CHARM#29

299 33 0
                                    

[A/N: This is the longest chapter I made so far so, yeah. I admit, I am not good in writing action scenes. Nagfefeeling lang talaga ako. Haha. Sana magusutuhan niyo pa rin. Feel free to criticize me, I won't mind. Tumatanggap naman ako nun. So heto na nga. Enjoy reading. Your comments are highly appreciated talaga! Mwaps!]

_THIRD PERSON_

Natapos na ang tawag pero tulala pa rin si Cebi hanggang ngayon. Charm’s words keeps on echoing inside his head. And it suffocates him.

“We are tracking him down.” tila doon lang siya nagising ng marinig ang sinabi ni Justin. He is the tracker in their team. Seryoso itong tumitipa sa laptop nito ng biglang bumukas ang pinto dahilan na mabilis na gumalaw ang ibang mga kasamahan niya.

They pointed their gun to the intruder who just enter the room. Pero kaagad ding natigilan ang mga ito ng makita ang nakakatandang kapatid niyang nakatanga habang nakatingin sa mga baril na nakatutok sa kanya.

“Put your goddamn guns down!” malakas niyang sigaw sa mga kasamahan niya na kaagad namang ibinaba at itinago ang mga kanya-kanyang baril ng mapansin si Mari na papasok na rin sa kwarto. Pero bago pa ito makatungtong sa loob ay kaagad nang isinara ni Loki ang pinto at galit siyang tinuunan ng pansin.

“Anong ibig sabihin nito, Cebi?’” matigas na tanong nito sa kanya kaya pansamantala niyang sinenyasan ang mga kasamahan niyang lumabas muna. Kaagad naman ang mga itong sumunod at nang makalabas na ang mga ito ay mabilis siyang nilapitan ni Loki.

“How can you be so careless?! Alam mong hindi magugustuhan ni Papa pag nalaman niya ito pero anong ginawa mo?! You even invited them here!” singhal sa kanya nito. His older brother is right. Sigurado siyang magagalit sa kanya ang ama nila pag nalaman nito kung anong trabaho ang pinasukan niya.

Ayaw na ayaw ng ama nila ang mga ganitong trabaho dahil sa ayaw nito na mapahamak sila. Pero matigas ang ulo niya at ito pa rin ang propesyong pinili niya. Only Loki knows his work kaya naiintindihan niya kung bakit ito galit sa kanya.

Marahas itong napabuntong hininga.

“I don’t know what to do with you anymore. Sigurado akong malalaman at malalaman ito ni Papa. Lalo na’t involve yang trabaho sa dalawang kaibigan ni Mari.” Saad nito dahilan na muli niyang maramdaman ang kakaibang pamimilipit ng puso niya. Pasimple niyang hinagod ang dibdib para kahit papaano ay makahinga siya ng maayos pero wala pa ding epekto. Pakiramdam niya nauubusan siya ng hanging hihingahin.

“Mari’s outside and she really want to talk to you. Nag-aalala na yun sa dalawang kaibigan niya. She keeps on crying and forcing me to tell you that. Alam mo namang kahit may gustong sabihin ang isang yun, hindi niya basta-basta masasaabi yung gusto niyang sabihin dahil napapangunahan ng hiya at takot. Lalo na kapag sayo.” saad nito dahilan na naiyukom niya ang kamao niya.

“Kailangan ko silang iligtas, kuya.” Matigas na sagot niya sa kapatid niya at marahas na inalis ang benda sa ulo niya at tumayo kaya kaagad na napamura si Loki.

“With that kind of condition? No, Cebi. I won’t let you.” Pagpipigil nito sa kanya ng hinila niya paalis sa kamay niya ang dextrose.

“Cebi! This is not time to be hard-headed!”

“And this is not the time for me to just sit here, kuya!” malakas niyang sigaw dito na ikinatigil nito. Well, he can’t blame his brother to be shock because of his scream. Ni minsan ay hindi niya ito pinagtaasan ng boses. He respected him because he is the only one who support him in the profession that his heart chose. Pero iba na ang sitwasyon ngayon. 

“I have to save them because it is my goddamn fault why they got into this mess so I have to do it! I have to rescue them from that sick bastard! Sana maintindihan mo, Kuya.” Nahihirapang paliwanag niya sa kapatid at tumalikod dito. Malalaki ang hakbang niyang tinahak ang pinto ng banyo para suotin ang damit niya at lumabas ng kwarto.

Chancy Revenge [Completed]Where stories live. Discover now