of HuanChu Corporation.

"Thank you mam!"

"Don't forget to call her Madame."

Masaya kaming naglalakad ni Mei papalabas ng kompanya nang biglang tumunog ang phone ko.

"I'm outside." Si Liu ito. Kaagad akong napalingon lingon, wala naman ang sasakyan niya dito hanggang sa may sasakyan na nagbaba ng bintana. Si Liu ang nasa loob habang seryoso ang mukha. Nagpalit ito ng sasakyan.

Nanlaki bigla ang mata ni Mei. Alam kong nakita niya ang lalaking nasa tapat namin at sinimulan na n'ya akong yugyugin.

"Dawn Feng! Nakikita mo ba? I'ts Mr. Liu Van Shen the famous billionaire!" Kinikilig na aniya.

Napangiwi na lang ako sabay kamot sa ulo. Lumabas si mang Albert ang matandang driver ni Liu at pinag buksan ako ng pinto.

"Dawn Feng i need your explanation." Gulat na gulat na bulong sa 'kin ni Mei.

"She's my wife." Si Liu na ang sumagot dahil nahalata nito ang pagtataka sa mukha ni Mei.

"Oh my! You mean you married Mr. Liu Van Shen?" Namumula ang mukha ni Mei at hindi ito makapaniwala.

"Mei sekreto lang natin 'to okay?" Hindi na ito nakapag salita at mukhang gulat pa rin.

"Dawn napakaswerte mo girl!" Kinikilig na bulong nito nang mahimasmasan. Nagkatinginan kami ni Liu at hindi nag bago ang ekpresyon ng kanyang mukha.

After Dark: My Aloof Husband 1 ✔जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें